Chapter 5

863 63 14
                                    


MARIONNE'S POV

Kinabukasan...

Maaga pa lang ay nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko na dadalhin ko papuntang Cebu. Mamayang hapon pa naman ang alis namin ni Valeng. Tatlong araw kami doon, yun ang paalam ko kina mommy at daddy at pinayagan naman nila ako.

Sa totoo lang may konting excitement akong nararamdaman sa pagpunta namin sa Cebu, siguro ay dahil na rin sa first time kong mapunta sa nasabing lugar. Di rin maipagkakailang maganda ang Cebu base na rin sa nakikita kong mga posted pictures sa facebook page.

Ring!  Ring! ...

Bahagya pa akong napaigtad ng tumunog ang cellphone ko.

Si Valeng.

" Hello,..ha? on the way ka na!...ang aga mo naman, mamaya pang hapon flight natin, ah...Ok, sige, bye."di halatang excited lang itong si Valeng , di pa nga ako nakapag breakfast .Inuna ko kase pag-iimpake kase baka maunahan na naman ako ni yaya na gawin ito, mula ng magka-isip ako, kahit may yaya ako natuto akong gawin ang mga bagay na di inaasa lage sa yaya ko.

Nagpatuloy ako sa pag-impake ko. Tiyak maya-maya lang ay tatawagin na ako sa baba para sabay na kami nina mommy at daddy na mag breakfast.

Patapos na ako ng marinig kong nagriring ang cellphone ko.

Si Valeng uli.

" Oh, asan ka na? " bungad ko kaagad sa kanya .

" Nandito na ako sa labas ng kwarto mo. "

"Ha?...seriously? " di makapaniwalang sabi ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon ang nakangiting itsura ni Valeng, habang hawak pa rin nito ang cellphone sa kaliwang tenga.

Call ended.

"May patawag tawag ka pa, ha.Nariyan ka lang pala sa labas ng room ko! "Sabay  irap sa kanya."Ang  aga mo naman ata. "

"Miss na kita agad, eh.Tsaka excited rin ako sa pagpunta natin sa Cebu,magkakabonding na naman tayo. "malapad ang ngiting litanya ni Valeng.

"Asows!....miss mo ako o miss mo yung si Jerald kaya sobrang aga ka pumunta dito dahil na rin excited ka na makita s' ya, ano?"

" Di naman sa gano'n bhessy, pero ehhhh....basta .Excited ako na , ewan! "Palatak nito. Tch! Halata namang excited ito na makita si Jerald.

Nagsawalang kibo na lang ako sa inasta at sinabi ni Valeng at tinapos ko na ang pag-iimpake.

"Tara na sa baba,"aya ko sa kanya matapos kong isara  maleta ko na may katamtamang laki. " Let's eat breakfast, gutom na ako. "

~~

Nasa kahabaan na kami ng highway ng maipit kami sa matinding traffic. Mabuti na lamang at naisipan ni Valeng na umalis kami agad pagkatapos naming mananghalian.Mamayang 4pm pa ang scheduled flight namin , quarter to 1 pa lang naman.

"Haist! Bakit kase di na lang natin ginamit private plane ng daddy mo. Nag-offer na 'yong tao, 'kaw naman 'tong ayaw. Di sana di tayo ngayon naipit sa traffic. "halata ang pagka-irita sa boses ni Valeng. Ayaw na ayaw nito naiipit sa ganito katinding traffic , well...lahat naman siguro ayaw.

LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon