Railey
"Besh huwag na lang kaya natin ito ituloy. Gabi na oh baka wala na tayong masakyan nito."
"Shhh baka marinig tayo nila"-bulong ko kay Candy na kanina pa ako inaayang umuwi.
"Railey, naku sinasabi ko sayo last na tong pang-ii-stalk natin kay Sheen na yan"-napanguso naman ako sa sinabi nya.
"Ano ka ba Candy di naman natin sya ini-istalk......"
"Ano sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon? Nagtatago dito sa may puno para lang makapanuod ng practice ni Sheen. Saka yung pagnanakaw mo ng cap, t-shirt, jacket ng dream boy. Sa tingin mo diba pang-ii-stalk mo?"
"Si besh naman oh. Huwag mo namang ipamukha sa akin yung mga kagagahan kong ginawa. Saka malapit na itong matapos. Ilalagay ko lang naman itong love letter ko sa bag nya para mabasa nya. Malay mo may gusto talaga sya sa akin diba?"
"Achuchuchu besh matulog ka. Paano ka magugustuhan nyang si Sheen eh may Queen na yan sa buhay nya. Saka beh running for Valedictorian si Sheen ayaw sa mga kagaya mong boblaks"
"Bunganga mo naman besh walang comma walang period. Nakakahurt ka ng feeling. Huhuhu"
"Besh huwag ka ngang umiyak ang sagwang tignan. Oh ayan na. Tapos na sila"-hinintay muna naming makaalis yung mga varsity player bago lumabas sa pagtatago. "Besh dito na lang ako. Ikaw na lang ang pumunta doon"
"Huhuhu besh samahan mo ako hindi ko to kaya"
"Che! Ang dami mong arte. Besh love letter lang ang ibibigay mo. Walang walang yan nung binigyan mo si Sheen ng Malaking teddy bear saka sobrang daming chocolates and flower"-bakit ba ang hilig ng bestfriend ko na ibuking ang panliligaw ko kay Sheen.
"Kashi naman besh magcoconfess na ang magandang si ako. Eto ang katapusan ko..."
"Yan na ang katapusan ng pagiging dakilang pang-ii-stalk mo kay Sheen. Kaya besshh utang na loob ilagay mo na yan sa bag nya bago pa nila tayo mahuli dito saka kanina pa ako pinagpi-fiesta-han ng mga panget na lamok dito. Oh my flawless skin magkakapantal na"-inirapan ko na lang ang kaartehan naming dalawa ni Candy. Railey for your Mission For Confession gawin mo to.
Lumunok muna ako ng isang basong laway bago ako naglakad papunta sa male cr. Geeezzz pagdating ko dun hinanap ko lang yung bag ni baby Sheen. Agad naman nahanap ng maganda kong mga mata ang kanyang bag. Huwag nyo ng itanong kung bakit alam ko kung ano yung bag nya.
Kinuha ko sa bag ko yung love letter na isinulat ko from the bottom of my soul and my heart.
Dahan-dahan kong inilagay sa bag nya yung love letter ko. Buti na dahil matagal maligo yung mga varsity player namin. Paalis na ako ng biglang mabrown-out kaya nadulas. Nahulog tuloy lahat ng gamit ko sa bag ko. Shit.O_O
"Huy pare may tao yata sa labas"
"Gago baka mumu lang yun"
"Pare baka namboboso kayo huh"-naku kinuha ko agad lahat ng mga gamit ko. Lipstick/ Powder at kung ano anong mga anek anek ko pa. Hindi ko makapa yung iba dahil wala namang ilaw.
Biglang bumukas yung isang cubicle. Shit. Bilis Railey baka mahuli ka nito. Dear Papa God pwede po bang palabasin nyo na ako dito.. huhuhu
"May tao ba dyan?"-O_o
Lagot na.. wait.. di ko pa nakukuha yung cp ko.. nawawala pa..
"Hey may tao ba dyan?"-tinakpan ko yung bibig ko para di makagawa ng kahit anong ingay.
"Pare may problema ba dyan?"
"Pare lagot ka may mumu nga dyan yata"
"Baka naman bakla lang yan na namboboso. Naku pagnahuli ko yan ipapakain ko yan sa pirana namin sa bahay."
BINABASA MO ANG
Mission For My Confession✔
Teen FictionAng tanging misyon lamang ni Railey sa kanyang last year sa high school ay ang masabi ang lihim na nararamdaman niya sa kanyang ultimate long crush na si Sheen. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay naibigay niya ang kanyang confession letter sa ib...