Luck is on my side
Oww.. Ang sakit nun ah, ang sakit ng baba ko.
Mga salitang tanging nasa isip ko pagkatapos kong may makabangga. Hindi ko alam kung saan ako bumangga pero sa impact nito saakin mukhang tao ito.
Hindi kasi ako tumitingiin sa daan, busy ako ayusin ang butones ng polo ko.
"O-okay ka lang ba? I managed to say habang tumayo at inalalayang tumayo ang babaeng nasa harap ko.
Mukhang siya ang nakabangga ko.
Matapos kong ayusin ang polo ko ay tumunghay ako para tignan ang babaeng nasa harap ko.. at pag sini-swerte ka nga naman!
"Matt?!"
"Mavis?!"
Yung totoo nagulat ako na si Mavis ang nasa harap ko, pero grabe gusto kong tumalon sa tuwa kasi mukhang binibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon para itama ang lahat. Habulin ang mga panahong nawala.
Base sa reaksyon ng mukha niya, mukhang hindi siya natutuwang makita ako. Sobrang nang laki ang mata niya at tila ba parang may takot na nakapinta sa mukha niya.
May problema ba?
"M-Matt, a-anong ginagawa mo d-dito?", she said.
Dahan dahan niyang hinawi ang buhok sa mukha niya at tumingin saakin.
She smiled. Pero may iba sa mga ngiti niya, parang pilit.
"Uh.. a-ano kasi galing akong Editing Office. Dinala ko mga shots ko na gagamitin for the promotion poster. I-kaw? A-anong ginagawa mo dito?"
Napahawak ako sa baba ko, mukhang malakas ang impact naming dalwa. Kumikirot ang baba ko, feeling ko namumula 'to.
"Ahh. Galing akong.. dito. Err, sa studio.", sagot niya.
Siya kaya? Kumikirot din kaya noo niya?
"Oo nga pala. Ikaw nga pala ang composer ng mga kanta at music scores na gagamitin sa film, narinig ko kay Nicole."
Biglang nagbago ang itsura ng mukha niya, para bang nagtataka.
"Nicole?", she asked.
"Ah, magkaibigan kasi kami ni Nicole, yung isa sa mga producer. Ayaw niya ng tinatawag ko siya ng pormal kaya Nicole lang tawag ko sa kanya."
Inaaos ko ang bag ko habang sinagot siya. Iniiwasan ko kasing makita niya na napapaisip ako tungkol sa nasa isip niya.
Bakit parang interested siya kay Nicole?
"Psssh!"
Napatingin ako kay Mavis. Sinit-sitan ba niya ako? Tama ba pakarinig ko?
"Ma-masakit ba?", she asked.
Ha? Anong sinasabi nito?
"Alin?"
"Yan.", sagot niya habang tinuro ang baba ko.
"Ahh ito? Ayos lang. Kumikirot lang, pero okay ng naman. Mawawala din ito maya maya."
Concern siya sakin. Anak ng, kinikilig nanaman ako.
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi kasi normal sakin ang kiligin, e malay ko ba kung anong dapat gawin! Pakshet naman.
Tumingin ako sakanya, napansin ko na medyo namumula pa rin ang noo niya.
"Eh yan?", tanong ko.
Napahawak siya sa noo niya, "Ito?"
BINABASA MO ANG
Somewhat how it Ended is where it all Began
Novela JuvenilIn life when everything is in to place, people tend to wish that it would last, that it would be forever. In hopes of reaching forever people will do anything especially when it comes to fulfilling a dream and finding true love. And when everything...