Chapter 01

9.8K 198 12
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Warning: For Mature Audiences Only

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Warning: For Mature Audiences Only. This work of fiction contains sensitive contents such as Theme, Violence, Drugs, Language, Sex and Horror. If you are not a fan of BL Series or Boy to Boy Love Stories - please leave this page immediately.

Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

===============

"I'm back, but take me back one step"

-   - - -

Katatapos lang ng halos anim na oras ko sa operating room. It's been a while, since I re-entered this horrible part of the hospital. Para naring musika sa aking tenga ang mga tunog ng mga aparato. Sa awa ng Diyos nairaos namin ng matiwasay ang isang complicated na operation. Pagod at stressed ako ng mga oras na yun, dapat sana ay sanay na ako sa mga ganitong pangyayari. Pero dahil nga sa isang insidente napagdesisyunan ko munang iwan ang buhay surgeon. Nagpaka wanderlust ako para hanapin muli ang sarili ko. Seoul is the place where I found myself again.

"Hey Cedric, uwi ka na?" tanong ni Dr. Abrahano.

Tumango lang ako at ayaw ko nang pahabain pa ang dialogue.

Umuwi ako sa bahay at ininda ang traffic sa EDSA. Nataon kasing payday Friday nun kaya ganun nalang ang eksena. Matapos siguro ang halos 2 oras sa daan ay nakarating narin ako sa bahay. Naligo muna ako at kumain narin. Dahil nga di pa ako inaantok naisipan kong manuod muna ng TV. Di ako makarelate sa palabas kaya palipat lipat ako ng Channel. Nasanay na kasi ako na mga Korean movies ang nagpa-flash sa tuwing bubuksan ko ang TV sa Seoul dahil yun yung pamatay ko ng oras dun. Naisipan kong mag youtube nalang at yun nga one Korean drama captured my interest.

Pinanood ko yung episode 1, unang eksena palang kumakabog na yung dibdib ko. Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Bukod sa gwapo at maganda ang bida ay talaga namang nananadiya ata ito sa mga characters ng istorya. Doctor lang naman at sundalo yung bida.

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon