DANIELLE AYESSANaisip kong umalis na dito sa bahay ng walang Paalam kahit kay kuya. Wala ng dahilan pa para tumira ako dito. Wala naman akong karapatang.
"Nakapagdesisyon na ako. Kailangan kong maging matatag. Kailangan king mag'rent ng apartment at lumipat duon. Saka magtatrabaho nalang ako. Simula ngayon wala na akong pamilya."
Tok! Tok! Tok!
"Nielle Tara na male'late tayo."
Hindi ako nagsalita, pero bago ako lumabas kinuha ko yung passbook ko para mailabas ko ang mga naipon kong pera galing sa allowance na bigay nila mama dahil madalas Si kuya naman ang gumagastos.
"Ok ka lang ba Nielle?!.."
Hindi ako sumagot..
.
.
.
.
.
Nakarating na kami dito sa St. Claire pero hindi ko parin kinakausap Si kuya."Susunduin kita mamaya Nielle. Takecare."
Naglakad ako papasok sa loob pero nagulat ako at nakita mo Si Eron. At papalapit 'sya sakin.
"Hi Yessa!" bati 'nya sakin
"Hi.." bati ko rin sakanya..
"Mukhang may problema ka Yessa.. Nag'away ba kayo ng kuya mo?!"
"Ha? Hindi."
"Bat pala ganyan mukha kayong nag'away?!"
Naupo ako..
"Pwede mo ba akong tulungan?!""Sure..sabi ko na nga ba e. Ano ba yun?"
"Nalaman ko kasi na hindi kami tunay na magkapatid ni kuya. Ampon lang ako. Pero ang mas masakit dun, itinago nila sakin ang katotohanan."
"Ha? Naitago nila ng ganun katagal?! Ano naman ang matutulong ko?!"
"Oo Eron, yun ang masakit sakin. Buong buhay ko kasinungalingan lang.."
"Anong plano mo Yessa?."
"Aalis ako sa amin.. Hahanap ako ng apartment.. May naipon naman akong pera, pwede mo ba akong samahan?!"
"Sige. Sasamahan kita Yessa. Pero sigurado ka bang ok lang na kasama mo ako?!"
"Oo, hindi mo naman ako gagawin ng masama diba?!"
"Oo naman.. Takot ko lang sa kuya mo.."
"Salamat, samahan mo muna along kumuha ng gamit ko sa bahay. Hindi na ako papasok ngayon."
"okay sige.. Kunin ko lang yung kotse ko.."
Sinamahan ako ni Eron na kunin ang ibang gamit ko sa bahay. Mga damit ko lang ang kinuha ko, iniwan ko na yung credit cards ko, cellphone, laptop at jewelries.. Di na akin ang mga yun.. Damit, I'd at atm card lang dala ko para mailabas ko lahat ng naipon ko.
Nag'iwan nalang ako ng note para di na ako hanapin ni kuya..
"Kuya, wala nang dahilan para magstay ako dito. Wag na ninyo akong hanapin. Pakisabi kila mama at papa mahal ko sila. Maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita kuya." -Nielle
Ito yung pinakamahirap na desisyong ginawa ko. Ngayon mag'isa nalang ako. Wala na akong magulang at wala na akong kapatid.
BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
RomanceSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.