M&W1

16 0 0
                                    

-A bump with the Moon that saved Me-

Bianca's POV

Para sa iba, buhay ng tao ay isang malaking misteryo. Puno ng mga posibilidad na maaring mangyare sa loob lamang ng isang iglap. Mga posibilidad na maaring maging masaya, malungkot, nakakatakot, o nakakakilig. Pero para saken? Ang buhay ay isang "Big Book of Lessons". Madami kang matututunan. Minsan meron, minsan wala. Pero nanjan nay an eh. At kung ano man ang kinalalabasan ng mga pangyayare, dapat matutu naten itong tanggapin.

Isang mainit na araw nanaman dito sa school. Lakad dito. Lakad doon para lang makapasok sa susunod na subject. Akalain nga naman ng angkan namen, heto ata at 3rd year college na at kasalukuyan kaming naglalakad ng bestfriend kong si Joana papunta sa susunod naming classroom.

"Yes naman B! President kana naman! Pag pupunta ka ng faculty wag mo akong kakalimutan isama lagi ha?? Please??? *insert pout* Atleast kahit na hindi na naten sya teacher e masisilayan ko pa din ang kanyang kakisigan. Hihihi." Eto nanaman sya, magmula ng paglabas namen sa homeroom ayan lagi ang pakiusap nya saken. Crush nya lang naman kase yung dati naming Multimedia instructor na si Sir Marfy. Bata pa kasi ito at single.

"Oo na Jo. Gusto mo iwan pa kita doon e para lang matahimik yang malanjoot mong kaluluwa. Haha!"

"Heh! Kurutin kita sa singit e bes. This is Love you know? I can feel it in my veins. At alam ko din na type din ako nun ni Ser. Tignan mo man. Hihintayin lang ako makagraduate nun. Hihihihi." At kinilig pa ang loka sa sariling imagination.

"Osya sige support nalang ako sayo Jo. Alam mo naman, sino pa ba iintindi jan sa baliw mong utak kundi ako. Hahahaha!"

"Napaka mo talaga BIANCA DENICE REYES!!!" At sabay kurot nya sa tagiliran ko habang tawa pa din ako ng tawa. Ang sarap kasing kulitin ng isang to lagi e. Pikon kasi sya. Sa totoo lang maldita ang babaeng to. May iba syang kaibigan noon pero iniwan sya dahil daw sa ugali nya. Hindi ko maintindihan ang mga taong ganun. If they really like a person, they should accept and respect their flaws whatever they may be.

Para saakin isa si Joana Dimagiba sa mga taong maituturing kong panghabangbuhay na kaibigan. Kahit na topakin sya ay nagkakaintindihan pa din kame. Dikit na nga ang bituka naming dalawa eh. Haha! Nagpatuloy kame sa paglalakad ni Joana ng bigla kaming may nakasalubong na lalaki. Well... hindi lang basta salubong. More like sunggab mga pre. Sunggab saakin.

"Hi! *hawak sa both shoulders ko* Ikaw si Bianca Denice Reyes diba? President ng 3A?" OMG! Bakit nya ako kilala? May utang ba ako sa taong to? Sino naman kaya ito bigla nalang humarang sa dadaanan ko?

"Uh, eh, ako nga. Bakit po?"

"Classmate nyo kasi ako Web Programming. Kaso lang hindi ako nakapasok kahapon kasi nakatulog ako, so meron ba tayong Web mamaya?" Nakangiti nyang tanong saken. Grabe ang pogi, hindi mapagkakailang magandang lalaki itong nasa harapan ko ngayon. Matangkad, pang chinito ang mga mata, maputi na ang balat, mapuputi pa ang kumpleto at perpekto nyang mga ngipin at mabango pa sya ha. Huhu pagtataksil naba tong ginagawa ko kay Nathan?

"Uhm oo meron. Hindi moba tinignan yung schedule sa bulletin board?"

"Hmm, hindi eh. Tinatamad kasi ako kaya hinintay nalang kita lumabas sa klase mo para matanong kita." Ay anak ng tokwa. Buti ang paghinga hindi nya kinakatamaran? -_-

"Ah, hehe *inalis ko yung kamay nya sa braso ko* ngayon alam mo na, so pumasok kanalang mamaya. Sige alis na kame! Tara na Jo." Hinila ko na paalis si Joana.

"Ayus tol ha?! Sya naba?"

"Ayie binate na si Jethro mabaho na ang utot!"

"Heh manahimik nga kayo jan mga ulul. President lang yun ng section na nilipatan ko." Hindi nalang namen pinansin ang pag aasaran nila.

Me & Who??? Where stories live. Discover now