A/N: Sorry for the long wait. Nasira yung charger ng laptop so I need to do write it in my tablet. Its a little bit hard but I got to write it like I was typing in my laptop.
So here it is. Enjoy reading.
xo
Yhannie J.------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Someday
“Wake up sleepyhead!” I felt someone poking my cheeks.
Umungol ako nang hindi ito tumitigil sa pagsundot sa pisngi ko. Inis naman akong bumangon at hinarap ang may sala. Nagulat ako sa taong nasa harap ko. Agad akong nagtakip ng mukha dahil hindi ako sigurado sa morning face ko. Lalo pa noong marinig ko ang pagtawa niya.
“Can you go out first? I need to freshen up. Please?” ani ko.
“Just don't be too long, lady.” aniya.
Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Sign that he's gone already. Naiiling na lang ako na pumunta sa bathroom para maligo. Pagkatapos ko ay binitbit ko na rin ang beach bag ko papunta sa salas. Nakita ko si Thorin na nakaupo at si Hendrick na nakasandal sa pader. Tumigil ako sa pagbaba nang marinig kong ako ang pinag-uusapan nila.
“You two will be alone there in that island for one week. Be sure that she's safe and whole when she comes home. Or else...”
Hendrick chuckled “Or else, it'll be my last time seeing her. I got it Thor.”
I gasped when I heard that. What did he mean by that?
Nakita ko namang lumingon sa gawi ko si Thorin kaya napatingin narin sakin si Hendrick at ngumiti. Nag-aalangan akong ngumiti sa kanya dahi; nasa harapan namin si Thorin., Baka mamaya ay hindi pa ako pasamahin ni Thorin kay Hendrick. Maya-maya pa'y nilapitan ako ni Hendrick kasabay ng pagkuha nya ng hawak kong beach bag. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o titingin sa gawi ni Thorin nang halikan ako ni Hendrick sa aking noo.
“Forgot to say good morning to you, lady.” bulong nya.
Tumango na lamang ako at saka lumingon sa gawi ni Thorin. Nalaglag na lang ang panga ko nang makitang nakangiti sa akin si Thorin. May ginawa ba akong maganda noong nakaraan at nakangiti sakin ang kapatid ko. Nakakapagtaka lang kasi na walang ginawa ni Thorin sa pagiging sweet ni Hendrick sa akin.
“Be careful there Urielle. Don't be stubborn to Hendrick.” aniya.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap sya. Narinig ko na lang si Thorin na tumatawa nang mahina. Nagtatakang humiwalay ako sa kanya at tinignan sya.
“Looks like you'll be gone for a while when you hugged me, sister.” he chuckled.
Napanguso na lang ako at nagpaalam na muli sa kanya. Habang nasa byahe kami ay hindi ko na naman maiwasang mapatingin sa kasama ko. Simula kagabi ay hindi ko talaga maialis sa kanya ang aking atensyon. Naalala ko naman ang nangyari kagabi bago sya umalis.
“Lady.”
Nilingon ko sya at nabigla na lang ako nang hatakin nya ako palapit sa kanya saka siilin ng halik. Nagulat pa ako nang madali nya akong naipasok sa kwarto ko at isandal sa pader. Pigil ang paghinga ko nang maramdamn ko ang paglapat ng labi nya sa akin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso at kapag tumagal pa ito ay bigla na lamang itong lalabas mula sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
Ficção Geral𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.