Hanggang sa isang araw,pumasok sa paAralan si May na napaka tahimik habang naglalakad papunta sa kanilang classroom.May isang guro na nakapansin sa pananahimik ni may.kaya naman tinawag ng guro si may mula sa kanyang likuran.
Guro: May!!!!may...may sandali lang...!!
laking gulat ng guro ng hindi man lang ito lumingon at dirediretsong naglakad na parang walang narinig. Sa classroom napansin din ng ilang kaklase ni may ang pagiging tahimik nito.Nagtaka sila dahil kilala ito sa pinaka maingay sa kanilang klase.Ngunit laking gulat nila ng tahimik na umupo si may sa pinakasulok na upuan sa likuran habang panay tingin sa kanyang kuko na di mu mawari kung may hinahanap ba o anu..Samantalang alam nila na gustong gusto ni may ang pag upo sa pinaka unahan.