Prologue :>

17 0 0
                                    

Copyright © 2014 by skrim-oh. All Rights Reserved.

**

 Lalalalalala~ "

Pakanta-kanta ang isang batang babae habang naglalakad papunta sa park kung saan maraming palaruan. Gabi na noon ngunit walang katakut-takot ang batang babae na maglakad nang nag-iisa. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang tumambad sa haraan niya ang playground. Agad naman siyang tumakbo sa kinaroroonan ng swing. Pagkaupo niya, saka pa lamang niya napansin ang isang batang lalaki na nasa kabilang swing at nakatitig sa kanya.

" Hello! Anong pangalan mo?"

Hindi naman siya sinagot ng lalaki.

"Hello? Helloooo!!! Yuhoo!! Nagsasalita ka ba?"

Kinaway kaway na niya ang kamay sa mukha ng lalaki ngunit wala pa rin siyang naririnig mula rito.

"Teka, may tinuro sakin si mommy eh. Hmmm, whaaaaat isshh yorrrr neymmm.. ayun! What ish yor neym?"

"Jiro... "

"Hi Jiro! "

Hindi na muling nagsalita pa ang batang babae sapagkat alam niyang hindi naman sila magkakaintindihan. Nagpatuloy na lamang sila sa pagpapataasan ng swing. Bigla namang may matandang sumulpot na hingal na hingal. 

"Naku! Ikaw bata ka! Kung sa'n sa'n ka nagpupupunta! Akala ko nawala ka na! Ako pa ang mapapagalitan ng mama mo kapag nalaman niya to! Halika na, umuwi na tayo!" sermon ng matanda sa kanya.

"Sorry po Manang. Di ko po sinasadya. Gusto ko lang naman pong maglaro.." 

"Halika na! Umuwi na tayo! Gabi na!"

"Opo"

"Bye Jiro! Kita ulit tayo bukas!" masayang paalam ng batang babae.

Nang nawala na sa paningin ng bata ang playground, saktong mayroon siyang naalala. 

"Manang! Sandali lang po! Balik po tayo dun sa playground!"

"Naku Denise! Magtigil tigil ka ! Kailangan na nating umuwi!"

"Pero Manang! Di niya po nalaman yung pangalan ko.."

"Bukas na lang yan. Masyado nang gabi. Halika na"

At umuwi na nga silang dalawa. Habang ang batang si Jiro naman ay may ngiti sa mga labi sa isang dahilan. Sa unang pagkakataon, nagkaroon siya ng kaibigan. 

--

Pasensya po ^^ On edit ko muna to ngayon. Hindi pa tama yung mga words na ginamit ko. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend In Disguise (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon