Chapter 31

1.6K 40 2
                                    

Tapos na ako sa ginagawa ko pero hindi pa ako umuuwi. 6:30 na pero mukhang hindi pa siya tapos sa ginagawa niya. Panay din ang tingin niya sa relo niya at pasimpleng titigin sakin. Ano kaya ang gusto niyang sabihin sakin? Huhulaan ko, ipapakiusap niya kung pwedeng bukas niya na lang tapusin. Hayy naku, huwag niya ng itanong sakin dahil hindi ko naman siya pagbibigyan. Anong oras kaya niya kikitain ang sinasabi niyang kaibigan? Sino kaya yun? Hayy naman pati ako nagiging chismoso na.

Tinukod ko ang kamay ko papogi style habang nakaharap sa laptop ko pero sa kanya naman talaga ako nakatingin.

Teka may naiisip na naman akong mabuting ideya para sa kanya na siguradong magugustuhan niya.

Tiningnan niya ulit ang relo niya at tiningnan ulit ako syempre itinutok ko ang tingin ko sa laptop para hindi halata na may pinaplano ako sa kanya. Tumayo siya at dahan.dahang lumapit sakin.

"Sir."

"Yes?" matigas kong tanong.

"Ahm. Itatanong ko lang po sana kung pwedeng bukas ko na lang po tapusin yung..yung pinapagawa niyo sakin."

Tama nga ang hula ko. I can read her mind.

Iniangat ko ang tingin ko at sinalubong ang mata niya na parang maamong tuta dahil humihingi ng pabor. Kinunutan ko siya ng noo.

"No. I need that papers early tomorrow."

"Malapit na rin lang naman ako matapos sir. Papasok na lang po ako ng maaga bukas."

Huminga ako ng malalim at umayos ng upo.

"I said NO! Do I need to repeat it again Miss Briones?! Ikaw na rin mismo ang nagsabi na malapit mo ng matapos bakit ipagpapabukas mo pa?"

"Per-.."

"Would you stop complaining? If you can't finish that this evening you better prefer your resignation letter later and put it on my table tomorrow and I will sign it immediately."

"I'm sorry sir. I will finish it sir."

"Dapat lang. You must know the essence of time." tumalikod na siya sakin. "Bye the way, isabay mo na to." ibinigay ko sa kanya ang 50 names lists. Sumimangot siya at padabog na kinuha sa kamay ko ang papel at padabog rin na bumalik sa pwesto niya. Hindi siya nagreklamo? Himala ata yun.

Ayaw niya naman palang mawalan ng trabaho. Time to proceed for another surprise for her.

Seven p.m na. Lumabas na ako sa office ko pero sinalubong ako ni Jenny.

"Sir ito na po yung pinapagawa niyo sakin at schedule niyo bukas."

"Just put it in my table."

Lumabas na ako pagkasabi ko nun. Nagsisiuwian na ang ibang mga empleyado at yumuyuko sila kapag nakikita nila ako at umiiwas. Para naman akong may sore eyes at sakit na nakakahawa. Hayaan na atleast takot sila sakin.

Naghanap ako ng room kung saan wala ng tao, sa isang office na nadadaanan papunta sa opisina ko. Tinawagan ko na siya para maisagawa na ang plano.

"Sir? Bakit po?"

"May ipapagawa lang ako sayo. Pumunta ka kaagad dito sa company at dumiretso ka ng parking lot and look for the car with plate number XYZ123. Gusto kong sirain mo ang gulong ng kotseng yun. By the way kapag hindi ka pinapasok sabihin mo pinapunta kita at dumiretso kana sa parking lot ikaw na din ang bahala para hindi makita ang mukha mo sa cctv sa parking lot."

"Sige po sir. Ako na ang bahala."

"Sige. Siguraduhin mo na magagawa mo yun before eight."

"Opo sir."

Napangiti na lang ako at mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko ng paglabas ko nakita ko ang apat na janitor namin. Inuuna kasi nila ang mga opisina sa taas pababa.

"Kapag nga naman sinuswerte." nilapitan ko sila manong na parang nabigla sila dahil sa paglapit ko sa kanila.

"May ipapagawa po ba kayo?"

"Yes. Gusto kong unahin niyo munang linisin ang mga room na may printer machine except sa office ko dahil sira naman ang nandun at ibigay niyo sakin ang susi. Magagawa niyo po ba yun bago mag alas otso or kapag hindi niyo pa natapos before 8:30 kahit hindi niyo na linisin yung ibang room na may printer isara niyo na lang. Pumasok na lang kayo ng maaga bukas at bukas niyo na lang din linisin."

Madali naman nilang magagawa yun dahil vaccuum ang gamit nila pero baka hindi nila magagawa kaya yun na yun.

"Opo sir."

"Good. Salamat. I will wait you here."

****************

Lory pov!

Kusang tumulo ang luha ko ng makita ko sa relo na saktong seven na. Gusto ko man na iwan ang ginagawa ko hindi ko magawa dahil ayoko namang mawalan ng trabaho. Tapos ko na sana ang binigay niya kanina kaso yung pahabol niya hindi pa at kailangan ko pang iprint out lahat ng yun.

Napadako ang mata ko sa cellphone ko na katabi ng ginagawa ko. Magbabakasakali lang ako na ginagamit niya pa ang numero niya dati kaya tinawagan ko ito.

"Please naman sana sumagot siya."

Bumilis ang takbo ng puso ko sa simpleng ring na naririnig ko sa kabilang linya hudyat na ginagamit niya pa ito pero makailang ring pa bigla itong nawala kaya sinubukan ko ulit pero hindi ko na macontact ulit.
Sinubukan ko ulit ng paulit.ulit hanggang sa magsawa ang tainga ko sa boses ng network operator pero hindi ko pa rin ulit macontact ang numero niya.

"Mike naman!"

Walang buhay kong pinatong ulit ang phone ko at hinayaang bumuhos ang mga luha ko. Ganon na ba ako kawalang kwenta sa kanya?

Sinayang ko ang pagkakataon na makausap ulit siya sa huling pagkakataon na hindi ko alam kung mauulit pa.

Kahit madaliin ko man itong ginagawa ko wala na rin lang namang kwenta dahil hindi ko na makakausap pa si Mike.

"Hindi. Hindi totoo yan. Hihintayin niya ako."

"Lory hindi ka pa ba uuwi? Ayos ka lang ba?"

Nilingon ko si Jenny na nakatayo sa pinto at pumasok palapit sakin. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko para matapos na ito at makita ko na si Mike. Yun eh kung hindi ako nananaginip na hihintayin niya ako.

"Oo ayos lang ako. Uuwi ka na ba? May kailangan pa kasi akong tapusin."

"Akala ko ba matatapos mo na yan kanina?"

"Oo pero biglang nagkaprobleman yung laptop at yung Xander na yun dinagdagan pa ang mga ginagawa ko. Matagal na bang may sungay yun?"

"Huwag ka ng magtaka sa kanya. Paano na yung kikitain mo?"

Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa tanong niya.

"Tinawagan niya ako kanina hihintayin niya daw ako."

Ang sarap sa feeling kung ganon nga ang nagyari na sinagot niya ang tawag ko, nagkausap kami tapos sinabi niya sakin na hihintayin niya ako pero hindi dahil yung kabaliktaran nun ang nangyari.

"Buti naman. Gusto mong tulungan na kita?"

"Huwag na kaya ko na to. Ako pa."

"Sigurado ka ha? Pano una na ako."

"Salamat Jenny ha. Ingat sa pag.uwi."

"Ikaw din."

Tinapik niya muna ako sa balikat bago lumabas. Kinuha ko kaagad ang phone ko para itxt si Mike kahit alam ko naman na ayaw niyang makatanggap ng message galing sakin pero wala na akong pakialam, sa ilang araw ba naman na iniignore niya ang mga messages ko hindi pa ba ako masasanay atleast nasasabi ko sa kanya kung gaano ko pa rin siya kamahal.

'Hintayin mo ako baby bunch ok? Mahal pa rin kita. I love you.'

-----------------------

Vote, vote po sa mga martyr na babeng nagbabasa kahit lalaki kasama na ako. hahaha.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon