To see is to believe

364 7 0
                                    

"Ngayon lang ako magsshare ng ganto. Sorry kung ang haba ng kwento ko. Sana pagtyagaan niyong basahin.

17 years old na ko pero sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito kase nga di ako matatakutin pero ngayon iba talaga. So eto sisimulan ko na yung kwento ko.

Pumunta kase kame ng mga kaibigan ko sa Libingan ng bayani. March 24, 2016. Dinalaw kase namin yung Papa nung kaibigan namen. Una pa nga akala namen di na kame makakpasok kase anong oras na nun 6:00 pm na nung nakarating kame. Nung una sobrang okay lang talaga as in. Picture dito picture dun. Ngayon na lang din kase ako nakapunta dun ulet kaya parang manghang mangha ako kase ang ganda ng place. Edi yun na nung mga bandang 7 na umuwe na kame gabi na nun kame na lang yung naglalakad bale anim kameng magkakaibigan ako lang yung nag iisang babae kaya ako na yung taga picture sa kanila. Yun nga picture dito picture dun, ang usapan pa namen e walang titingin ng picture hanggang sa di pa kame nakakalabas ng libingan. Yun naman din ang nasunod. So ayun gabi nga naman at kame lang tao ano pa nga bang ieexpect naten? Edi syempre nagkatakutan na. Kada may maririnig na paniki magtatakbuhan. Ayun takbuhan, sigawan, takutan ang naganap pero hindi nawala ang picturan.

Nakalabas na kame ng libingan mga anong oras na din yun. Pumunta kameng 7/11 para bumili ng maiinom. Maya maya ng medyo okay na nakapagpahinga at nakainom na naglakad na kame pauwe pero habang naglalakad kame naisipan nameng magkakaibigan na magpahinga muna sa Heritage Park kung tawagin. Hanggang 8 pm ang usapan at uuwe na din. Dun na din namen tinignan yung mga picture. Siyempre ako yung may ari ng phone so ako yung unang tumingin. Nung una sabi ko ""Ay sorry walang nakakatakot sa mga pic niyo"" tapos maya maya lang nung tinignan ko ulet bat parang may iba na. 5 kase sila nun bale nakatalikod sila nun, sa kalsada na sila lang yung laman sa gitna nilang lima merong nakasingit na puting puti talaga siya parang madre siya pero malayo e. Kinumpara pa nga namen yung kulay ng cross ng mga patay at yung kulay na puti na kasingit dun sa picture magkaiba talaga siya. Kumbaga parang nasa kanto siya kame nasa gitna ng daan. Siyempre ako kalma pa lang nung una. Slide ulet ng mga pic kase baka pati sa iba may nagbago tapos nung madaanan ulet yung pic na yun nadagdagan siya. Nagkaroon ng white line na patayo. Which is wala naman nung una. Dun kabadong kabado na kame naluluha, nanginginig. Lahat kame na- goosebumps that time kase ibang iba talaga yung feeling kung kayo din yung nasa sitwasyon. Ako na may ari ng phone naiiyak na ko nakakapanghina. May isa samen na siya na lang talaga yung may hawak ng phone tapos kameng lima nagpapanic na kase iba na talaga yun. Tapos may biglang lumapit samen na lalaki. Siguro nagtaka bakit kame nagsisigawan.

NV*
Siya: *sumilip* ay anong meron?
Kame: *nakatingin lang sa kanya tapos walang sumasagot kase di namen siya kilala*
Siya: ay sorry stranger. Ako nga pala si Jessy *then may binanggit siya na youth for christ ata yun basta ganun*
Ako: ay kuya yung sa picture po kase e.
Siya: ano meron?
Kame: *kinwento kung anong meron*
Siya: ay nako sino ba may ari ng phone? delikado yan susunda kayo niyan
Ako: *syempre natatakot kase ako may ari ng phone* hala weh? Di nga kuya? Sige inyo muna cellphone ko kunin ko na lang bukas.
Siya: de jk lang
*tapos ayun umalis na siya mabait naman siya nagtaka lang talaga kung anong meron samen kase ang ingay talaga namen.

Pero wait.... Hindi pa tapos yun...

After nun bigla na lang nakita nung last na may hawak ng phone ko may bigla guhit naman din na pahiga naman. Bale nagpormang Cross na siya. So ako? Kabadong kabado naiyak na ko nun kase iba na talaga yung pakiramdam ko grabe na. Di ko na hinahawakan phone ko nun. Halos lahat kame sinasabeng idelete na yung pic kase iba na talaga mamaya kung ano pa yung mangyare. Kaya ayun dinelete na nung isa nameng kasama. Hanggang sa makauwe kame di pa din kame natapos kakaisipi kung ano yun at bakit may ganun. Napadaan kame ng church nag pray at nag bless kay father. After nun umuwe na kame.

Matapang akong babae. Pero after neto nag iba. First time ko to sa buong buhay ko. First time ko naka- encounter ng ganto. To see is to believe talaga. Maniwala man kayo or hindi. Basta alam nameng anim na totoo to at hindi kwento kwento lang. Kung hindi lang nabura yung pic may mapapkita sana kame pero mas pinili na nameng burahin. Akala ko sa mga palabas lang to nangyayare pati sa totong buhay pala talaga may ganto.

Pero ayun salamat sa pagbabasa ng story namen. Kahit ang haba. Thank Youuuu. Ingat kayo 👋🏻☺️"

AnnaKarenina
Taguig City

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon