"Pamilya ay isa pinakamahalagang bagay na maituturing natin sa ating buhay"

313 0 1
                                    

Noong unang panahon may isang buo at masayang pamilya sa lugar ng Dipolog,ang mag-asawang sing Mang Jose at Aling Nena ay Binayayaan ng tatlo na anak, isang lalaki dalawang babae,halos lahat sa lugar nila ya kinaiingitan ang pamilya nila dahil sa mababait,magalang,at nakapakasaya nila Mang Jose at Nena. simple at maayos ang pamumuhay nila dahil sa ilang taon na ring nakalipas at naka-pundar rin sila ng tindahan, nakabili rin sila ng mga hayop katulad ng kambing,manok,kalabaw,at baka.ngunit sadyang masipag si Mang Jose kahit meron silang tindahan at mga hayop ay naghanap pa rin siya ng ibang mapagkakakitaan.Noong una ay ayaw niya sana pumayag ni Aling Nena na magtrabaho si Mang Jose dahil ayaw niyang malayo ang asawa sa kanilang mga anak.ngunit wlang magagawa si Aling Nena kung hindi ang magtiwala at pumayag sa gusto ng Mr.sa araw ding iyon sa pag-alis ni Mang Jose ay lubhang ikinalulungkot nila Ana at Juan.si Juan ay ang panganay na anak nila Mang Jose at Aling Nena si Ana naman ang pangalawa,nang pag-alis ni Mang Jose ay buntis na si Aling Nena sa pangatlo nilang anak.dumaan ang mga araw,linggo,buwanat,at taon noong una ya nagpadala pa si Mang Jose sa pamilya ngunit di-nag. laon ay natigil ang pagpapadala nito sa di malamang dahilan,at dumating ang panganganak ni Aling Nena.at ipinanganak ni Aling Nena ang pangatlong anak at babae pa rin ito nang manganak na si Aling Nena ay pinilit niyang magpalakas at aktibo para mapuntahan at mabisita niya ang asawang si Mang Jose sa pinagtatrabaho-an nito lumipas ang mga raw at sobrang sabik na sabik na si Aling Nena na makita ang asawa at makita din nito ang pangatlong anak na babae na nag-ngangalang Angelica.ngunit sa di-inaasahang pagkakataon nang nakarating na si Aling Nena sa pinagtatrabaho-an ni Mang Jose ay nagulat ta nanghina si Aling Nena sa kanyang nasaksihan ng may babae na nakakandong kay Mang Jose na sorpresa din si Mang Jose sa pag dalaw ni Aling Nena at sa sobrang gulat nito ay nanlaki ang mga mata ni Mang Jose sabay tanong kay aling Nena "bakit kayo napadalaw?" di lang man kayo nagpasabi? Eto na ba yung pangatlong anghel ko? sagot naman ni Aling Nena "oo naman" wala man lang kibu-an ng pangyayaring naganap. ni hindi man lang tinatanong.ni Aling Nena kung sino ang nasabing babae.at nang araw ding iyon ay umuwi pabalik si Aling Nena at ang kanilang pangatlong anak.walang ayaw ang naganap na iyon. walang sigawan at bagayan at naghiwalay ang mag-asawa.halos lahat ng kapit bahay at malapit na maga kaibigan nila Mang Jose at Aling Nena ay hindi makapaniwala sa nangyari.pagkatapos ng hiwalayang iyon ay di na muling nagkita ang mag-asawa lumipas ang ilang taon at lumaki ang mga anak nila ng magkahiwalay sila ngunit lumaki naman ang mga anak nila sa tamang pangangalaga at pag-aaruga ng mga tiyohin ta tiyahin nila ang tatlo na mga bata.Dumating ang panahon na nag-asawa muli si Mang Jose at di rin nag tagal nag-asawa rin Aling Nena,nagkaanak muli si Mang Jose sa pangalawang asawa niya tatlong lalaki din ang nabuo ni Aling Nena sa pangalawang asawa niya.Ang mapupulot nating aral o leksyon ay hindi man lahat tayo nagkaroon ng perpekto ta buong pamilya.dapat kung anong meron tayo ay dapat nating alagaan at pahalagahan ang mga mahahalagang bagay sa ating buhay,dahil di natin namamalayan kung ano at sino pa yung pinaka importante sa buhay natin ay yun pa ang mawawala ng hindi natin namamalayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Pamilya ay isa pinakamahalagang bagay na maituturing natin sa ating buhay"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon