Love Is . 1

1.1K 35 14
                                    

Vic's POV

"Service ace from daks!" Nagsitakbukan kami palapit sakanya at niyakap siya.

Nagkagulo kaming lahat ineenjoy ang balloons at confetti na nalalaglag mula sa bubong ng arena, nag group hug kaming lahat kasama na ang coaching staff. Sa wakas champion ulit, second time na naming champion dito sa psl una nung first season ko tas ngayon nanaman, di kasi kami pinalad nung nga nakaraang conference.

"Congrats guys!" Magiliw na sambit ng napakagandang captain namin.

Nakipagkamay kami sa net at kanya-kanyang paabot ng congratulation sa isa't-isa then nagbow kami sa tapat F2 fans, inutusan kaming magshower na para sa awarding mamaya. Para kaming mga bata papasok ng dug-out.

"We're the best!" Sigaw ni motherF.

Kanya-kanya naman kaming sigaw at taas ng kamay pero parang may kulang? Nilibot ko ang mata ko pero wala yung taong inaasahan ko sa halip ay ang kambal niya ang sumalubong saakin.

"Congrats Nara!" Bati nito.

"Salamat Mille" sagot ko.

"O wag na malungkot diyan, nagkaproblema lang kaya hindi nakapunta yun" kumawit ito sa braso ko "ako nalang muna ang substitute, magkamukha naman kami eh" magiliw nitong sabi.

Napangiti nalang ako at kinurot ang matulis nitong baba.

"Shower lang ako saglit" paalam ko, tumango naman ito.

...

Sinadya ko talagang tagalan ang pagligo kaya ako nalang ang naiwan dito, masaya ako kasi diba champion lahat ng pinaghirapan namin namunga pero hindi lang maiwasan na malungkot. Nangako siya saakin na manunuod siya ngayon kung nung mga nakaraan pang game maiintindihan ko pa eh pero ngayon? Hindi ko maiwasang magtampo.

Teka drama ako ng drama dito di pa pala ako nagpapakilala.

Victonara Salas Galang nga pala Vic nalang or Ara for short naglalaro ako ng sa F2 logistic with my former teammate rin sa La Salle dun din kasi ako grumaduate, may iba rin akong pinagkakaabalahan ako ang nagmamanage ng hotels namin dito sa Philippines.

Hassle nga eh dapat si kuya pero wala eh matigas ang ulo nun kaya saakin bumagsak, si daddy at mommy kasi nasa UK nandun kasi yung main kaya dun sila, di naman sa ayaw kong i-manage yung business ng pamilya ko pero pangarap ko rin kasing magkaroon ng sariling negosyo.

Magdadalawang taon narin akong nagmamanage ng hotels namin dito kaya nakapag ipon ako, kaya hopefully next month ma-open ko na ang sarili kong resort. Maganda yun guys punta kayo sa opening huh, si Jessey ang nagdesign syempre kasali narin yung mga ideas ng barkada.

May girlfriend ako mag fo-fours years na kami she's my schoolmate and teammate sa La Salle, kung hindi pa nga sila aalis ng kambal niya patunggong state eh hindi ako aamin. Okay kami kahit minsan pabalik balik siya sa state for business matter siya rin kasi ang nagmamanage ng family business nila, masaya ako sakanya sobra mahal namin ang isa't-isa yun nga lang tulad ngayon wala siya.

"Kanina ka pa namin hinahanap"

"Palabas narin ditse" sagot ko habang tinatali ang sintas ng sapatos ko.

"Cheer up Arabels" tyaka ito umakbay saakin.

"Nakakatampo lang" sabay pout ko ng lips.

"Sigurado namang babawi yun" sabay wiggle ng kilay nito.

"Sana nga ditse" napa buntong hininga ako

"Mamaya na yang drama Bels araw natin to kaya i-enjoy na natin, kanina pa hinahanap ang Galang the Great dun" nakangiti nitong sambit, tumango nalang ako.

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon