Pinag-mamasdan ka ng patago
Pinakikinggan ka ng patago
Hinahangaan ka ng patago
Kinakabisado ko ang bawat sulok ng iyong mukha ng patago
Sayang nararamdaman kapag nakikita kang ngumiti, itinatago
Kilig na nararamdaman ay pilit na tinatago
Iniisip ka ng patago
Pinapantasya ka ng patago
Iniibig ka ng patago
Umiiyak ng patago
Pait sa aking ngiti ay tinatago
Dismayang nararamdaman kapag ikaw ay di na sisilayan, itinatago
Paninikip ng dibdib ay tinatago
At nasasaktan ng patago.Siguro kung mag lalaro tayo ng tagu-taguan,
Dumilim na ang kaliwanagan ng buan ay hindi mo pa din ako makita.
Na tapos na ang isa hanggang sampu ay hindi mo pa din ako matatagpuan.
Na huli mo na lahat ng iba pa nating kalaro, pero hindi mo pa din ako makita.
Na tapos na ang laro, pero na nanatili pa din akong nakatago.Siguro nga ganon ako kagaling mag tago,
Kahit mahirapan o masaktan man
Hindi pa din aamin
Hindi pa din mag papakita
Hindi pa din mag sasabi
Dahil ganoon pa din naman,
Itago ko man o aminin...Wala pa din akong karapatan na maging parte ng buhay mo.

BINABASA MO ANG
BEHIND
RandomSa likod ng mga salitang walang gustong makinig. Mga salitang ikinukulong sa kanyang isipan. PS; Hindi po ito story, para po ito sa mga mahihilig mag basa ng tula. :) My Spoken Words Poetry Piece.