So Close
LJ's POV.
Two weeks passed after the incident. Well, Jared and I are going along well. Pero may times na hindi namin maiwasan ang pang aasar sa isa't isa, may pagka-pikon din kasi ang mokong. Kung tutuusin, biglang bait nga eh.
Pero hindi yung totally mabait talaga hah? Kumbaga, nabawasan yung pang-iinis nya sa akin. Nakakapikon pa rin, pero hindi naman masyadong harsh eh.
Two months na rin ang nakalipas starting nung napadpad ako dito sa Korea. Everything's going well naman. Ka-close ko na si Jacob, at parang mga kuya ko na din sila Alex at Zedrick. Nakakatuwa nga silang kasama, para kasi silang apat na batang sumapi sa mga 17 year old guys.
One time nung gumala kaming lima. Nag mall kami by that time since three days kaming walang pasok. Pinayagan lang kami ng principal na makalabas since malakas sa kanya ang apat na popular students.
Napadpad kami sa mall because of boredom. Medyo na-miss ko rin iyon, at may times na hindi ko maiwasan mag long sa pagsuot ng mga girly outfits. Medyo napapansin din ito nung apat, pero ang palusot ko na lang ay nami-miss ko yung pinsan kong bakla na pinapangarap mag suot ng mga girly outfits. Naasar pa tuloy ako ni Jared na bakla. -,-
Pumunta kami nun sa isang ice cream parlor. Never knew na favorite flavor pala ni Jared ang strawberry. Nung nalaman ko yun, bigla kong naalala si M.M. She hates strawberry kasi kahit nung mga bata pa kami. Anything that has to do with strawberries, design or food, hindi nya talaga type.
May time pa nga na muntik syang masuka dahil pinatikim sya ng mommy nya ng strawberry-banana blizzard from Dairy Queen. At saktong may strawberry fruit yung na-scoop ng mom nya. Naglalakad tuloy syang nanghihina. Hahahaha!
Habang kumakain kami nung apat, napag-usapan nila ang mga childhood memories nila. Medyo out of place nga ako kasi, since kindergarten eh magkakasama na pala sila.
Tsk. Na-miss ko tuloy yung mga ulupong kong pinsan. Ganyan din kasi kami eh. Stick with each other since birth.
Nung trip naman nila Jared, Alex at Zedrick, sinubsob nila si Jacob sa sarili nyang ice cream. Super nainis sya dun dahil mukha na rin syang vanilla flavored ice cream sa itsura nya. Naghabulan pa nga silang apat sa loob ng ice cream store, pero instead na palabasin kami dun, eh natuwa pa sila sa kakulitan nung apat. Ang bata talaga nila kung tingnan.
As of now, nakatambay lang ako sa dorm dahil bumisita yung apat sa iba nilang friends. It was a sunny Thursday morning at wala kaming pasok dahil may retreat ang mga teachers sa Busan.
Nanonood lang ako ng movie nung biglang narinig kong may tumatawag sa phone ko.
"Hello?" I answered.
(LJ!!!!) Nailayo ko kaagad ang phone ko sa aking tenga. Takteng boses ni Katrine sa umaga! Nakakabulabog sya ah.
"Grabe naman makasigaw, parang may sunog."
(Hihihi. Eh nami-miss na kita eh! Wala na tuloy kaming mapag-tripan dito na bebe girl!) Tsk. Nai-imagine ko ang pambihira nyang mukha na naka-pout nanaman. Habit na nyang gawin yun eh.
"So ganun? Na-miss mo lang ako kasi wala kayong mapagtripan diyan? Wow. Na-touch naman ako sa sweetness nyo, Katrine." Insert sarcastic tone in here.
(Ehto naman si bebe girl eh. Joke lang kaya yun! Of course nalulungkot kami kasi hindi pa rin buo ang grupo natin magpipinsan. Ikaw kasi eh, bisitahin mo nga kami minsan!)
"Nakikiusap ka ba? Sumisigaw eh.."
(.....)
"Uhhh... Katrine?"
Walang sumasagot sa kabilang linya. Nagtaka naman ako kasi kay signal naman at malakas ito sa lugar ko. Ano kayang problema nitong bruha na ito?
"Katrine?" Wala pa din.
Sabay nakarinig ako ng sumisinghot-singhot sa kabilang linya. Huh?
"Katr-"
(Wahhhh!! Nami-miss na talaga kita bebe girl!!!)
Okay. Ilang oras nanaman ang masasayang para mapatahimik ko ito.
------
Two hours. Lumipas iyun sa pagpapatahan ko kay Katrine. Ang baby talaga nya. Kinailangan pa syang agawa ng phone nila Mary para sampalin upang magising sa katotohanan na isa na akong ganap na lalake. At syempre, charot lang yun. XD
Wala na akong ginagawa ngayon. Medyo na-bored na rin kasi ako sa panonood ng movies.
Tatayo na sana ako sa sofa ng bigla akong makaramdam ng sakit sa bandang puson ko. Shet! Don't tell me ehto na ang PMS ko hah?
Pumunta ako sa aking kwarto at tumingin sa kalendaryo. Shoot! Oras ko na nga talaga. Kumuha ako sa aking closet ng napkin.
Tsk. I survived the first one noh. Nakatago lang kasi ito sa pinaka likod ng damitan ko. Agad naman ako nagpapalit pag alam kong mapupuno na.
Uhhh... Medyo 'eew' noh?
Dumeretso ako sa sala at kinuha ang phone ko since narinig ko ito nag-ring. Isang message galing kay Jeremy at kinakamusta ako.
Hayy. Na-miss ko tuloy si bakla. Musta kaya lovelife nya?
Pumunta ako ng CR at hindi na ni-lock yun since ako lang naman mag-isa dito sa dorm ngayon. Humarap ako sa salamin at nag-drama muna ng kung anu-ano. Medyo tanga nga lang eh.
"I CAN SHOW YOU THE WORLD! SHINING SHIMMERING SPLEN- Ay kabayo!"
Okay na sana eh! Yung mataas na part na kasi eh, kaso nga lang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Zedrick. Dumeretso ito sa kubeta at akmang bubuksan na yung zipper nya ng sumigaw ako.
"Hoyyy! Lumabas ka nga muna! Kitang may tao eh!" Hindi ako nakatingin sa kanya.
"Sandali nga lang! Naiihi na ko eh!" Bubuksan nya na ulit yung zipper nya ng bigla kong hawakan ang kamay nya dahilan para matigilan sya.
"Bro! May tao nga diba? Anong parte ba ng salitang 'tao' ang hindi mo maintindihan?"
"Louise, bitaw! Hindi ko na talaga kaya! Pareho naman tayong lalake eh! Ano bang problema dun?"
Sinungitan ko na lang sya ng tingin. Jusko~ Binitawan ko na lang sya at lumingon patalikod.
At namumula na talaga ang feslak ko as of now. Tsk, langhya naman to si Zedrick oh. Pwede naman kumatok diba?
Eh since hindi nga naman pala naka-lock yung pinto, eh bakit pa sya kakatok?
Ay basta! Ewan!
"Hayy. Success!" Umiling na lang ako at tsaka humarap ulit sa salamin. Nasa bandang likod ko rin si Zedrick at inaayos ang buhok nya. Hindi ko na lang sya pinansin.
Pero...
"Louise? Bakit meron ka nito?" Naramdaman kong may kinuha sya sa back pocket ng pants ko. Nung tinapat nya ito sa salamin, nanlaki ang mata ko at agad humarap sa kanya.
"Paano mo nakuha yan?!" Gulat na gulat kong tanong.
"Eh bakit nga meron ka nito?"
Hulaaaa! What to do?
"Sa ano yan.... sa...."
Shet! Think, LJ. Think!
"Ah ano... para sa experiment sa Science.. Yun! Para dun yan!"
Nag shrug na lang sya at binalik sa akin ang bagay na hawak nya. Mukhang napaniwala ko naman eh.
"Tsk. Kadiri naman si sir. Para sa experiment yan? Eww... Ayoko na ulit humawak nyan. Bilib ako sayo at hindi ka nandiri ah." Nako Zedrick. Kung alam mo lang...
Lumabas na sya ng banyo at sinara.ang pinto. Napahinga ako ng malalim at sumalampak sa sahig.
Putakels! Akala ko talaga mabubunyag ang katauhan ko ngayon! At hindi talaga nakakatuwa yung nangyari hah! Whew~
Malay ko bang muntik na kong mapahamak sa napkin na yan...

BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?