HRHG 17: Insanity

70.9K 1.7K 54
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap 

"There is always some madness in love. But there is also always some reason in madness."

― Friedrich Nietzsche

⚜⚜⚜

Maxwell's POV

"May pagbabago po ba, aling Magda?" tanong ko sa nag-aalaga sa aking kapatid. Sumandal ako sa pintuan, palabas palang si aling Magda ng papasok sana ako. Nakatulog na si Daniella dahil daw sa napagod ito sa kakaiyak at kakasigaw.

"May mga oras paring ayaw kumain, saka nagsisigaw, ayaw ng may kasama sa loob ng kwarto at hinahanap po kayo, sir," naaawang sabi ng matanda, at tumango lamang ako bilang sagot.

Ang mga kamay kong nakatago sa aking mga bulsa ay kusang kumuyom, at nabuhay na naman ang galit ko kay Luciano. Naaawang nilingon ko ang aking kapatid na natutulog, ang kanyang mukha hilam ng tuyong luha, at mukhang pagod na pagod nga ito. 

Ang laki pa ng ipinayat na niya. Ang dating kagandahan nito ay hindi na nababanaag sa kanyang humpak na mukha,  malalalim na mga mata, at nangingitim na eyebags. Ang kanyang balat, parang lantang gulay narin, pati kulay niyang namumula dati sa puti at kinis, ay lumisan narin ngayon. Parang tumanda ito, dahil sa hindi na ito inaalagaan ang sarili. 

She's a suciedal at kung hindi dahil sa akin, matagal ng patay ang aking kapatid. My parents gave up on her, but I didn't. 

What should I expect, my parents valued their careers, what the people thought of them, more than they valued their own blood. 

A reason why I hate love, why I hate to feel an ounce of any emotions. I've grown heartless, heart that as cold as the dead, numb, and without a conscience.

Rissy, she brought out in me these emotions that I don't want to feel. Those emotions I feared to feel, and they resurfaces because of her. 

It wasn't my plan. I set this game, to play by my rules. 

It is my game, but why Am I falling into my own bait? 

My rules are firing back at me?

"Sabi pala ng mommy mo, ililipat na daw siya sa Russia. Ilalagay daw siya sa Asylum, may mag-aalaga daw sa kanya duon, at baka duon na din magamot," boses ni aling Magda ang nagpabalik sa aking malalim na pag-iisip.

Agad kong ibinaling ang aking tingin kay aling Magda. Kita ko ang asawa sa kanyang mga mata, and I'm sure, Daniella would hate to see that kind of look. Yun ang pinakaayaw-ayaw niya sa lahat, ang kinakaawaan siya. Daniella has the biggest pride, and the most stubborn woman.

"Bakit hindi sinabi ni mommy sa akin? Bakit niya ilalayo si Daniella?" nagtitimping tanong ko. Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig kay aling Magda ng hindi ko namamalayan. Bigla tuloy nataranta ang matanda.

"A-ah, sir, h-hindi- k-ko p-po alam," nauutal nitong sagot, labis ang pagkatakot sa mga pagod na pagod nitong mga mata.

Parang naman akong biglang nagising. Kinalma ko ang aking galit saka tumango. "Pasensya na aling Magda. Sige, magpahinga na po kayo," sabi ko sa kanya sa mababang tinig na may kalakip na pagpapaumanhin, saka siya nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Binigyan ko ulit ng isang tingin ang aking kapatid, bago ako lumabas sa kanyang kwarto at tuluyang nilisan ang mansyon. Pagdating sa aking sasakyan, dinayal ko ang numero ng aking ina.

Sa ikatlong tunog, sinagot naman niya nito. "This better be important Maxwell, I'm in the midddle of board's meeting!" galit na bungad nito na ikinakuyom ng aking mga kamao. Ang magaling kong ina, mas importante ang trabaho nito kaysa sa mga anak.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon