Alone

6.3K 62 20
                                    

“Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot”

Paano kung magising ka isang araw na wala na sa tabi mo ang mahal mo, maipagpapatuloy mo pa kaya ang buhay?

A/N

*Watch the Trailer*

Sa mga hindi pa nakakabasa ng Kizuna 1—Tungkol ito sa isang clan na kilala sa tawag na Yamato Clan, isang samahan na may sariling gobyerno.  Sa kasalukuyan ang namumuno rito ay si Yano Matsumoto ang dating aroganteng lalaki na napaibig ni Mia Vergara.

Sa mga nakabasa na ng story—sobrang thank you sa pag basa sa very first story ko here in wattpad, wala talaga akong balak lagyan ng sequel ang Kizuna pero bigla akong ginanahan right after mapanood uli ang HYD final and gusto ko talagang isingit sa Kizuna ko si "Ohno Satoshi"  so here it goes ^__^

 

 

YANO: Natatakot ka ba?

Mia: Hinde, kasi kasama kita…

Nabalot ng matinding takot ang buong bayan ng Tama.

Sa kasaysayan ng Yamato clan ngayon lamang nakapasok ang mga terorista.

Pinasabog nila ang isa sa kilalang shrine na nakatayo sa Village I.

Agad inaksyunan ng council ang insidente, maging ang grupong Petal kumilos.

Sa huli napag alaman na ang may sala ay mismong tuta ng gobyerno.

Walang pakundangan ang ginawa nila, gumanti tayo!” suhesyon ng iba!

“Hindi mababayaran ang mga buhay na kinuha nila, kailangan silang magbayad!” dagdag pa ng nakararami.

Si RJ at dalawa pa sa  council ang tanging nagmungkahi ng isang mahinahong pakikipag ugnayan sa gobyerno.

Sinang ayunan naman iyon ni Yano.

Siya ang nanguna sa isang Peace talk sa pagitan ng Clan at ng gobyerno, isa iyong Peace talk na nauwi sa pagdanak ng dugo.

 

[Mia’s POV]

 

“Sino ka?” tanong ko sa isang lalaki na ngayon ko lamang nakita.

Ngumiti siya “Ako ang bagong pinuno ng Yamato clan!”

“A-ano?”

“Nagulat ka?”

“Paanong hindi ako magugulat, ang asawa ko ang pinuno ng clan na ---”

DUUG!

Bago pa ako matapos sa pagsasalita bigla na kong itinulak ng lalaking iyon, pasandal sa pader.

“Nawawala ang sinasabi mong pinuno, ni wala ngang nakakaalam kung buhay pa ba siya, iyon ang dahilan kung bakit nagdesisyon na ang buong council na magtalaga ng papalit sa kanya!”

“Hinde, hindi n’yo pwedeng gawin yan!”

Tumakbo ako paalis.

Ninais kong lumabas upang hanapin ang asawa ko ngunit hindi nila ko pinayagan.

“Yano, Yano!”

Hindi ko mapigil ang pagdaloy ng aking mga luha.

Kung alam ko lang na hindi makababalik si Yano mula sa Peace Talk na yon, sana pinigilan ko na siya.

Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, alam kong buhay pa siya, buhay pa si Yano.

Babalik siya para sa clan,

Babalik siya para sa amin ng anak nya.

“Rj, ito na lang ba talaga ang natitirang paraan?”

“Kinausap ko na ang buong council, oo tutol sila na palitan agad si Yano pero wala kaming magagawa…”

“Buhay si Yano, sigurado yon, alam kong buhay pa siya kaya sa halip na palitan kumuha na lang muna tayo ng panandaliang kapalit niya gaya ni Jin o sino mang miyembro ng Petal, wag nyo muna siyang alisin pakiusap!”

“Pero Mia iyon ang patakaran... sa oras na may kaguluhan at wala ang pinuno, automatiko na papalitan siya ,pwera na lang kung meron siyang anak na pwedeng humalili sa kanya”

Alam ko ang tungkol sa patakaran na nabanggit ni Rj ngunit hindi ko yon matanggap, kung naging lalaki lang sana ang anak namin mapapawalang bisa ang batas na iyon.

 

“Rj, ang ibig bang sabihin nito hindi na si Yano ang pinuno natin?”

“Masakit man pero…ganun na nga!”

“Hinde…” Halos manlumo ako.

Nawawala na nga si Yano papalitan pa siya? Kalokohan, Hindi ito makatarungan.

“May paraan pa!” biglang dumating si ate Yuki.

“Ate Yuki!”

Ipinakita niya ang isang seal.

“Ang seal na yan…” bulalas ni Rj.

“Seal ito ng ating ina, isa itong katibayan na bukod sa anak na lalaki, pwedeng humalili pansamantala ang asawa ng pinuno kung saka sakaling wala siya.”

 

“Ang ibig mong sabihin…”

 “Oo, ikaw muna ang papalit kay Yano, habang hindi pa siya bumabalik pamunuan mo muna  ang clan!”

“A-ano!”

Digmaan, Pakikipaglaban,

Pag-ibig, Pag-iisa

Pangungulila, Pananabik

Makakaya ko bang lampasan ang lahat ng ito?

Paano ko haharapin ang isang hamon na wala si Yano sa aking tabi?

Ano bang pinagmulan ng alitan sa pagitan ng goyerno at ng Yamato clan?

Ang lalaking gustong umagaw sa pamumuno ni Yano, sino sya?

 

“Yano nasan ka na ba?”

 

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon