Chapter IV- Meet His Friends (unedited Chap)
"What? May dumi ba ang mukha ko?" reklamo ko kay Xavier. Kanina pa kasi siya tumititig sa akin and I'm aware of it.
"Parang may kamukha ka talaga eh." kinabahan ulit ako sa sinabi niya. Paano kaya kung malaman niya? Sana naman hindi.
"Pero, pabayaan na lang natin. Sumasakit na ulo ko sa kakaisip." I felt relieved when he told me that. Akala ko kasi ma bubuking ako.
"Teka, wala ka bang ibang friends kaya sa akin ka naghahang out?" Nakakataka lang kasi. 3 days pa lang kami nagkakilala pero wala siyang na mention na friends. Sabagay, wala naman talaga tong kinekwento.
"Meron naman." Tipid niyang sagot.
"Eh bakit naghahang out ka lang sa akin?"
"Gusto mo bang hayaan kita dito at aalis na lang ako?"
"Hindi naman sa ganun, Xavier."
"Ganun naman pala e." tumingin siya sa kawalan na para bang may iniisip pero ganun lang talaga siya pag nagtatampo.
"Xavier naman, wag ka ngang emo diyan. Kikilitiin kita diyan eh!"
"Ikaw kasi." nagtatampo pa din siya.
"Gusto ko lang kasi ma manage mo yung time mo sa friends mo. Nag gui-guilty kasi ako kapag sila ang nagtampo sayo dahil sa akin." Explain ko sa kanya. Ayaw ko lang kasi siya ma ipit sa akin at sa friends niya.
"Gusto mo ipakilala kita sa kanila?" lumingon siya sa akin ngayon. Hindi ko siya ma basa.
"Talaga?! Gagawin mo yun?" Sigaw ko pero slight lang. Pero nagulat talaga ako dun sa sinabi and at the same time nasiyahan.
"Syempre. Kung kaya mo ang lugar." Pabulong niyang sabi ang huling sentence at nagsmirk siya. Binalewala ko lang naman kasi excited na talaga ako magkaroon pa ng ibang friends.
***
"Ba't ba ang kalat kalat dito? Parang dinaanan ng bagyo!" Nagreklamo na talaga ako kay Xavier. Hindi ko alam kung saan to pero sabi niya nandito daw ang friends niya.
"Malapit na tayo kaya konting tiis na lang."
"Xavier?" Pareho kaming lumingon ni Xavier sa nagsalita. Nakita namin ang isang babae hinggal na hinggal. Kayumanggi ang balat, Almond shaped eyes, mahabang buhok, makinis, maganda, at pinkish lips pero boyish ang pananamit niya.
"Bakit magisa ka lang, Mira? Tsaka ba't hinggal na hinggal ka?" Humakbang ang babaeng yung papalapit sa amin. Mira ata ang pangalan.
"Si Xyril kasi! Ako ang inutusan bumili ng toyo para sa lulutuin niya." Xyril? friends din kaya sila ni Xavier? andami ata babaeng friends nitong si Xavier
"Si Xyril? Loko yun! walang magbabantay sa mga bata!" Teka, bata?! MGA bata?! may anak etong dalawa?! Baka nakakatandang anak nila si Xyril!
"Ay, nakalimutan ko tuloy! kaya nga ako nagmamadali kanina." Naglanding naman ang mata niya sa akin.
"Sino siya, Xavier?" Tinuro niya ako. Lumingon si Xavier at ipinakilala ako.
"Siya si Erine. Nakilala ko siya 3 days ago."
"Girlfriend mo, no? Uieeeee, lumalablayp na si Xavier!" tukso pa nito sabay sundot sa tagiliran ni Xavier.
"Tigilan mo nga yang ka sundot sundot! hindi ko siya girlfriend. Friend lang!" inis na inis siya dun kay Mira at tinignan ito ng masama.
"Eh, bakit may pa hawak hawak pa ng kamay?" agad naman naming tinignan ang kamay namin. Tama nga siya! magkaholding hands kami pero inaalalayan lang talaga ako ni Xavier, Promise!
BINABASA MO ANG
A Princess Getaway
Lãng mạnEvery girl dreamt to be a princess. Yan naman talaga sabi nila. They deamt of becoming one pero hindi nila alam ang lonliness na mararanasan. Siguro magbaback out ang lahat. Kaya sa storyang ito, ipapakita ko sa inyo ang buhay prinsesa.