"Whoooooooo!" hiyaw ni Clarence at ng mga barkada kaibigan nya sa loob ng bar.
"One more shot pare." sabi ni CJ sabay inom ng shot glass na may laman na tequila nag sunuran naman ang lahat at sabay sabay na ininum.
"Whoooooo! "sigaw ni Clarence sabay pilig sa ulo nya.
May tama na siya dulot ng alak, paano naman matapos ng trabaho nila mag kakaibigan dito na sila tumuloy sa paborito nilang hang outs na bar na malapit lang sa airport kung saan sila nag tatrabaho.Kanina pa sila umiinom kaya pare pareho na silang tinamaan ng espirito ng alak.
"Bro, mauuna na akong umuwi sa inyo, alam nyo na nag hihintay si misis." paalam ni PJ, sa kanilang mag kakaibigan ito ang may asawa na kaya kahit sumasama ito pag lumalabas sila laging itong unang umuuwi sa kanila.
Syempre iba na kapag pamilyado na."Eto na naman si PJ na takusa." si Pao na malakas mag buska at sinabayan pa ng malakas na tawa kaya nag tawanan ang mag kakaibigan.
"Yaan nyo ng umuwi si PJ ganun talaga kapag pamilyadong tao na darating din tayo sa ganyan." si Clay na pinaka senior na sa kanila sa pagiging piloto pero hindi pa nag aasawa katwiran nya ayaw pa nyang mag patali alam nya kasi kapag nag asawa na siya hindi na niya magagawa ang mga ginagawa nya ngayon lalo na ang pagiging mahilig nya sa babae.
Dito sila nag kakasundo ni Clarence sa babae.
Wala silang siniseryosong babae.
Kapag may natipuhan silang babae at pasok sa standard nila sa kama na ang tuloy.
Hindi sila pumapatol sa basta bastang babae kailangan pasado sa kanilang mag kakaibigan una sa lahat kailangan sexy at syempre maganda."Sige na bro, kumusta mo nalang kami kay Mitch." Sabi ni Clarence sabay tapik kay PJ.
"Mga bro paano ba aalis na din ako."si Cj na may kaakbay na babae. At kumindat pa ito sa kanila bago umalis. Matinik din ito pag dating sa babae.
"Ang bilis nun ah! mukang naunahan ako." iiling iling ni Clay.
"Mga bro kailangan ko na din umuwi maaga pa lipad ko bukas." paalam na din Pao dahil mga piloto nga sila may mga obligasyon din sila sa trabaho nila.
"Naku! Oo nga pala maaga din ako, meron nga pala ako bukas sa Cebu." malungkot na sabi ni Clay dahil kailangan na din nyang umuwi para bukas.
Ganun naman sila mas priority pa din sa kanila ang trabaho nila."Pano Clarence iwan ka na namin."
"Bro goodluck!" tapik pa ni Clay bago sila tuluyan umalis ni Pao ng bar.
Tango at ngiti lang ang sinagot ni Clarence.
Dahil wala naman siyang schedule bukas minabuti nyang mag stay muna ng bar ayaw nya din munang umuwi sa apartment na inuupahan nya.
Malulungkot lang siya.Pag katapos nyang lagukin ang nasa harap nya inumin nag palinga linga siya sa paligid may mga patuloy pa din sa pag inom ang iba naman ay mag kakayakap na lalake at babae ang nakita nya meron din nag hahalikan at ng magawi sa bandang sulok ng bar ang tingin nya naagaw nito ang atensyon nya.
May isang babae na nakahilig na s inuupuan na halos kalahati ng katawan nito ay nakahiga na sa upuan na himas himas ang kanyang ulo at dahil sa igsi ng suot nitong red dress na hapit na hapit sa sexing katawan halos makitaan na ito .
May katabi katabi itong dalawa na mukang nakatulog na sa kalasingan.Mangilan ngilan na lang din ang tao dahil mag uumaga na.
Tumayo siya at nilapitan ang babaeng nakapula.
Tumayo siya sa harap nito kaya napansin siya nito. Nginitian nya ang babae ng killer smile nya kaya lumabas ang malalim nyang dimple sa kanang pisngi na lalong lumitaw ang kagwapuhan nya.
At idag dag pa ang mapupula nyang labi na medyo naka buka kaya ang sexy nyang tignan.Ngumiti naman ang babae kahit mukang hilong hilo sa kalasingan hinawi pa ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha at pini pilit ayusin ang sarili.
YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.