Introduction

2 0 0
                                    

Napatigil na lang ako sa gitna ng tulay ng macorner ako ng mga humahabol sa akin. Pagod na pagod na rin ako sa kakatakbo.

"B..baka pwedeng pag usapan na lang ulit natin to.."

Pilit kong pagpamamakaawa.

"Pag usapan? Hah! Matapos mong paglaruan, saktan at pagtaksilan ang kapatid ko ng tatlong beses? Tingin mo pagbibigyan pa kita?"

Pag lalahad ng lalaking nasa harapan ko ngayon na tinututukan ako ng baril kasama pa ang lima pa niyang tauhan.

"Alam mo pasalamat ka at nagmakaawa sa akin ang kapatid ko na dalhin ka sa kanya wag kang patayin kung hindi baka mula nung araw na nalaman ko ang tungkol sa pinag gagagawa mo sa kapatid baka nakalibing ka na ngayon. Pinagtitimpian lang kita g**o ka!

Dugtong pa niya.

"Hindi ko naman talaga ginusto yun.. at saka ..."

Biglang sumingit ang lalaking nasa harap ko.

"Aba t**gn* mo mag dadahilan ka pa? Alam mo sumama ka na lang kasi sa amin para matapos na to kung hindi tutuluyan kita at ipapalabas ko na accidente lang ang lahat ano yun ba ang gusto mo? "

Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Malay ko ba kung totoong pinapapunta nga ako ng kapatid niya sa kanila o totorturin lang ako ng mga to. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa akin habang nasa daan.

Sa takot dahan dahan akong napapa atras habang sila naman ay umaabante papunta sa akin habang nakatutok ang kanilang mga baril sa gawi ko. Napatigil na lang ako ng maramdaman kong nasa may railings na ako ng tulay, napalingon ako at nakita ko na rumaragasa ang tubig sa ilog.

"Ano tatalon ka? Ha..ha"

Ngumiti ng mala demonyo ang nasa harap ko. Habang ako naman ay kabadong nakatingin sa kanya, iniisip kung sasama ba ako o tatalon sa ilog.

Napagpasyahan kong tumalon na lamang. Hinanda ko ang sarili ko, humawak ako sa railing akmang tatalon na ako narinig kong nirelease ng lalaking kumokompronta ang lock ng baril at inihanda para iputok ito sa akin.

Pagkatalon ko narinig kong pagputok ng baril sa aking likuran ngunit di ako natamaan.

"Ahhhhhhh"

Napasigaw na lang ako. Napatigil ako sa pagsigaw ng mapansin kong hindi pa rin ako nahuhulog sa ilog.
Maya-maya pa ay may nakita akong liwanag na dahilan ng pagkasilaw ko. Di nagtagal ay nawalan ako ng malay, at hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin mula nung nahulog ako.

Napaisip na lang ako ng mangyari iyon. Mukhang iyon na nga ata ang katapusan at sinusundo na ko ni kamatayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To A Place Where I Don't BelongWhere stories live. Discover now