HRHG 20: So Close

70.2K 1.8K 49
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"True love is not a hide and seek game: in true love, both lovers seek each other."

― Michael Bassey Johnson

⚜⚜⚜

(Rissy's POV)

"Anong nakain mo at dito ka nagpahatid kagabi?" kunwari'y galit kong tanong. 

Lalong lumuwang ang ngisi nito at ang kaninang saya na naramdaman ko ngayo'y napalitan na ng inis. Iba na kasi makangisi ito eh, arogante talaga. At kung makatitig pa mandin parang kinakain ako ng buo, yun bang ang lagkit lagkit at parang ang kanyang mga mata parang ginagahasa ako at peste namang katawan ko, titig palang, iba na makareact. OA lang.

"Diba pwedeng halik muna bago mo ako sermonan?" nakangising sabi nito saka ako hinila tuloy, napalanding ako sa tiyan niyang namumutok ng masels. 

Hays, kung ganito lang sana araw-araw. Pero hindi pwede, andito pala ang mga magulang ko. Patay ako.

"Bitiwan mo ako," naiinis kong kinalas ang kamay nitong nakahawak sa leeg ko at ulo. Amoy alak pa ito, though nahahaluan ng kanyang masarap na amoy, iba parin. Oo seksi ang amoy niya, pero magpakatotoo tayo, ang amoy ng alak hindi maganda. Mas malakas parin kaysa amoy ng alak na hininga. Mas masarap parin ang amoy ng kili-kili nito kaysa alak. 

"Argh.. Amoy alak kapa!" naiinis kong pinaghihiwalay ang katawan namin. Pinakawalan naman niya ako, ngunit ang ngisi niya, naipinta na sa mukha nito at dyaskeng tiyan at puso. Hindi magkamayaw sa sobrang kilig. 

Bakit parang natatae ako sa kilig?

"Bakit, porket amoy alak na ayaw mo na akong halikan? Yung pekpek mo nga kinain ko, wala akong reklamo," parang pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa aking mukha. Aba ang tarantadong satanas na ito, kung sabihin ang ari ko parang wala lang. Ako nga, naisip ko palang,  parang gusto ko ng magpakain sa lupa sa kahihiyan, tapos ngayon, ipapaalala pa sa akin.

Lumunok ako at pilit pinapatatag ang boses ko, ngunit sadyang nahiya talaga ako para sa kanya. Tarantado naman kasi ang bunganga niya. "Ang bastos mo talaga kahit kailan. P-pati b-b naman iyon!" nabubulol kong sabi sabay lunok.

Natatawang hinila ako pailalim sa kanya at nakangising pumatong ito sa akin, ang kanyang dalawang siko nakapatong sa kama para hindi ako maipit. "Pero ang sarap talaga ng iyon. Parang iyon ang gusto kong pang-agahan," sabay kawag ng mga kilay na nang-aasar. Ang pisngi ko naman sobrang init na sa pagkapahiya. Parang andun na lahat ang dugo ko dahil sa sobrang kahihiyan na.

Pinandilatan ko siya. "Hindi kana nakakatawa, Maxwell. Bitawan mo ako. Kung gusto mong kumain ng p-pe-pe ... " lumunok ako saka tinaliman siya ng mga mata, "ahh.. basta yun. Dun ka, wag dito!" naiinis kong itinulak ito sa dibdib ngunit parang tumulak lang ako ng pader.

Lalo lang akong pinagtawanan at hinapit pa lalo sa balakang. Aba't nag-eenjoy ang loko sa akin. "Umalis ka sa ibabaw ko sabi eh!" naiinis na talaga ako at gusto ko ng sapakin ito at ng mabawasan naman ang kaguwapuhan niya. Nakakagigil lang talaga.

"Pagkatapos mo akong pakainin, my bunny." Sabi nito pero iba ang pagkakaintindi ko. Ang mga mata nito super lagkit at pati boses nito, malalim at parang paos. "Saka ako aalis, sige na. Gusto ko ulit matikman iyon. Ang sarap eh," paglalambing sa namumungay na mga mata na lalo kong ikinainis. Pero ang buwisit kong pepe, aba'y namasa na sa excitement.

Pilit kong pinagtatakpan ang pagkaexcite ng aking katawan. Naggalit-galitan ako upang pagtakpan ang pagnanasang unti-unting nabubuhay sa aking dugo. "Hindi kaba nakakaintindi? Ayaw nga eh!" Naiinis kong sabi. "Saka masakit pa!" namumulang pagrarason ko. Which is true. Kanina nga pagkatapos kong umihi, parang may sugat ako sa loob. Mahapdi.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon