Intro

18.1K 390 18
                                    

Intro:

"My best friend is my customer."

Bestfriend ko si Arix.

Pero hindi lang iyan, customer ko din siya sa kama.

I sold my soul, he bought it from me.

What hurting me the most?

Mahal ko si Arix.

Pagmamahal na matagal ko nang nararamdaman sa kanya. Dahil bukod kay mama mula ng bata pa lang ako ay siya lang ang meron ako. Kaya imposibleng hindi ko siya matutunang mahalin.

Mula sa pagiging simpleng kalaro ko kay Arix ay naging bestfriend ko siya. Para na kaming magkapatid hanggang sa ang hindi ko mapigilang paghanga dahil sa kabutihan niya sa amin ni mama ay umusbong sa kakaibang paraan.

Pagtingin at pagtangi ko sa kanya na inalagaan ko sa aking puso.

Hanggang sa maintindihan ko ngayon na mahal ko na nga siya. Hindi bilang kaibigan  o bestfriend. Hindi rin bilang kapatid kundi sa paraang espesyal na karaniwang nararamdaman ng lalaki sa babae o babae sa lalaki.

Pero si Arix. Hindi ko pwedeng hingin sa kanya na mahalin niya rin ako sa paraang gusto ko.

Hihingi pa ba ako ng subra sa ibinibigay niya sa akin bilang kanyang kaibigan? Sabi ko nga napakaswerte ko na itinuring niya akong bestfriend niya. Dahil kung tutuusin maraming pwedeng kumuha ng pwesto ko sa buhay niya.

Pagkatapos na may mangyari sa amin ni Arix, hindi ko alam kung karapat-dapat pa niya akong tawaging bestfriend?

Baka nga hindi na?

Para akong laruan na binili ni Arix. Wala akong dapat ikagalit sa kanya. Da sarili ko ako dapat magalit, sa sitwasyon ko.

Ako ang may choice na ibenta ang sarili ko. Desisyon ko iyon dahil kailangan ko dahil wala akong pagpipilian.

Siguro nasasaktan lang ako kasi nga mahal ko siya. Nasasaktan ako dahil alam ko ang kanyang dahilan kung bakit mas piniling niyang bilhin ako. Binili niya ako dahil ayaw niyang magpapalamang sa mortal niyang kaaway- si Ford.

Si Ford ang dapat ay bibili sa akin.

Siguro iniisip ni Arix dahil sa dami ng tulong na naibigay niya sa akin, hiningi ko man iyon sa kanya o kusa niyang ibinigay ay pag-aari na niya ako at hindi pwedeng makuha ng iba lalo na kung sa mortal niyang kaaway?

Na kapag nakuha ako ni Ford ay malaking insulto na naman ito sa kanya. Hindi sa unang pagkakataon kundi sa pangalawang pagkakataon dahil kay Sheena.

Si Sheena ang alam kong nag-iisang babaeng niligawan ni Arix ng seryoso. At si Ford ang mahigpit niyang karibal dito. Sa huli si Ford ang pinili ni Sheena.

Dahil dito ay naging talunan si Arix kay Ford.

Hanggang ngayon siguro ay mahal pa ni Arix si Sheena? Baka nga umaasa pa rin si Arix na makukuha pa rin niya si Sheena kay Ford.

At ako... ano ang dapat kong asahan mula sa kanya? Ayaw ko nang sagutin ang sarili ko dahil masasaktan lang ako.

Song: "You Needed Me"

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed) UNDER MAJOR REVISONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon