Mariano's POV
"Bakit siya umiiyak?" ani ni Azrael.
"Anong nangyayari kay ate!?" Tanong ni Max habang lumuluha. Paanong hindi kami maluluha? Kitang kita namin ang paghihirap ni Xien! Ang mugtong mata nito dahil sa kaiiyak. Ang kanyang maputlang mukha ngunit sobrang pula ng katawan, wari ko'y mga dugo niya iyon.
"Wag kayong maingay." Mahinang bigkas ko, andito kami sa harapan ni Xien. Oo, nakalapit kami. Sobrang nakakatakot ang kwartong ito ngayon. Madaming maririnig na ingay, mga tunog supernatural. Mga boses na humihingi ng tulong, nagmamakaawa at humihingi ng hustisya.
"Hustiya.. Bigyan niyo kami ng hustisya."
"Tulungan niyo kami. Parang awa niyo na."
"Sunugin nawa ni Satanas ang kaluluwa ni Jane! Pinatay niya kami.. Marami kaming napatay niya!"
"Psstt.."
"T-tulong"
Ilan lamang iyan sa kanilang binibigkas. Lahat tungkol kay Jane. Lahat..May kinalaman sa nakaraan. Hindi ko lubos maisip na pati sila ay mangungulo sa amin. A-akala ko tapos na lahat noong nagpadasal ako dito sa Mansion at higit sa lahat, akala ko tahimik na sila. Pero nagkakamali ata ako ng akala. Dahil kabaliktaran ng lahat iyon.
"Max! Nasaan si Shaine?" Napabaling ang aking atensyon kay Azrael na ngayon ay aligagang nakatayo at pawis na pawis. At kay Max na ganoon rin ngunit umiiyak. I can't blame him, He loves his ate Xien so much that's why. Kahit na step sister niya lang ito.
"Fvcking holy shits!" Agad siyang nagpunas ng luha at tila nagkaroon ng lakas ng loob nang marinig ang tanong ni Azrael. Samantalang nagiisip pa rin ako ng paraan para maialis si Xien sa kanyang pwesto ngayon. Awang awa na ako sa kanya.
"S-si Shaine! Nasa kwarto niya! a-at iniwan ko lamang siya doon. Baka kung anong mangyari sa kanya!" Rinig kong sabi ni Max kaya liningon ko sila ng may pag aalala sa mukha, pamangkin ko rin si Shaine at ipinagbilin siya sa akin ni Grace na kapatid ni Glenda bago siya namatay.
"Puntahan mo siya, Max!"Sigaw ko. Hindi.. Hindi ako papayag na mapahamak silang lahat nang dahil lang sa akin at sa nakaraan. Ilang beses na silang nasaktan dahil dito kaya oras na para ipagtanggol ko sila. Tumango siya at napalunok saka lumabas, kami naman ni Max ay naghanap ng mapapatungan. Masyadong mataas ang kisame kung saan nandoon si Xien kaya mahihirapan ako o kaming abutin ito.
Hanggang sa nakakita ako ng lamesa'ng yari sa bato sa kaliwang bahagi ng kama. Kinuha ko ito kaagad at hinila papunta kay Xien. Pagkalagay ko ay pumatong agad ako dito, hindi naman siguro ito mawawasak dahil bato ito at matibay. Sinubukan kong abutin si Xien, pero hindi pa rin sapat. Tumingin ako kay Azrael na ngayon ay nakaalalay sa akin.
"Azrael, ikaw na ang pumatong dito. At ako na ang aalalay sayo, hindi ko kasi kayang abutin." Totoo, kinapos ako sa tangkad. Bumaba na ako, pagkababa ay agad naman siyang pumatong. Hinawakan ko ng mahigpit ang lamesang bato at napapikit.
Hindi ko kayang tingnan sila...
Dahil sa tuwing titingnan ko sila ay nako-konsensya ako. Sa kabila ng konsensya ay kinaawan ko rin sila. Bumuntong-hininga ako at dumilat.
Mabilis akong napaatras ng sumalubong sa pagka dilat ko ang isang kaluluwa. Nagpatay sindi ang ilaw kaya pumikit ulit ako para ayusin ang aking paningin at dumilat ulit.
"Azrael, ano nang nangyari sayo?" Tanong ko kay Azrael. Sa bawat pagpatay sindi ng ilaw ay may makikita kang kaluluwa, sa bintana, sa kaliwa't kanan ng kwarto, sa kama at maging sa salamin. Samu't saring boses, kaluluwa. Nag sign of the cross ako at nagdasal na sana maging ligtas kami. At tulungan niya kami ngayong gabi.
"Kaunti nalang, maabot ko na siya!" Masayang wika nito. Nang tumigil na ang pagpatay sindi ay nasaksihan ko na maabot niya na nga ito, labis naman ang kagalakang aking nadarama. Ilang pulgada na lamang at malapit na talaga. Iniangat niya ang kanyang paa at inabot ulit ang paanan ni Xien.
"Shit!" Mura niya at bigla na lamang nahulog sa kanyang kinatatayuan. Agad itong napahawak sa kanyang binti at ininda ang sakit.
"Azrael, anong nangyari!? Bakit hindi mo naabot si Xien!?" Sigaw ko. Halos mapasigaw ito sa sahig, nakapikit at pulang pula.
"H-hindi ko po kaya. A-ack.. M-may kung anong k-kuryente po ackk a-ang nakabalot sa katawan niya. Mainit. Mahapdi at masakit! Ughhhh!" Pahayag niya. Bagsak balikat akong tumingin sa katawan ni Xien. Hindi ko pinansin si Azrael at desperadong binuhat ang isang kahon na may labang matitigas na kagamitan at inilagay ko ito sa taas ng mesang bato. Saka dahan-dahang pumatong dito. Nang makapatong ay tiningkayad ko ang aking paa at pilit na inabot si Xien. Nagdahan dahan ako dahil binabalanse ko rin ang aking katawan.
"Ah! Damnit. Ang sakit! Tangna ahhhhhhh!" Sigaw ni Azrael sa aking likudan.
"Tulong... Haha. Sabay sabay na tayong mabubulok sa impyerno." Pag gambala sa akin ng isang kaluluwa. Pero nag focus parin ako kay Xien.
"Psst" Sitsit nila sa aking gilid. Inabot ko si Xien at....
~~~~
NOTE:
Hi! Huhu sinikap kong makapag UD ngayon para lang ikwento 'to. *kuha ng tissue*, May assignment kasi kami na Short Story, tapos... Nalaman ng teacher ko na Writer pala ako dito sa wattpad huehue. Tapos sabi niya "Hmp. Ikaw Kim ha! Baka kung ano 'yang nasa story mo. Horror story pa mandin, puro SPG or bed scene lang ata sinusulat mo doon eh" ANG BAD NIYA DIBA? HUHU COMMENT KAYO KUNG GUSTO NIYONG MALAMAN KUNG SAAN SIYA NAKATIRA. KAYO NA BAHALA SA KANYA! HUHUBELS. DEJK, Wala namang bed scene diba diba? Okay ehem. Rank #17 na tayo. Congrats sa ating lahat!
-KCeng ♥
BINABASA MO ANG
The Haunted Mansion (#Wattys2016)
HorrorIsang mansion na Puno ng sikreto, Mansion na nabubuhay parin sa nakaraan.Mansion kung saan maraming namatay. Makakaya kaya nilang lagpasan lahat? lahat ng takot? pangamba? o maging ang impyerno? Abangan si Maxine at Maxwell sa pagtuklas ng mga sikre...