Final Special Chapter

1.5K 38 36
                                    

Hangga't kaya mong bigyan ng pagkakataon ang isang tao, ibibigay mo. Hindi naman nauubos ang pagkakataon, choice natin na bigyan sila ng chance kahit alam mong nakagawa sila ng kasalanan sa'yo subalit hindi naman siguro forever na magkaroon ka ng sama ng loob sa kanila. As long as hindi mo sila pinapatawad, hindi ka magiging masaya o kaya, pilitin mo mang maging masaya patuloy ka pa ring babagabagin ng taong nagkasala sa'yo. Parehas kayong hindi matatahimik, kung sino ang taong pinakamahirap na patawarin ang siya dapat mong ilet go. Forgiveness means giving up or letting go. Once you forgive him/her, lahat-lahat ng nangyari sa inyo ay dapat mo ng ilet go and start to begin again. Remember that, ang taong pinakamahirap bigyan ng pagpapatawad ay nasasaktan din. Ibigay mo ang pag-uunawa mo sa kanya kagaya ng paguunawa niya sa'yo noong mga oras na hindi mo maibigay sa kanya ang forgiveness na hinihingi niya mula sa'yo.

At 'yun ang ginawa ni Terra, pinatawad niya lahat ng mga taong nagkasala sa kanya kabilang na doon si Kerra at Junn at dahil sa choice niyang magpatawad, naging masaya siya, nagging malaya na siya. She started to begin her life again. Nagtrabaho siya at muli niyang ipinagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa makatapos siya. Sa likod ng kabusy-han niya sa buhay, hindi na rin niya naaalala si Kerk, hindi na siya umiiyak tuwing gabi. Halos magtatlong taon na ang kamatayan ni Kerk at siguradong nakamove on na siya sa kanyang mahal.

"Hindi kana mag-aasawa?" Tanong nang mama ni Terra sa kanya na kasalukuyang inaayos ang mga panindang prutas. Nagkaroon na sila nang bagong negosyo na mapagkakakitaan, nagtatayo na rin sila ng restaurant at may dalawa na silang fruit store. Isa nang manager si Terra sa sikat na hotel na pagmamay-ari nila anhiro. Nagpundar si Terra para sa negosyong pangarap ng kanyang mama at maibangon muli ang kanilang buhay kagaya unng meron sila noong una.

Kinagat ni terra ang kanyang apple at sumagot sa mama.

"Hindi ko alam ma. Hindi pa dumadating eh, though dumating naman na talaga siya, kinuha lang talaga agad sakin."

"Patanda kana Terra, hindi ka pabata."

"Alam ko, ma."

"Magpapaanak nalang ako." Sagot niya at sinubo nang mama niya ang isang buong apple.

"Magagalit sa'yo si Kerk pag ginawa mo 'yun." Sabi ng mama niya

"Alam ko." Sagot niya at bumuntong-hininga. Tumayo na siya at kinuha ang shoulder bag na nakapatong sa lamesa.

"Sige ma, may pupuntahan pa ako." Sabi ni Terra at lalakad n asana nang pigilan siya nang mama niya.

"May invitation galing kay...Kerra? Sino 'yun? Third Birthday nang anak niyang si Kerk? Sino sila?" Tanong ng mama niya at agad niyang kinuha ang blue card. Ninang si Terra nang anak ni Kerra.

"Anak ni Kerra si Kerk, I mean. Anak ni Kerk si kerk. Ay basta ma." Nangungunot noong sabi ni Terra.

"Bakit ngayon mo lang binigay 'to?" Tanong ni Terra dahil iniisip niyang hindi pa man lang siya nakakabili ng regalo para sa inaanak.

"Makakalimutin na ako. Pasensya na."

Tuluyan nang umalis si Terra at nagtungo sa SM upang bumili nang regalo. Pati birthday nang inaanak niya nakakalimutan na rin. Pagkatapos niyang bumili ay nagtungo muna siya sa puntod ni Kerk. Inilapaga niya ang mga bulaklak sa ibabaw nito.

"Tatlong taon na ang nakalipas. Ang bilis no? Parang kailan lang na iniiyakan kita na halos gabi-gabi. Siguro, sinusundan mo pa rin ako ano?" Natatawang sabi ni Terra

"Alam mo na siguro ang deepest secret ko, ang mga kalokohan kong ginagawa, siguro minsan nagagalit ka sakin dahil labag sa kalooban mo ang ginagawa ko. Sorry Kerk. Ah, ngayon pala ang ikatlong kaarawan ng anak mo. Be proud to him kasi may naiwan kang ala-ala, sa tuwing nakikita ko pati siya, ikaw ang nakikita ko. Ang lakas talaga ng dugo mo, parang pinagbiyak na bunga lang kayo ng anak mo. Haaays. Naiinggit talaga ako kay Kerra kasi siya ang naanakan mo. Bwisit ka talaga. Pero..dumadating lang talaga 'yung time na naiinggit ako sa kanya pero nawawala din naman agad. So, 'yun..hihintayin ko nalang ang araw na makatagpo ulit ako ng lalaking mamahalin ko, 'yun ay kung may matagpuan pa ako. Sige na, pupunta na ako sa birthday party ng anak mo. I love you." Sabi niya atsaka hinalikan ang puntod. Nagdrive na siya patungong bahay nila Kerra. Actually, sa tuwing birthday lang ni Kerk siya nakakapunta sa bahay ni Kerra. Simula nang maging busy siya, hindi na niya mabisita ang anak ni Kerk.

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon