Paskong Paslit

68 0 2
                                    

PSKNG PSLT

Pagal na ang katawan ko sa mahigit walong oras na pag tatrabaho.. Hala sige at sisimulan ko ng mag lakad.. madalang na ang jeepney at Alas dyis na ng gabi.. ilang oras nalang ay mag uumpisa na ang tradisyonal na salo-salo ng bawat pilipinong pamilya. abente-kwatro ng disyembre ngayon pero eto ako at nag lalakad patungo sa isa pang ruta pauwi sa aming tahanan.. palibhasa'y walang pinipiling 'espesyal halidey' ang karerang aking pinili.. kaya heto ako imbis na kaisa sa aming bahay sa pag hahanda'y pagod na pagod at nag mamadaling umuwi.. Hala sige ang aking pag linga linga sa likod at sa gilid madilim kasi at baka me biglang biglang hindi magandang pangyayari ang bumungad sa aking tabi..

"Mama Pasakay!" Aking pag sigaw sa isang jeep na paparating matulin ang takbo nito kaya todo ang aking pag kaway.. awa naman ng diyos na nasa langit ay hinintuan ako..

"Mama Bayad po.." ang aking muntik ng di maisambit nag bigla humarurot ng pag lipad.. este pag takbo ang tsuper.. Byahing langit ito.. ako'y pumikit at napa krus saka nasabi na "Lord maari po bang next time ko na po kayo babatiin mg maligayang kaarawan ng personal at harapan." Pag dilat ko'y hindi ko namalayang papalapit na pala ako sa aking bababaan. "Para po sa tabi." sabay katok sa kesame ng jeep. agad itong huminto. "Merry Christmas po." Sabi ko sa tsuper bago ako bumaba isang kanto upang sumakay sa isa pang Jeepney.. Madaling araw na at panigurado'y mabagal ang pag puno nito.. Nag lakad ako patungo sa terminal ng jeep at duo'y aking naabutan nanaman ang aking suki sa kakanin.. Si Inang.. " Anak bili kana.." Pag eenganyo nya saakin.. Hindi ako nag dalawang isip na sya ay lapitan sa gilid ng nakasarang Ukay-ukay na tindahan na kanyang madalas na pwestuhan upang naubos ang nilalakong kakanin.. Sinyor na si Inang lubog na ang kanyang mga mata puti na ang mejo magulong buhok at kapansin pansin na ang kanyang payukong pag upo.. tanda ng katandaan at marahil ay pagod sa malamang ay maghapong pag lalako at heto nga'y naguubos pa ng paninda sa napakalamig na bisperas ng pasko.. kaya't nahahabag ako sa twinang nakikita ko syang nag titinda at nag lalako.. agad ko syang kinausap upang tanungin kung ano ba ang kanyang tinda sa gabing ito.. "Inang kahit pasko nariyan padin kayo.. Ano po bang atin?" Nakangiti kong bati.. "Puto bumbong Anak.. at Bibingka.. Mainit pa yan anak nilagay ko sa stayro.." Nakangiting sabi nya.. Sasagot na sana ako nang mabaling ang pansin ko sa dalawang batang masiglang nagtatawag ng pasahero.. "Oh Tatlo nalang!" Sigaw ng isang bata.. "Kaliwa't kanan kabilaan pa!" Sigaw naman ng mas maliit.. Napangiti ako at tumingin muli kay Inang.. "Tig Tatlo po Inang paki hiwalay nalang po yung isang bibingka at putobumbong.." At saka nag abot ng bayad sakanya.. Agad nyang inabot ang aking binili sa kabilang kamay naman nya ay ang aking sukli.. "Eto na anak bali singkwenta pa ang sukli mo.." Kinuha ko ang aking pinamili at iniwan kay Inang ang aking sukli.. "Pamasko ko ho sainyo Inang.." Ngumiti si isang at Nagpasalamat.. "Merry Chrismass anak.. salamat ha.." tumango ako at saka nag tungo sa jeep na mukang kanina pa ata ng aantay saakin.. bago ako sumakay ay iniabot ko ang dalawang bibingka at puto bumbong sa dalawang nag tatawag na bata.. laking tuwa ng dalawa at napatalon pa.. "Burger!" bulalas ng isa.. tinapik naman agad ng mas matandang bata at saka sinabing.. " Sira Hindi burger yan.. Nakaupo lang ako pang apat mula sa sakayan at tahimik na pinakikingan at pinagmamasdan ang dalawang bata.. "Bibingka! Puto bumbong!" Sigaw ng naman ng isa.. abot tenga ang tuwa ng dalawang bata at saka napabaling sa tsuper ang aking pansin.. " Hoy mga bata! puno na ba?" nag akyatan sila sa may pasukan at saka sabay na nag salita.. "Puno na po!" Humanda naman para sa pag andar ang jeep nang mapansin kong sumabit ang dalawang paslit.. sa tantya ko'y walo o syam na taong gulang palang ang isa sa dalawang bata habang anim o pitong taon naman ang isa.. mejo kinabahan ang aking puso at naisip na baka mapahanak sila sa di inaasahang pagkakataon.. ngunit nangalahati na ang daan ay matapang parin silang nakasabit at nag kukwentuhan.. maya maya pa ay nawala ang aking kaba nang may bumaba.. dahilan upang ako'y umurong at mas mapalapit sa mga paslit na matapang na nakasabit.. naupo sila sa babaang hagdan.. pwestong mas ligtas.. at saka muling umandar ang jeepney.. tahimik ang lahat at mukang pagod.. ang iba'y nakapikit at nakikinig lamang sa radyo ng kanilang modernong telepono.. nang biglang kalabitin ng isang bata ang lalake na nakaupo malapit sa baan ng jeep.. "Kuya anong oras na po?" Napatingin naman ang lalake sa kanyang orasan at saka sinabing "Alas onse pasado na." napasigaw nang " Yehey!" ang isa sa mga paslit at saka dinuktungan ng "Akala ko hindi na aabot ang notche bwena naten kuya eh.. kikinse palang itong kita naten.." tuloy tuloy na pag sasalita nito.. "Oo nga.. kulang talaga.. puto bumbong lang ang mabibili naten dyan eh.. oh eto mag hati tayo otcho sayo... Syete naman ang akin tutal hindi na naten kaylangan bumili.. meron na tayo nito.." iniangat nya ang plastik na nag lalaman ng aking naibigay kani-kanina lamang.. "Natupad din ang pasko naten kuya.. Hindi na naten kaylangan pang bumili.. naibigay na saatin ng libre! Uwi na tayo kila nanay.. Sapat na ito at sobra sobra pa.." pag mamalaki naman ng isa.. "Tama kaya dapat ay mag pasalamat tayo.." at saka inakbayan ng isa ang kanyang nakababatang kapatid.. "Para po.." Sabi ko..hudyat ito nang aking pag baba.. napangiti ako sa dalawang mag kapatid na nag hahanda upang mag bigay daan sa aking pag baba.. habang ako'y pababa ay hinawakan ko ang ulo ng dalawang paslit at saka sinabing.. "Ingat.. mahulog kayo ah.."

saka tuloy tuloy na bumaba.. papaandar na ang jeep ng marinig ko ang isang bata na ng salita.. "Oy kuya sya yun!" napalingon naman ako sa pag sigaw ng mas nakakatandang bata. "Oy ba-bay kuyang gwapong santa klaws! Salamat" at saka sila nagkakaway.. hangang sa hindi ko na sila matanaw.. sa aking pag uwi na ito mataba ang aking puso hindi sa taba ng pagkaing aming handa kundi sa isang pangyayaring talagang nakakamangha..

Paskong PaslitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon