Hi" mayroon nga pala akong gustong ikwento sa hangin.
Pag-ibig, pag ibig ay isang sugal. Sugal na kahit alam mo na mahirap, susugal at susugal kapa-rin kase gusto mong manalo. Mahal mo eh, Minahal mo. Walang rason sa tanong kung bakit kita mahal, kung bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo ay ikaw pa? Gusto kita eh, minahal kita. Kahit ilang beses o paulit-ulit akong masaktan, kinakaya ko kase para sayo. Ang weird nga noh? Minsan sumagi sa isipan ko, pano kung gusto din niya ako?. Isa ako sa umaasa sa mga taong walang ibang hinahangad kundi ang mahalin mo. Minsan naisip ko na... Bakit ako pa? Bakit sa dami-rami ng bibitawan mo bakit puso ko pa. Na kahit unti-unting nadudurog mula sa mapait na nakaraan ay pilit at patuloy kong binubuo unti-unti ang mga bawat piraso nito na handa akong ilaan para sa isang babaeng katulad mo. Bakit sa dinami-rami ng lalaki, bakit ako pa?. Bakit ako? Na umaasa na ni hndi ko man lang alam kung may mahihintay ba ako na isang katulad mo? Bakit ikaw pa?. Bakit ikaw?. Na sa tuwing pag-gising ko sa umaga ay ang iyong maamong mukha agad ang pilit kong hinahanap. Bakit ikaw pa?. Na sa tuwing kasama ka'y iba ang aking nadarama. Bakit ikaw pa?. Sana hindi na lang kita nakilala kahit ang sakit sakit na. Mga tanong sa aking isipan na walang sagot at hndi masabi sayo ng malapitan. Kase ano ba Tayo?. Ay" wala nga pala'ng tayo". Isang masakit na sagot sa lahat ng aking mga katanungan sa aking isipan. Ang salitang "WALANG TAYO". Kaya't tanging pag ugoy na lang ng duyan, ihip ng malamig na hangin at tanging unan ko na basa tuwing gabi ang aking sinasandalan. "Basa" sa bawat patak ng aking mga luha na pilit pumapatak ng hindi ko namamalayan. At ang lupa, Lupa na sumasalo sakin simula nung nahulog ako. Nahulog sayo ng hindi sinasadya. Ngayon ang Tanging pinang hahawakan ko na lang ay ang masasayang alala ng ating nakaraan, at ang salitang "Umaasa at maghihintay ako kahit walang kasiguraduhan". Kahit na...
"Walang Tayo".