-ASHLEY-
"Ano besie ready na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Ano ka ba Ash eh lahat naman kami ready ikaw lang naman ang hindi pa ready eh." Sabi naman ni Jamika.
"Ready na kaya ako JamJam." Sagot ko kay Jamika.
"Ready ka na sa lagay na yan?" Tinuro ni Jamika yung damit niya. Napatakbo ako sa taas.
Kanina pa sila andito sa bahay ko. 6:30 palang ng umaga andito na sila anong oras na oh 7:20 na. Sampung minuto na lang late na kami. Ano? Late nanaman kami?
Sampung minuto pa akong nag bihis. Lagot talaga ako sa kanila.
"Tapos na, tara na baka malate pa tayo." Sabi ko. Alam niyo bang isang linggo na kami na lalate sa pag pasok dahil ang bagal kong kumilos . Tumakbo na kaming tatlo palabas ng bahay ng bahay ko.
Biruin niyo yun ah ang lapit lapit lang ng bahay ko tapos na lalate kami.
Nakarating kami sa school ng 7:41. Jusko na late pa kami ng ilang minuto.
"Diary po." Sabi ni kuya na taga grade 10.
"Kuya wag niyo na tatakan diary namin ilang minuto lang naman kaming late eh." Nag makaawa ako kay kuya na taga grade 10. Kaso di siya pumayag. Woooh sorry mga besie ginamit ko yung charms ko kaso di umepekto. Hehehe.
Pag tapos tatakan ni kuyang grade 10 ang diary namin ay umakyat na kami sa taas. Andun yung adviser namin. Lagot, promise namin di na kami malalate eh.
"Dun tayo sa likod dumaan. Tapos gapang na lang tayo papunta sa upuan natin." Turo ni Adelyn. Hahaha tama tama siguradong hindi kami mapapansin niyan. Naunang pumasok si Adelyn sunod si Jamika, huli ako kasi maganda ako eh. Hehehe
Gumapang na kami dahandahan papasok sa room. Alam niyo yun ang bagal nila promise no joke. Ayun my turn. Ay kanta yun diba My turn my turn I'm talking 'bout my turn. Tumawa kayo! Nag effort ako eh. Okay eto na gumapang ako papasok sa room. Yung dalawa kasi eh naka upo na agad keynes.
Kung minamalas ka nga naman na sagi ko yung upuan. Buti na lang di nila pinansin. Hahaha galing talaga.
"Ms. Zamora si Ashley Mendoza po gumagapang papasok sa room." Nagulat ako sa sinabi ni Xavier. Kahit kailan talaga tong lalaki na toh eh. Nakakainis.
"Ms. Mendoza you're late again! Stand up now!" Sa sobrang kaba ko tumayo ako at nakakahiya kasi lahat sila nakatingin sa akin. Tinignan ko sina Jamjam sobrang relax lang nila. Daya kasi eh.
"Get out of the room and wait until my period is done!" Feel ko kumukulo na dugo ni Ms. Zamora sa akin. Tinignan ko ng masama si Xavier bago lumabas.
------
BINABASA MO ANG
I Just Fell In love With A Bully
Teen FictionSiguro nga di natin masasabi kung sino ang mamahalin ng puso natin. Hindi natin pwedeng diktahan ito kung sino ang gusto nating mahalin.