Ang pagpapakilala ng tatlo

201 26 0
                                    

Ang unang lalaki ay nasa pitongpu't dalawang taong gulang. Maputi ang balat na may malaking tiyan, na may kasuotang pang pari, ngunit sira-sira na ito at madumi. Ang ikalawang lalaki ay nasa dalawangpu't pitong taong gulang. May katamtamang laki ng katawan at may kayumanging kulay. Siya ay nakaputing pantaas, itim na pantalonat at madumi na rin ito at sira-sira. Ang ikatlong lalaki naman ay nasa tatlongpung taon gulang.Siya ay maliit at maitim na nakasuot ng itim na mahabang pantaas at itim na pantalon at nakapanlamig na bonet. Walang sira ang kasuotan niya. Lumapit ang binatang si JR upang makita ang mga lalaki at sabay tanong.

"Ayos lang po ba kayo?"

Nag salita ang lalaking nakabonet. "Ayus lang naman bata ikaw ayus ka lang ba? Ako nga pala si Leonardo" Nag pakilala rin naman ang isa. "Ako naman si José Yohana" Bigla namang nagsalita si Onairos.

"Kifle? Ikaw ba yan?"

Nagsalita naman ang ikatlong lalaki na nakapang paring kasuotan. "Ako nga"


Lumapit si Onairos ng unti-unti at sabay sabi. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Ako ito si Onairos".

"Onairos? Paano?"

"Mag kakilala pala kayo? Nakalulungkot dahil sa gantong paraan at panahon pa kayo nagkita." Singit ni José

"Si Onairos ay kaibigan ko dati ,ngunit naging kalaban ko sa paniniwala at pananampalataya." Sabi ni Kifle.

"Kapatid pa rin ang turing ko sayo Kifle, mabuti't mabuti ang kalagayan mo ngayon at nagkita pa tayo. Kalimutan mo na ang nakaraan dahil iba na ang sitwasyon natin ngayon. Tayo'y nasa iisang barko. Tanggapin mo ang aral ng Diyos na sinabi ko sayo at ibigay na natin an ating kapalaran sa Kanyang kamay." Sabi ni Onairos.

"Dahil sa paniniwala mo kaya tayo naglalaban!" Sabi ni Kifle

"Sinasabi't ginagawa ko ang tama, kung ano ang makabubuti sa atin o kahit kanino man. Hindi niyo lang ito matanggap dahil maapektuhan ang personal na interes niyo." Sabi ni Onairos.

"Naniniwala akong nasa huling araw na tayo ng ating buhay, at pinagtagpo kayo ng Diyos dahil may rason.Wala man ako sa lugar at oras sa pagsasalita, ngunit alam kong makakabuting tapusin niyo na ngayon ang mga gulo ng inyong isipan." Sabi ni José

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon