CHAPTER 8: SPORTS FESTIVAL

11 0 0
                                    

CHAPTER 8: SPORTS FESTIVAL

*Sean’s POV*

Eto na! Diz iz it, Panzit! Ito na ang araw na hinihintay nila Glen at Danice. Wag natin kalimutan si Megumi. Silang tatlo. Kung tatanungin nyo kung excited ako, Oo. Excited pagtawanan at  ipahiya lalo na’t nagalit ng husto si Kenneth sa pagsagot-sagot ni Megumi nung isang araw.

Thursday, Friday & Saturday ang Sports Festival namin. Day 1 pa ngayon. At sa araw na ito kami maglalaro. Promise ko nga sa sarili ko, if manalo man o matalo, di na ako pupunta ditto sa school bukas at sa Saturday. Yes, yun ang gagawin ko.

Nasa Men’s Locker ako at tapos nang magbihis sa Sports TShirt namin. Baby Blue ang color ng Tshirt namin. Printed ito at nagsasabing: SECTION F, tapos may ma drawing na ewan. Tapos, may name sa likod ko: SEAN de OCAMPO. Then sa left side ng balikat ko, may number 01.Ito ang first Sports TShirt na natanggap ko. Hindi kasi ako nag-Oorder ng Tshirt for the past 3 years. You know na~

“Tol, matanong ko lang.. ano ba ang mga type ni Megumi?”

Eto na naman, nagtatanong na naman si Glen tungkol kay Megumi. Eh malay ko ba kung ano ang gusto ni Megumi? Di ko nga alam kailan birthday ng babaeng iyon. Basta, ang alam ko, 16 din siya.

Nasa Classroom kaming dalawa ni Glen, naghihintay na pumuti ang balahibo ng uwak. Nasabi ko ba na Glenford Sanchez ang totoong pangalan ng lalaking ito? Oo, ganun ka unique ang pangalan nito.

“Type ni Megumi? Malay ko ba. Basta ang alam ko, hindi siya double blade. Kahit parang lalaki yun umasta, babae yun.” Cute nga niya ngumiti e. Nakakainlab. Oy! Pero di ako inlababo dun ah.

“Alam mo ban a madaming nagseselos saiyo dahil close kayo sa Crush ng Campus?”

Ano daw? Crush ng Campus? Si Megumi? Hindi ko napigilang tumawa ng malakas.

“Yun? Yung babaeng yun? Crush ng Campus? HAHA!”

“Oh, bakit? Anong nakakatawa dun? Basta ang alam ko, maraming kalalakihan ditto sa school ang crush siya. Tsaka, maraming babae ang naiingit.”

“Talaga?”

“Oo nga sabi e! Tsaka, isa na dun si Kenneth.”

“Oh, di ba nagLQ ang lovers in Paris?”

“Sino? Sila Blaire at Ken? Ewan.” Nag’Shrugg si Glen.

“Pero kung iisipin ano, maganda naman talaga si Megumi. Tsaka, kahit papaano, mabait din. At kung iisipin mo talaga ng maigi, iilan ang babaeng katulad ni Megumi. Palaban pero may ginintuang puso.”

Yumuko ako, nahina naman ako sa speech ko. Ano ba itong pinagsasabi ko? Nawawala na naman ako sa sariling ako. Palagi nalang.

Di ko napansin na tinitingnan na pala ako ni Glen, kanina pa.

“Ano?” tanong ko.

“Anong ano ka dyan. Inlove ka kay My Labs ano??”

“Luh! Di ah! Ako? Maiinlab sa kanya? Ni minsan, hindi ko naisip yan. Tsaka, ano ba? Bakit ako ang topic? Kamusta kayo ni Danice?”

Inupakan ako ni Glen sa ulo, “Tol! Wag mung mabanggit pangalan nun. Nasusuka ako.”

“Aray naman!” hinimas ko ang ulo ko, “Bakit ka naman nasusuka?”

“Inlove kasi si Danice.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon