Stop Annoying Me!

77 3 2
                                    

Pumasok ako sa academy habang naka-sakay sa aming Lamborghini Aventador at isinabay na rin ang pinsan ko.

"Ugh. Monday nanaman." Sabi ko.

Bakit kaya kailangan pang Monday until Friday ang school days? Kapag ako naging Presidente, Wednesday until Friday lang. Iboto niyo ako guys ah! Alliana B. Santiago for President on year 2040. ^_^

"Kahit kelan tamad ka talagang pumasok, Lian." Sagot sa akin ng pinsan ko.

"Hindi naman ako natatamad pumasok, Elysse eh. Natatamad lang akong makinig ng lessons. Tapos may report pa kami ngayon nung lalaking ugok na yun. Lalong nasisira ang araw ko." Sabi ko sa kanya.

Totoo naman kasi. Buwiset talaga iyong lalaking gubat na yun. Nung nagplano kami ng mairereport, ginugulo at iniinis lang ako. Bakit pa kasi kami ang pinagpartner?

"Asus. Hindi ka na nasanay." Aniya sabay tigil ng sasakyan sa aming academy.

"UUYYY!!! TOMATOES!!!"

URGH!! Nandito nanaman ang lalaking buwiset sa buhay ko, Jude V. Kinsley.

"Tsk. Ano nanaman bang kailangan mo ha?!" Sigaw ko sa kanya.

"Baka ikaw yung may kailangan sa akin." Aniya. "Diba dapat parehong magpaparticipate yung magpartner? Dahil kung hindi..walang grade."

Pucha! Oo nga pala. Leche ka talagang lalaking gubat ka!

"Tsk. Edi tumulong ka!" Sigaw ko nanaman sa kanya.

"Hoooy. Kaaga-aga, LQ nanaman kayo. Walang forever!" Singit ng pinsan ko sa amin ni Jude habang papasok na sa loob ng academy. "Maiwan na nga lang kayong dalawa." Dagdag pa niya.

"HAHAHA! Sabihin mo na lang na bitter ka, Elysse!" Sigaw ni Jude sa kanya ngunit hindi na narinig ng pinsan ko dahil nasa loob na ito.

"Hoy! Tumulong ka sa report natin ah." Sabi ko sa kanya nung tumungin na siya sa akin.

"Basta may oreo icecream ako pagkatapos." Aniya habang naka-ngiti.

"Gaya-gaya ka talaga ng flavor eh no? Inggitero!" Sabi ko.

"Wow ah. Ikaw kaya iyon. Idol mo kasi ako." Aniya sabay nagpogi sign.

"Hala! Akala mo guwapo." Sabi ko.

"Bakit? Ano pala? Hot ba?" Tanong niya.

"HINDI!" Sagot ko sabay pasok na sa loob. Asa! Hindi ka guwapo or hot! Panget ka! PANGET!

Stop Annoying Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon