NUN or MOM? (One Shot)
Ako si Rafaelle Angela Mendez, 23 years old, single at nangangarap maging isang madre. Bunso ako sa limang magkakapatid at nag iisang babae. Ang panganay kong kuya na si Kuya Andrew ay isang pari, ang sumunod naman sa kanya si Kuya John ay isang Gobernador, si Kuya Peter naman ay sikat na basketball player dito sa Pilipinas at ang pinakamalapit sa akin ang busong lalaki si Kuya James na sikat namang artista. Lahat sa pamilya ko ay tutol sa kagustuhan kong magmadre kaya may usapan na kami na pag wala pa akong boyfriend hanggang sa umabot ako ng edad na bente kwatro ay saka pa lamang nila ako papayagang pumasok sa kumbento, at anim na buwan na lamang ang aking hinihintay, sa ngayon isa akong photographer.
“Hey Raffy, 10 minutes nalang start na pictorial.” Lumapit ito sa akin upang bumeso.
“Alam ko po kuya, ready na ba kayo?”tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko.
“Oo naman lil sis, anyway remember Daniel?”napaangat ang mata ko kay kuya mula sa pagtingin sa DSLR ko ng marinig ko ang pangalan na binanggit nito.
“Daniel who?”umiwas agad ako ng tingin kay kuya James at nagkunwaring nag aayos ng gamit kahit tapos ko ng ayusin ang mga ito.
“Ouch! It hurts huh! Angel naman limang taon mo lang akong hindi nakita nakalimutan mo na agad ako? Ako pa nga yung escort mo nung debut mo.”May papalapit sa amin ni Kuya James na matangkad na lalaki, lalo itong gumwapo at hindi ko maitatanggi na maganda ang pangangatawan nito.
“Daniel pare!”nag man hug ang mga ito habang nakamasid lang ako sa kanilang dalawa. Bestfriend ni Kuya James si Daniel pareho silang twenty six years old, isa ito sikat sa negosyante at car racer.
“Hey Angel, long time no see.”lumapit ito sa akin yayakap sana ito pero pinigilan ko siya.
“You don’t need to hug me, were not even close, you know.”sabi ko sakanya pero hindi ko siya tinitingnan.
“Hindi ka pa rin nagbabago, aloof ka pa rin o baka may magagalit?”he said.
“Are you fishing?”naiilang ako sa presensya ng lalaking ito,kaya hinawakan ko na lamang ang rosary sa loob ng bulsa ng aking pantaloon.
“Daniel, walang sabit yang kapatid ko at balak magmadre pagdating nya ng twenty four at six from now twenty four na siya, matutupad na pangarap niya dahil until now wala pa ring lalaking nagpapatibok ng puso niya.”naiinis kong tiningnan si Kuya James.
“James paano magkakaboyfriend look at her, hanggang ngayon nakalong sleeve at manong na pantaloon pa rin ang get up plus hanggang ngayon lagi pa ring nakapusod at nakasalamin.”tuloy tuloy na sabi nito habang tinitingnan ang kabuan ko. Masakit marinig lalo na at galing sa kanya ang mga bagay na iyon.
“hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon nilalait mo pa rin ako!” childhood crush ko si Daniel, noon nangangarap ako na sana mapansin niya ako, pero bago ang debut ko narinig ko silang nag uusap ni Kuya James at nasaktan ako nung sabihin niya sa kuya ko na hindi niya ako type dahil ang beauty ko daw pang madre lang kasi masyado daw akong conservative at relihiyosa.
“Hey don’t get wrong Angel, maganda ka naman kaya lang hindi ka kasi nag aayos, paano ba naman kasi lagi ka nasa simbahan, dasal ka ng dasal, hay naku tigilan mo na nga yang pangarap mong magmadre, sayang ka.”hindi ko alam kong matutuwa o maiinis ako sa mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
NUN or MOM (ONE SHOT)
General FictionRafaelle Angela is dreaming to be a nun when she reached 24 years old. but her fate will changed when Daniel back after 5 years, her first love.