My EXO Encounter :>

120 4 3
                                    

Annyeong Haseyo ~

Actually nonsense lang yung isusulat ko ngayon para sa inyo pero para sa akin importante to dahil ito yung time na ...

ang landas ko at ang landas ng EXO ay nagtagpo

(Haha)

Okay! First things first ...

Maaari kayong magproceed kung interested kayo sa kwento ko or maaari ring wag na kayong magpatuloy.

----------------------------------------------------------------------------------------

Honestly, hindi talaga ako KPOP fan noon pero dahil sa mga kaklase kong maiingay ay napasali na din ako. Konti pa yung mga alam kong grupo dahil nga sa nagsisimula pa ako. Ang sikat na grupo kasi ng mga panahong iyon ay 2ne1, Girls Generation at Super Junior. Pero as time goes by, nawala na sa isip ko ang tungkol sa KPOP at sa mga panahong iyon ay hindi na ako Updated sa kanila.

Teka bakit ko ba kwenento sa inyo yung nasa taas? My EXO Encounter nga yung title pero iba ang kinikwento ko (LOL)

Okay! Ito na talaga...

One day, naisipan kong mag Twitter dahil sa matagal ko ng hindi nabubuksan iyon. Ang ginawa ko lang ay Scroll lang ng scroll, tweet lang ng tweet at follow lang ng follow. Naisipan ko ring tumingin sa mga TRENDING at nahagip ng mata ko yung katagang "Growl". Pagkakita ko nun ay pumasok sa isip ko na kung bakit may nagtrending na Growl kasi para kasi sa akin ang Growl ay parang katulad lang ng Roar (Haha ay basta ganyan) pero ang ginawa ko ay hindi na pinansin ang trending na iyon.

Next Day, nag-open ulit ako at nakita ko sa Trends na #Growl4thWin sa pagkaalala ko pero ganun parin ang ginawa ko hinayaan lang ito. Hanggang bukas nanaman Online ako sa twitter at na curious na talaga ako dahil hanggang umaga trending parin yung #Growl4thWin kaya kli-nick ko iyon at marami akong nakitang mga videos, mga pictures at mga tweet ng tao gaya nung isa nagtweet siya ng EXO-M. Napasabi nalang ako ng ano ba tong EXO-M?. May nakita akong isang taong nagtweet ng link na sabi pa niya "Let's watch this (insert link)" parang ganyan.

Kaya ang ginawa ko ay pinanood yung link. Pagkaplay ay napasabi nalang ako ng "KPOP pala ito" Nagandahan naman ako sa kanta pero di pa ako EXO fan nung time na iyon.

Next day, dahil sa boredom ko ay wala akong magawa kaya kung ano-anu nalang ang naiisip ko kaya nag-youtube ako at sinearch ko ang Exo-M at madami naman ang lumabas na mga video. Kauna-unahan kong pinanood ay yung China Big Love Concert. Diba nga sabi ko kanina bored ako pero yung boredom ko ay napalitan ito ng saya. Grabe hindi ko talaga maipaliwanag tawa lang ako ng tawa basta ewan ko. Kaya dahil dun unti-unti ko ng nagustuhan at nakilala ang member ng EXO-M at kilala ko na ang kanilang pangalan.

Nagambala nanaman ang isip ko ng habang nagsscroll ako ay nahagip ng mata ko ang salitang EXO. Nacucurious na tuloy ako lalo kung ano ang pinagkaiba ng EXO-M at EXO dahil sa video na iyon nagulat nalang kasi ako na ang 6 na members ay naging 12 at nagulat din ako kung bakit nandun ang mga EXO-M members. Dahil dun binasa ko ang mga comments at nalaman kong 12 lahat ang members at nagperform sila ng Growl ng panahong iyon at nasa isang Awards Show sila.

Sinearch ko ang Growl at pinili ko yung nasa practice room sila. Kaya pinanood ko yung video at sa video na iyon ay malinaw na ang kanilang mga mukha. At sa panonood kong iyon ay nagustuhan ko na ang kanta pati na din ang kanilang mga steps. Habang nanood ako ay mahilig talaga akong mambasa ng mga comments sa Youtube. May nakita akong mga nagcomment na "Kai is so sexy" "Baekhyun <3" "Kris" "Luhan is so cute"

basta mga ganyang komento. Nang dahil dun na curious ako kung ano ang mga pangalan nila dahil hindi kasi ako nakakarelate sa mga comments nila.

Nung nalaman kong ano talaga ang EXO ay nasagot na yung mga tanong sa isip ko na divided pala ito sa dalawa ang EXO-M at EXO-K (dun ko nalaman na sa Exo-M lang pala ako nagfocus at hindi sa Exo-K dahil dun nakonsensya tuloy ako) at nainis rin ako dahil sa kailangan ko na namang alamin kung ano ang mga pangalan ng EXO-K members ~ hahaha

But then as time goes by napapamahal na sila sa akin. Ngayon nga kilalang-kilala ko na talaga sila pati ang kanilang mga personalities, pati din ang kanilang mga roles. As far as I remember naging EXO fan ako August 25, 2013.

Sa August 25, 2013 na iyon ay doon ako nagsimulang naging curious kung bakit nag-trending ang Growl pati na rin kung sino sila. Sa August ding yun nakilala ko na silang lahat nagsimula na akong magdownload ng mga music nila mga MV's din at kahit bagong grupo palang sila ay ganun na sila kasikat sa buong mundo.

At masasabi ko sa aking sarili na isa na akong EXO Fan. [Bumalik ako rito dahil may fandom name na ang EXO at 'yun ang EXO-L :)]

Kahit bago pa akong fan ng EXO ay sabi ko nga madami na akong alam dahil sa panonood ng mga Interviews nila at mga guest shows.

Grabe na talaga ang EXO dahil yung isang parte ng utak ko ay ininvade na nila :D Dahil tuwing makakarinig ako ng may magbanggit ng EXO ay kinikilig na ako at nabubuhay ang pagiging EXO-L ko.

So that's it !

That's my story kung paano ako naging EXO-L.

Thank you sa pagbabasa kung mayroon man :)

And yeah! Feel free to share din kung paano kayo naging fan ng EXO :)

Annyeong 😊

thessaloopsie

My EXO EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon