Andito ako malapit sa corridor pupunta sana ako sa library para manghiram ng libro tapos ko na kasing basahin yung mga hiniram ko last week eh, kaso habang papunta ako ng library may nakita akong lalaki at babae mukhang seryoso ang kanilang pag uusapan malapit sa locker area.
"hmm masundan nga , ano kaya ang pag uusapan nila? na cucurious na ako eh", sabi ko sa sarili ko
At sinundan ko nga sila at eto ako ngayon parang tangang nagtatago sa likod ng pader habang nakikinig sa pinag uusapan nila"Babe kailan mo ba sya hihiwalayan huh?" sabi nung babae
weyt lang si.....
"babe maghintay ka lang malapit na rin naman ang 2nd monthsary namin eh kunting tiis nalang at hihiwalayan ko na siya" sagot ng lalaki
para akong na estatwa sa sinabi nya hindi ko kasi inaasahan na ganun yung sasabihin nya akala ko mahal nya talaga ako hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko
"hay jusko naman babe eh ang tagal pa nun eh, kala ko ba hindi mo na kayang tiisin ang pagmumukha niya?" muling tugon ng babae sa lalaki
"oo nga hindi ko na talaga siya kayang tiisin pa kaya lang yung pustahan namin kelangan daw pag 2 months na kami hihiwalayan ko na siya, ilang araw nalang babe at magsasama na ulit tayo" anas ng lalaki
hindi ko na narinig ang sinabi nung babae dahil bago pa nila ako makita at masaktan ng todo ay umalis na agad ako at umuwi sa bahay, dumeritso agad ako sa kwarto ko upang magkulong, parang dinudurog ang puso ko ng marinig ko ang pag uusap nila, all of this time niloloko nya lang pala ako, pinagpustahan niya lang ako akala ko totoo yung mga pinapakita niyang pagmamalasakit sakin yun pala drama niya lang lahat ng yun napaniwala niya ako, ansakit lang isipin na ginagago niya pala ako, ang tanga tanga ko para maniwala at magpadala sa mga sweet gesture nya may pahatid sundo pa siyang nalalaman letche ang sakit" sabi ko sarili
Sana pala hindi nalang ako umasa sa mga pangako niya. Sana hindi nalang ako umasa na mamahalin niya ako ng tunay. Sana hindi nalang ako naniwala at nagpadala sa mga ka sweetan niya. Sana hindi ko nalang siya minahal edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. haha sino ba namang kilalang tao bilang playboy ang magseseryoso sa isang babae diba? lalo na kung ako, mahina, hindi mahilig gumimik, panget walang ka appeal appeal tss umasa lang ako sa wala
"Wag kang mag alala makakalimutan din kita, makaka move on din ako sayo balang araw, maybe not this day but darating din yung araw na makakalimutan na kita.Darating din ang araw na makikita kita at pag nangyari yun wala na akong nararamdaman para sayo"sabi ko sa kawalan
P.S:/ so this is it hihi good luck to me =)
YOU ARE READING
The Unexpected Love
RandomSi Anna ay isang nerd na palaging naka suot ng malajing salamin, manang manamit at walang ka taste taste sa kung ano man ang kanyang susuotin na nainlove sa isang playboy na si Kenjie ngunit ang hindi alam ni Anna pinagpustahan lang pala siya nila K...