TOTOONG NANGYARI TO
TOTOONG TOTOO
Ang mga pangalan na ginamit sa storyang ito ay hindi namin totoong pangalan upang mabigyan ng privacy ang aming mga buhay-buhay.
==========================So, nag-start ito nung first day of class, wala pa akong kilala nun kasi transferee lang ako, kaya tumahimik lang ako at nung tinawag ako ni Teacher, ako'y nagpakilala sa kanila, at yung mga babae ay nagngingitian at nakatitig sakin dahil alam kong medyo may hitsura naman ako kahit papaano, after kong magpakilala, umupo nalang ako at hindi nagsalita, may isa pang nakatingin sakin at nginitian ko nalang dahil baka sabihin snob ako, and so walang nangyari nung araw nayun kundi ang pagpapacute ng mga babae.
[Kinabukasan] (2nd Day)
Pumasok ako na ako ng school at may napansin ako, may isang classmate ako na kakadating lamang ngayon, at katabi ko pa, (nasa likod kami dahil may katangkadan ako at yung katabi kong upuan ay bakante).
Habang wala pa ang aming guro, kinausap ako ni New Classmate,
"Hi, Ano pangalan mo?"
Tanong niya sakin, medyo napangiti ako dahil sa wakas mayroon na ding gustong makipag close sakin,
"Ako nga pala si Jayvee, ikaw? Ano name mo?"
Binalikan ko ng tanong, sabay ngiti at sinabi"Clarence, Clarence ang pangalan ko, 14 years old ako." Sabi niya nang pangiti.
Medyo natunaw ako sa saya at kaba, dahil siya lang yung ngumingiti sakin ng parang ganoon, hindi siya yung ngiti na binigay sakin ng mga babae sa room, kundi ngiting may kislap.
- di pa tapos. 😞 masakit ulo ko kasi