Miss, padevelop nga... :">

615 32 29
                                    

Nakakabagot naman dito sa shop namin.

Almost five days na din magmula nung nag-open kami ng business na ganito.

Pero bakit hanggang ngayon wala pa ding nag-a-avail ng service namin?

Tapos wala pa akong makausap kasi umalis 'yung mga kapatid ko.

"Ate pabili!" Finally! May customer na!

"Ano 'yun?" Tanong ko dun sa batang nasa labas ng sliding door.

"May juice po kayo?"

"Wala."

"Chuckie?"

"Wala."

"Zest-o?"

"Hi'jo, computer shop 'to. Hindi sari-sari store." Nakangiti naman ako dun sa bata habang sinasabi ko 'to no. Atleast 'di ba, may kausap ako?

"E ano pong meron kayo?"

"Try mong kumain ng bond paper baka masarap piso lang isa."

"A sige, 'wag na lang po Ale. Salamat sa istorbo." Nakalayo na 'yung bata pero nakatingin pa din ako sa kanya dahil:

UNA! Anong ALE?! I am only thirty years old! Though. Wala pa akong asawa! Inunahan pa ako nung bunso kong kapatid pati ni bantay!

AT pangalawa, siya pa pala ang naistorbo sa lagay na 'yun?

Makapag-facebook na nga lang at baka makahanap pa ako ng aasawahin.

"Tao po!"

Kung kelan naman nag-eenjoy na ako sa fb dahil ang daming notifications tsaka pa may dumating na customer.

"Tao po." Nagtetetris ako ano ba! Shoo! Walang tao!

"Tao po!" De puta na ay! Talo tuloy ako!

"Ano 'yon?!" Hindi ko napigilan ang pagsagot ng pabalang, nasa likuran ko na pala 'yung customer.

"Magpapaprint po sana ako ng pictures." Pagharap ko sa kanya, OHMAYGULAY!

'Yung ex ko. 'Yung napakagwapo kong ex boyfriend. Ex boyfriend sa pangarap! Ang gwapo! Ngayon ko lang siya nakita dito!

"Ha?" Oo alam ko para na akong bangag na naglalaway dito banggwapo ba naman kasi nitong kaharap ko ang bango bango pa!

"Ako nga pala si Ric Wesley, jan lang sa malapit nakatira. You are?" Nakangiting pagpapakilala niya sa akin.

"You're future wife." Wala sa sariling sagot ko.

"Huh?"

"I mean, ako ang babaeng tatawaging 'mommy' ng mga magiging anak mo sa future."

"Miss?"

"Ha? Ay naku! Ano... Ang ibig kong sabihin. ah! Ano kasi. Uhm. Ahhh... Ano po ulit ipapagawa niyo sana sir?" Tumawa siya at nakita ko ang mapuputi at magaganda niyang ngipin na akala mo pang toothpaste commercial.

"Sabi ko papaprint sana ako ng pictures. Nakakatuwa ka naman miss, ang kwela mo." OMG ngumingiti nanaman siya sa akin hihimatayin na ata ako!

"A, akin na po 'yung USB." Nung sinalpak ko na 'yung USB sa computer, nakita ko ang magagandang kuha ng litrato. May mga tao, meron ding magagandang lugar. "Ikaw kumuha nito?"

"Yep."

"Photographer ka?"

"Hinde, dancer." Nagkatawanan kami. Buti pa 'to, kahit gwapo mabait. 'Di tulad nung iba na gwapo nga suplado naman.

Halos hindi ako makatulog sa gabi dahil sa kaiisip sa kanya.

Kinabukasan bumalik ulit siya para magpaprint.

Miss, padevelop nga... :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon