Kuya and I (19)

984 17 0
                                    


DANIELLE AYESSA

Mabilis na lumipas ang oras sa maghapon.. Niyaya muna ako ni Shane na manuod ng sine at pagkatapos ihahatid nalang 'nya ako sa amin.. Hindi ko na tinext Si Kuya dahil nahihiya na ako simula kagabi.

"Bes, sigurado ka bang di ka magpapaalam sa kuya mo?!"

"Oo bes, nahihiya rin kasi akong magtext e.."

"Baka magalit yun bes ha.."

"Hindi bes, busy 'sya kaya di rin nya mababasa ang text ko.. Baka mauna pa akong makauwi sakanya.."

"Sabi mo yan bes ha.. Pag ako inaway ni kuya mo sasabunutan kita."

"Loko, kung lalaki ang kasama ko saka yun magagalit.."

"Sabi ko nga bes, pero di ka ba nagtataka?"

"Saan bes?!"

"Ayaw ' yang may lalapit sayong lalaki.."

"Hindi naman bes, bata pa daw kasi ako e."

"Di kaya mahal ka rin nya bes?!"

"Ha?? Wish ko lang.. Kaso hindi e."

"Tara na nga bes pasok na tayo sa sinehan.."

At pagkatapos ay inihatid ako ni Shane at ni manong driver sa amin. Pero nagulat ako dahil maaga pa naman at nandito na yung kotse 'nya at nauna pa sakin si kuya.

Tahimik akong umakyat, Ayokong mapansin 'nyang dumating na ako.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kwarto ko ng bigla kong narinig na kausap ni kuya Si mama sa phone.

"Ma, tingin ko ito na po yung tamang panahon para malaman ni Nielle na hindi kami totoong magkapatid. Na wala na ang totoong mga magulang 'nya."

Nabigla ako sa narinig ko.. At nabitawan ko yung hawak kong cellphone. Yung luha ko, di ko napansin na tumutulo na pala..





ROWAN TIMOTHY

Dumating ako dito sa bahay pero wala pa Si Nielle. Nagpaalam kasi 'sya sakin na manuod sila ng sine ng bestfriend ' yang si Shane.

Kausap ko sa phone Si mama dahil kinamusta 'nya kami at para sabihin pauwi na sila next week..

Di ko narin napigilang sabihin kay mama na panahon na para malaman ni Nielle ang katotohanan.. Pero sa di inasahan, narinig pala 'nyang kausap ko Si mama.

"Ma, tingin ko ito na po yung tamang panahon para malaman ni Nielle na hindi kami totoong magkapatid. Na wala na ang totoong mga magulang 'nya."

May narinig akong nahulog na cell phone malapit sa pinto ng kwarto ko. Kaya lumabas ako at nagulat ako dahil nandun Si Nielle.

"Nielle, narinig mo ba ang mga sinabi ko kay mama?!"
Hinawakan ko 'sya sa braso. Pero inalis 'nya ito. At naglakad papasok sa kwarto 'nya habang umiiyak.

Pero sinundan ko 'sya..

"Mag'usap tayo Nielle.."

"Narinig ko na kuya. Di na kailangan pang pag'usapan pa!"

Kuya And I (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon