Isang Nurse si Jessa at kasalukuyan siyang nag tatrabaho sa isang pambulikong Ospital sa kanilang lugar.
Mag isa nalang si Jessa sa kanilang malaking bahay buhat kasi ng mamatay ang kaniyang bunsong kapatid na si Ann ay nag migrate na pa Amereca ang kanyang mga magulang, ayaw kasi nitong maalala ang masakit na sinapit ni Ann sa kanilang bahay, namatay kasi si Ann sa loob ng kabenet sa mismong kwarto ng kanilang mga magulang.
At iyon ay hindi matangap ng kanyang Mommy Daisy, kaya nag pasya nalang itong lumayo, para makalimotan nito ang sakit kahit na kaunti.
Pero si Jessa ay hindi sumama sa kanyang mga magulang nag paiwan lang ito sa kanilang malaking bahay kasama ang kanyang tiya at Yaya, desi otso palaman si Jessa noong umalis ang kanyang mga magulang, nag aral siya ng kuliheyo at kumuha ng kursong Nursing, pag ka graduate ni Jessa ay umuwi ang kanyang mga magulang pero hindi ito tumuloy sa kanilang malaking bahay, bagkus ay sa hotel ito tumuloy.
Nag celebrate sila sa sa labas, kasama ang kanyang tiya at yaya na kasama niya sa bahay, ilang araw lang ang ilalagi ng mga magulang ni Jessa sa pilippinas,babalik din ito kaagad sa Amereca.
"Iha, sumama kana lang kaya samin doon kana, mag trabaho sa Amereca, dahil malaki ang sahod doon ng mga Nurse." Sabi ni Daisy sa kanyang anak.
"Dito mo na ako,Mom tutal mag rereview pa ako, para sa board exam, at pag naka pasa nako, ay mag tatrabaho muna ako dito for two years para may experience, naman ako at kapag nangyari yon pwide na akung sumunod sa inyo sa states." Paliwanag ni sa ina.
"Tha's good idea iha, much better kung mag experience ka nga muna dito." Sabi ni Daisy.
Inihatid nila Jessa ang kanyang mga magulang sa hotel na tinutuloyan nito, at sila namang tatlo ng kanyang tiya ay umuwi sa malaking bahay.
Kinabukasan inihatid nila Jessa ang kanyang parents sa airport.
At nang tuloyan ng maka balik sa state ang kanyang mga mga magulang ay nag patuloy ang buhay ni Jessa sa pilippinas kasama ang tiyahin.
Hangang sa naka pasa siya sa board exam at nakapag trabaho sa Ospital na kanyang pinapasukan ngayon.
Night shief noon aang secheduel ni Jessa,wala siyang masyadong ginagawa, tahimik ang paligid ng Nurse station dahil nga sa gabi na ay nag papahinga na ang mga tao, pero may mangilan ngilan din gising pa, tiningnan niya ang kanyanh relo, alas 12 na pala ng madaling araw.
Iidlip na sana si Jessa ng may napansin siyang isang bata, na naka harap sa Nurse Station, kulay puti ang suot nito at maputla at itim ang ibaba ng mga nito, tila may black eye.
"Bata, anong ginagawa mo dito? Bawal kang gumala dito sa hospital, lalo 'pat wa lang kasamang matanda," sabi ni Jessa dito.
"Nasaan ba ang mga magulang mo bat ka nila pinabayaan gumala gabi nah."
Pero hindi parin sumagot ang bata naka yuko lamang ito, at pasimpling tititigan si Jessa.
"Halika sasamahan kita sa kwarto mo, baka hinahanap kana ng Nanay mo." Tatayo na sana si Jessa ngunit biglang tumakbo ang bata palayo sa kanya.
Nag kibit balikat nalang si Jessa, at hindi na lang niya pinansin anv bata.
"Siguro, alam niya ang kwarto niya" sabi ni Jessa sa loob-loob niya.
Puyat na puyat si Jessa ng marating siya sa bahay, nag derederetso lamang siya sa kanyang silid, nag bihis at humiga sa kama.
Hindi pa siya nakatulog ay may narinig siyang kaluskos na nangagaling sa kanyang kabinet.
Hindi iyon pinansin ni Jessa baka kasi ay isang daga lang ang kanyang narinig takot panaman siyang maka kita ng daga.
