#Fear 47: Kidnapped
✙ (  ̄ー ̄)φ__ ✙
"Sa tingin mo ba hindi talaga nila tayo nahahalata?" Bulong ni Marco kay Kloud habang palihim nilang sinusundan ang mga lalaking nakamaskara.
Kalat na sa buong Seriun ang pagkakakuha ng mga lalaking nakamaskara sa kasamahan nilang sina Fast at Crash. Lubos nilang pinag-isipan ang maaari nilang gawin para matunton ang pinagtataguan ng mga kalaban nila. Una nilang minanmanan ang gang na nag-imbita sa kanilang makipag-gang fight. Agad rin nilang nakita na kausap ng mga ito ang mga lalaking nakamaskara. Hindi pa nila alam kung magkasabwat ba talaga ang dalawang grupo pero sa susunod na nila aalamin yun. Kailangan muna nilang mabawi ang mga kasama nila.
Malayo na rin mula sa Serlande University ang lugar na kinaroroonan nila. Nasa kalibliban na sila ng isang makapal na gubat. Sa wakas ay natatanaw na nila ang isang lumang bahay kung saan nagtatago ang iba pang kasamahan ng mga nakamaskara.
"Sa tingin ko may mali." Biglang imik ni Kloud sabay hinto.
(Kloud)
Huminto na rin ang iba niyang kasama.
"Ano yun?" Tanong naman ni Gregory.
"Hindi pwedeng hindi nila tayo napansin." Gustong sapakin ni Kloud yung sarili niya. "Putek, siguradong a-ambushin nila tayo."
Agad nilang inilabas ang mga armas nila at bumuo sila ng isang maliit na bilog.
"Tama ka nga! Andami nila!" Biglang bulalas ni Ralph tsaka nito sinangga ang atake ng isang kalaban.
"Ptangina!" Sigaw pa ni Leon tsaka nito iwinasiwas ang mahabang bakal na hawak nito.
"Lahat ng pwedeng tumakas, tumakas na." Ani Kloud sabay saksak sa isang kalaban. Napaungol ito at natumba sa lupa.
"Pero—"
"Wala nang pero-pero! Kailangan niyo itong ipaalam sa iba!"
--------
Panay ang suntok ni End sa lahat ng kalabang umaakmang lumapit sa kanya. Mabilis niyang naigagalaw ang mga kamao niya dahil matagal na niya iyong sinasanay.
Bumubulwak ang dugo mula sa mga parte ng katawan ng kalabang natatamaan ng studded gauntlet niya. Hindi bastang studs lang ang nakadikit doon. Matutulis at malalaking tusok iyon.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...