Chapter 1

35 1 0
                                    

Sana magustuhan nyo yung story😊
Don't forget to vote😊

                                             ~~~~~

Louise' POV

Merong nagugustuhan si godfrey na babae, ang pangalan nya ay Ella Dela Cruz. Syempre bilang bestfriend, tutulungan ko si godfrey kay ella. Makita ko lang na masaya si godfrey masaya na ako, Yun nga lang.. Hindi nya alam na may gusto ako sakanya ayoko masira ang pagkakaibigan naming dalawa na dahil lang dun kaya pinili ko nalang na hindi sabihin sakanya.

Godfrey's POV

Ang supportive ng bestfriend ko na si louise, dahil tinutulungan nya ako manligaw kay ella sinasabi nya sakin yung mga gusto ng isang babae.

~•~•~•~

Louise' POV

Nandito ako sa classroom. Nang biglang tumunog yung phone ko.

                                        • Message •
                                 Best Friend Godfrey

Godfrey: Louise.. Uyy.. Best Friend..

Louise: Yes, Why?

Godfrey: Puede ba tayo mag kita mamaya sa school park mamayang uwian?

Louise: Oo, Bakit?

Godfrey: Basta. May sasabihin ako.

Louise: Nako.. Baka nang tri-trip ka na naman jan.

Godfrey: Di ah.

Louise: Sige na nga.

Ano naman kaya sasabihin nun sakin.. Buong klase wala kaming teacher. Last subject na namin yun, kaya pagka ring ng bell kinuha ko agad yung bag ko.. Malapit na ako sa pintuan na may biglang tumawag sakin..

" Louise! "

Napalingon ako..

" Ikaw pala, Nicole. Bakit? "

" Uuwi ka na ba? "

" May pupuntahan pa ako, tapos uuwi na "

" May date ka noh? Hahaha "

" Luh.. Kailan pa ako nagkaron ng ka date? Alam mo naman na may hinihintay ako haha "

" Malay mo Hahaha. Saan ka pupunta? "

" Sa park "

" Ano gagawin mo dun? "

" Kakausapin ko si Godfrey "

" Ano yan? Date yan ah! Haha "

" Grabe ka naman.. May sasabihin daw sya "

" Yiee! Aaminin na nun na crush ka nya "

" Alam naman natin na crush nun si ella eh.. "

" Luh, Nag emote si ate. Hahaha. Aminin mo na kasi sakanya "

" Bye na nga, Haha. Baka nag hihintay na yun eh "

" Sige na, Hahaha. Bye. "

Lumabas na ako ng classroom at dumeretso sa school park. Tinignan ko lahat ng bench kung saan naka-upo si godfrey. Nakita ko na kung saan sya naka upo at pumunta na ako dun ".

" Uy, Godfrey "

" Nandito ka na rin. Kanina pa ako nag hihintay ah "

" Sorry. May sinabi pa kasi sakin si nicole "

" Sige "

" So ano na sasabihin mo "

" Meron akong bagong plano "

Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now