Ipinikit nalamang ni Jessa ang kanyang mga mata, ngunit biglang lumamig ang buong paligid, na ka aircon naman siya pero parang iba ang lamig na hatid nito, nag si tayo an ang kanyang balahibo, gulat na napabalikwas ng bangon si Jessa ng biglang may kumalampag sa kanyang closet, bigla iyong bumukas, kinakabahang tumayo siya at lumapit sa closet,nag taka siya kung bakut biglang bumukas ang closet ng mag isa, ngayong wala namang hangin na naka pasok sa loob nh kanyang kwarto at isa pa kahit may malakas na hangin pang makapasik sa kwarto ay hindi iyon basta basta ma buksan dahil mahigpit ang pag kakasara ng kanyang closet.
Sinilip ni Jessa loob ng kanyang closet kinakabahan man ay pinatatag niya ang kanyang sarili, nanginginig na hinawi niya ang mga damit na nandoon pero wala naman siyang nakitang daga, kaya isinara nalaman niya ito ulit.
Bumalik na ulit siya sa kanyang kama, hihiga na sana siya ay may nakita siyang bata, naka tayo ito sa may pinto an ng kanyang silid.
Naka tungo lamang ito at naka puyos ang kamo, at may sinasabi ito.
"Bakit, bakit mo ginawa sakin iyon, bakit?" Sabi ng bata.
Nagunot ang noo ni Jessa dahil ito yung bata na nakita niya sa Ospital.
"S-sino ka?" Tanong ni Jessa
Nag tataka siya kung bakit nasa kwarto niya ang bata gayong hindi na man niya ito nakitang sumunod o pumasok sa kanyang kwarto,at isa pa bakit siya sinusundan nito, biglang kinabahan si Jessa, parang may mali kasi sa bata.
"B-bakit ka nandito? B-bka hinahap kana ng Nanay mo? Bumalik kana sa Ospital."sabi ni Jessa.
Unti unting tumingala ang bata at tinitigan si Jessa galit na galit ang nanlilisik nitong mga mata.
Napamulagat si Jessa ng mapag sino niya ang batang iyon.
"Bakit ate bakit mo ay inilock sa closet, alam mo namang nan doon ako."
"P-patay kana lumayo ka sakin Ann lumayo ka...."sigaw ni Jessa.
"Hindi ako matatahimik ate, kung hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang dahilan kung bakit ako namatay."
Pagkatapos iyong sabihin ng bata ay bigla nalang itong nawala, at ang kakaibang lamig sa buong paligid, nag balik na ulit ito sa normal.
Hingal na hingal si Jessa at takot na takot nanginginig ang buo niyanh katawan.
Gabi gabi ay lagi siyang binangungot at kahit saan siya mag punta ay lagi siyang sinusundan ni Ann, kaya napag pasyahan niyang mag resign sa ospital at sumunod sa mga magulang niya sa State.
Lagi siyang takot at balisa, nag tataka na ang kanyanh tiya at ang kanyang yaya sa mga ikinikilos niya.
Dumating ang araw ng pag lipad niya sa state, ilang buwan siyang nanatili doon ay okay lang naman siya, hindi na siya binabangungot at hindi narin nag pakita si Ann sa kanya.
Ang buong akala niya ay okay na ang lahat, at babalik na sa normal ang kanyang buhay ngunit nag kakamali pala siya, dahil nag pakita at nag paparamdam ulit ito sa kanya.
Puyat si Ann kaya madali siyang nakatulog, pero habang nasa kaligitnaan siya ng kanyang pag tolog ay binabangungot na naman siya.
Malakas siyang napasigaw kaya, dali daling pasugod sina Daisy at ang kanyang asaw sa loob ng kwarto ni Jessa.
"Bakit anak? Anong nangyari bakit ka sumigaw?"
"S-si Ann po nag pakita siya sakin, galit na galit siya."
"Pero anak patay ma ang kapatid mo?"
Humagolhol ng iyak si Jessa at ipinagtapat sa mga magulang ang tunay na nangyari noon.
******
BINABASA MO ANG
Lihim ng nakaraan (Short Story) Complite
Mystery / Thrillerpaano kung patuloy kang binabagabag ng iyong nakaraan.