"You're so pretty."
Kinilig si Janna. Nag-blush siya.
"With your cute lips and your tantalizing eyes.."
Habang ibinubulong ni Teddy Brent ang mga salitang iyon ay halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Amoy pa niya ang mabangong hininga nito habang humahagod ang hintuturo nito sa makinis niyang mukha.
Si Teddy Brent. Ang lalaking nagbibigay kulay ng paligid niya kapag ito ay naroon sa tabi niya..Si Brent for short.
Pigil ni jenna ang kilig na nararamdaman habang ang mga mata nila ay nakatitig sa isa't-isa. Minamasdan ni Brent ang maamong mukha niya at siya naman ay pinagmamasdan ang kaguwapuhan nito na nakatunghay sa kanya.
Talaga namang maganda siya, alam niya iyon. Kaya sure siya na mapapansin ni Brent ang beauty niya.
Lumabas mula sa kuwarto si Hersey.
"C'mon, sweetheart. I'm ready."Si Ate 'niya 'yun. Girlfriend ni Brent.
Dismayado siya.Kahit anong pagpapa-cute ang gawin niya, hindi niya maagaw ang pansin ni Brent kapag naroon na ang ate Hersey niya.
"Okay, young lady. Aalis na kami." Ngumiti si Brent sa kanya sabay kindat nito at pinisil ang baba niya.
"Hmp..." Nainis si Jenna. Biglang tumayo mula sa pagkakaupo sa swing na inuugoy-ugoy pa ni Brent kanina. Etse-pwera na naman siya. Dahil ang iniilusyon niyang boyfriend ng ate niya ay batang kapatid lang ang turing sa kanya.
Tumakbo si Jenna sa gate na'ng makalabas ang dalawa. Sinundan niya ng tanaw ang ate niya at ang boyfriend nito. Sabay sa pagbalabag ng pintuan ng kotse ni Brent, parang kumalabog ang puso niya.
Hanggang dito na lang ba tayo..? Bulong ng isip niya kasabay sa pagpatak ng luha niya.
Pusong paslit pero wala na ba siyang karapatang umibig? Kaya hindi pinapansin dahil batang pag-ibig?
Musmos. Bata. Iyon ang turing sa kanya ni Brent. At ang musmos na puso niya ay lihim na nagmamahal sa lalaking beinte anyos ang edad at siya ay trese. Sampung taon ang pagitan...
"Seven years lang naman." Sabi pa ng isip niya. "After 5 years eighteen na ako and he's 25.."
Hindi naman kalayuan ang agwat nila. 'Yun nga lang, natural na ang ligawan ni Brent ay ang kanyang Ate dahil siya'y trese anyos lang, kahit pa mas maganda talaga siya kumpara kay Hersey. Sino nga ba naman ang pipiliin ni Brent kundi yung ka-level nito?
Magkababata si Brent at Hersey. Seven years old na si Brent noong ipanganak si Jenna at si Hersey ay six years old. Sabay na lumaki. Hanggang sa siya ay magkaisip, nasaksihan niya ang bawat kabanata ng buhay ng dalawa, mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. At siya, nakaramdam ng infatuation kay Brent na naging puppy love. Ang puppy love ay naging lihim na pag-ibig. At ang buhay niya ay umikot sa kanilang tatlo, habang lsa pagdaan ng panahon ay tila ay ayaw niyang mahiwalay sa bawat yugto ng buhay ng dalawa.
Inis na pumasok si Jenna sa kuwarto. Pinaghahagis ang mga stuff toys na gift sa kanya ni Brent noong magcelebrate siya ng 10th birthday niya. Seventeen noon si Brent. And then the year after, Winnie the pooh naman ang ibinigay nito sa kanya. Eleven years old siya noon at ang kanyang idol na si Brent ay eighteen. Noon niya naramdaman na infatuated siya kay Brent. Noon niya naramdaman na humahanga siya sa binata. Kumakalabog ang puso niya kapag dumadalaw ito noong nanliligaw pa lang ito Ate Hersey niya. Seventeen noon si Hersey. At noong mag-celebrate siya ng 12th birthday last year, isang malaking teddy bear ang iniregalo nito sa kanya. Para daw may kayakap siya sa pagtulog like she used to, thinking na si Brent iyon ang nakayakap sa kanya. At noon ding 12th birthday niya nalaman na engaged na ang Ate Hersey niya at ang boyfriend niya sa panaginip... si Brent. Valentines Day iyon. Birthday din niya ang araw na iyon.
BINABASA MO ANG
STUPID CUPID (You're a real mean guy)
Teen FictionTwelve years old si Jenna nang makaramdam ng infatuation kay Brent na boyfriend ng Ate niya. Pag-ibig sa murang edad at iyon ay dahil sa isang pagkakamali ni kupido, pagkakamaling hindi tinanggap ni St. Peter kaya't hindi rin siya tatanggapin sa l...