All too Well

52 2 0
                                    

Nakaupo ako sa sala ng bahay. Kakatapos ko lang manood ng paburito kong teledrama.

Hindi pa ako kumakain ng dinner, ni hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit simula ng umalis ako sa party na yun.

Suot ko pa rin yung dress. Yung dress na binili nya para sakin.

Nakakainis talaga! Mas inuna pa yung mga kaibigan nya kesa sakin.

Hindi ko sya kakausapin bukas.

o kahit kailan.

Aakyat na lang ako sa kwarto. Magbibihis at matutulog.

Pinatay ko na yung TV.

Hindi pa man ako nakakaakyat sa hagdan bigla na lang akong may narinig na kaluskos mula sa kusina.

Gabing gabi na.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tatakbo ba ko palabas ng bahay o sisilipin kung anong nangyayari sa kusina?

Binuksan ko yung main door, madilim na sa labas, wala man lang nakasinding ilaw sa mga poste.

Takte, pag tumakbo ako nito palabas baka lalo ako mapahamak.

Isa na lang ang dapat kong gawin, silipin kung anong nagyayari at kung sino man ang naroon.

Dahandahan at maingat akong lumapit sa pintuan ng kusina.

Bahagya akong sumilip, wala akong makita.

Maya-maya pa ay may narinig akong "meow"

Sus! Bakit ba hindi ko naisip na si Carrot yun.

Oo, pusa si Carrrot.

Tumindig na ako ng maayos at pumasok sa kusina.

Tinawag ko si Carrot.

"Meow" may tapak itong maliit na insekto.

Pinapalapit ko sya sakin pero busy sya sa pagkain.

Umupo ako sa sahig malapit sa kanya.

May naramdaman akong tumutok sa ulo ko.

"Wag kang kikilos" boses iyon ng isang lalaki.

Baril ba yung nakatutuk sakin?

Mamamatay na ba ko? Dapat ba lumabas na ko? Huling sandali na ba to ng buhay ko?

Pinagpawisan ako ng malamig.

Umupo rin ito sa sahig.

Nilingon ko sya.

Napasingkit ang mga mata ko.

Ano bang plano nito?

"Maawa ka sakin," mahina kong sabi.

"Ang ganda mo naman, bagay sayo yung suot mo," mahina rin nyang sabi.

Naramdaman ko ang labi nya sa tainga ko. Urghh, nakakakiliti pero hindi ako dapat ngumiti.

"Pero mas maganda siguro kung tatanggalin natin yan."

Napalunok ako.

Anong plano mo?

Pinatayo nya ako at habang nakatutuk sakin ang hawak nyang baril, sabay kaming nagpunta sa kwarto ko.

Binuksan ko ang ilaw.

Humarap ako sa kanya. Masama ang tingin.

Nakangiti lang sya.

Hinawakan nya ko sa kanang balikat, habang hawak naman nya sa kanan nyang kamay yung baril.

Dahandahan nya kong itinulak sa kama.

Masama ang tingin nya sa mga butones sa suot kong dress.

May limang butones iyon, mula sa may dibdib hangang sa baywang.

Itinutok nya sakin yung baril "Tangalin mo yung mga butones, dali!"

Napalunok ako ulit. Diyos ko po.

Bumibilis na ang tibok ng puso ko.

"Bilis!"

Nagmamadali kong tinanggal ang unag butones. Tinitigan ko sya.

"Adik! Lumapit ka nga dito at hahalikan kita!" nakangiting sabi ko.

"Naman oh, nag eenjoy pa ko sa role playing natin e. Tanggalin mo naman lahat ng butones."

Tumawa ako, "Ayaw,"

Umupo ako ng maayos sa kama, hinila ko yung bow tie nya na ako ang bumili. Actually lahat ng bow tie nya ako ang bumibili.

Hinalikan ko sya sa kaliwang pisngi at saka tinungo ang mga labi nya.

Ang mga labing yun ang pinakamatamis na bagay na natikman ko sa buong buhay ko. Sa tuwing hinahalikan ko yun ibang saya ang nararamdaman ko.

All too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon