Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi naMuntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon koTuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rinAko si Mica, hanggang nagyon hindi ko pa rin matanggap na ako ang dahilan kung bakit nawala ang isang importanteng tao sa buhay ko. Pero hindi ko rin alam kung bakit sa loob ng maraming taon nakayanan kong mag-isa at harapin ang marami pang hamon ng buhay. Siguro may dahilan kung bakit nananatili akong matatag at hindi sumusuko sa buhay, siguro may hindi pa ako na aayos na gusot sa buhay ko.
"Mica are you sure about this? I mean ilang taon kang nawala at ready ka na ba talagang harapin sila?" paulit-ulit na tanong ni Desh sa akin habang mag kausap kami sa skype.
"Yes, it's been a years since the last time I meet them" sagot ko habang abala ako sa pag-aayos ng aking mga dadalhin pauwi.
Limang taon na rin pala ang nakalipas mag mula ng mag pasya akong lisanin ang bansang pilipinas, limang taon na nanirahan sa bansang London, limang taon na nakikipag sabayan sa agos ng bansang banyaga. But this place comforts me when I can’t weep my tears away. Limang taon akong nangulila sa sarili kong bansa, limang taon akong kinupkop ng lugar na ito at ngayon panahon na para harapin ang mga bagay na matagal ko ng tinalikuran sa aking bansang sinilangan.
“Mica, I miss you so much” mahigpit na yakap ang syang sinalubong sa akin ni Desh nang sunduin nya ako sa airport.
Limang taon na rin pala kaming hindi nagkikita ng personal, kasama nya ngayon sa pag sundo sa akin ang fiancé nya.
“Hon, ipasok mo na yung mga bagahe ni Mica sa sasakyan” utos nya rito.
“Ang laki ng pinag bago mo, mas lalo kang pumuti at kuminis at mas lalong gumanada ang kaibigan ko” kilatis nya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
“Ikaw din naman Desh, mas lalo kang gumanda” sabi ko.
“Magandang nakalunok ng pakwan” biro nya, yes she’s pregnant at may plano na talaga silang mag pakasal.
Natigilan ako, siguro kung hindi nangyari ang isang mapait na panaginip saamin noon ay baka may pamilya na kami ngayon. Siguro masaya kami ngayon na tinutupad ang mga pangarap namin.
Habang nasa byahe kami hindi ko maiwasan na mamangha sa mga gusali, malls, at establishment na nadadaanan naming. Makalipas ang limang taon mas marami ang nag bago sa kalakhang maynila, may ngiti sa aking labi habang binabagtas naming ang daan patungo sa hotel na aking tutuluyan.
“Are you sure diretso ka na agad sa hotel?” tanong sa akin ni Desh na piniling tabihan ako kesa doon sya sa passenger seat.
“Yup, ayoko ng maistorbo kayo. Pasensya na” nahihiyang sabi ko.
“Ayos lang sakto nga hindi busy si Mond”
Nakatayo ako sa terece ng high class hotel sa sentro at pinagmamasdan ang mga magagandang pag babago sa lugar na iniwan ko limang taon na ang nakalipas. Iniisip ko kung ano na ang mga nabago sa mga taong naiwan ko noon. I live my life in London alone, nakaramdam lang ako ng pamilya doon dahil sa mga half-filipino kong nakilala sa lugar. Masasabi kong hindi ako naging malungkot doon pero hindi rin ako lubusang naging masaya.
Inayos ko na muna ang mga gamit ko bago ako lumabas para makakain sa restaurant sa baba, hindi ko alam kung hanggang kalian ako mananatili sa hotel na ito. Kahit nag pasya na akong bumalik wala pa rin akong lakas ng loob na umuwi saamin, hindi ko alam kung bakit pinanghihinaan ako ng loob kapang na iisip kong umuwi na saamin.
YOU ARE READING
Tuloy Pa Rin (One-shot story)
Short StoryPara tayong bagay na patapon na pero pilit na itinatabi dahil baka magamit pa, Para tayong lapis na pilit tinatasahan kahit pudpod na, Para tayong puno na maganda naman sa paningin pero pilit na pinuputol pa, Para tayong ballpen na walang tinta, Par...