Special Chapter 2Coffee
I cried my heart out. Sa loob ng halos isang buwan, bihira lang akong umiyak kasi effective yung ginawa kong busy ang sarili sa acads ko.
I cried on his chest. I missed him. Yes, I missed him so much.
Ako ata walang katapusan ang luha kasi naramdaman ko na lang ang marahan nyang paghaplos sa buhok ko. Tapos tinanggal nya sa mukha ko ang mga nakadikit na buhok at dahan-dahan na pagpunas ng luha ko.
Masuyo niyang pinagmasdan ang mukha ko. Nakipagtitigan ako sa kanya.
I missed him.
This silence between us, na-miss ko din ito.
His thumb is brushing my left cheek, his eyes smiling at me. Biglang gumuhit ang makulit na ngiti sa labi niya.
"Ang pangit mo na." Bulong nya sa akin.
Nagpanting ang tenga ko.
"Nakaka-inis ka!" Sigaw ko at kinurot ang pisngi nya.
Natawa sya at napa-aray sa ginawa ko. Kinuha nya yung kamay ko na ikinurot ko sa pisngi nya at hinalikan ang palad ko.
Nginitian nya ako, hinalikan ang noo ko at nalusaw na naman ang puso ko. Hulog na hulog na po ako sa lalaking ito.
"Huwag mo nang ulitin yun ah." Sabi nya.
Kumunot ang noo ko.
"Ang alin?"
"Yung gugulatin mo ako tapos di mamansin. Masyado kang nagpapa-miss."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Shet. Break na pala kami ng lalaking ito. Agad akong bumangon pero bumagsak na naman ang mukha ko sa dibdib ni Simon.
"Hep! Hep! Saan ang punta?" He asked playfully.
"Bitiwan mo ako. Uuwi na ako." I grumbled. Pilit na inaalis ang braso niya na nakapulupot sa katawan ko.
"Ayaw." He declared.
"Simon naman. I need to go home. Naghihintay sa akin sina A at C."
Hindi s'ya sumagot.
"Simon, please."
His arms tightened his embrace for a minute then he loosened it. I felt him kissed the top of my head.
Tumayo na ako at tumalikod na para tunguhin ang pinto.
"Wait." He said and held my hand. "Ihahatid kita."
Kumunot ang noo ko. He's not in the good condition para ihatid pa ako pauwi. Tsaka di na naman kalayo ang apartment namin e.
"Kaya kong umuwi. Tsaka lasing ka na." I said, tinatanggal ang pagkakahawak ng kamay nya.
"I'm quite sobber. Kape lang ang kailangan ko. " He said as he ushured me outside of his room. Then, hinila nya ako sa mini-kitchen nila at iginiya sa dining set nila.
"Sit here. I'll make coffee for us. Ihahatid kita pagkatapos." He said in a serious tone.
Tahimik na naupo ako at pinagmasdan syang magtimpla ng kape. Inilapag nya ang dalawang tasa ng kape sa lamesa at naupo sa tapat ko.
Tinanggap ko ang isang tasa at humigop ng konti.
"I think we should not be like this." I said.
"Like what?" He asked, as he relaxed on his chair.
"Like this." I said. Iminuwestra ko pa ang posisyon naming dalawa. Hindi dapat ganito kami. "We shouldn't be together. Wala na tayo, Simon. We broke up already."
Nanaig ang katahimikan. Pinanuod ko syang humigop ng kape at marahan na ibinaba ang tasa sa lamesa. Mula sa tasa lumipat sa akin ang mga mata nya at pinagmasdan ako ng masinsinan.
I shifted my position. Hindi ako komportable sa titig nya.
"Really?" He said.
I nodded.
He sighed and leaned down on the table. He seemed defeated. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko tungkol sa paghihiwalay ko sa kanya.
Ayoko naman talaga maghiwalay kami. Ayokong mahiwalay sa kanya. Masaya ako sa kanya. Masaya akong kasama sya. Masaya akong nalaman na mahal ko na sya.
Pero natatakot ako. Natatakot ako na maghihiwalay din kami. O kaya mawawalay kami sa isa't isa at mababaling ang atensyon nya sa iba at iiwan nya ako.
Natatakot ako na mawala sya. Mas natatakot akong iwanan sya.
Kusang pumatak ang mga luha ko.
"Mahal kita, Simon." Hindi ko mapigilan sabihin sa kanya. Ayaw ko talagang mahiwalay sa kanya. Kasi nga mahal ko sya.
"Mahal na mahal kita." I cried.
He held my hand.
"Mahal din kita, Gale." He croaked. Mukhang nagpipigil na rin sya sa pag-iyak.
Umiling ako. Hindi. Hindi n'ya ako mahal. Mas masakit.
"Tang'na naman, Gale! Makinig ka sa akin! Mahal kita! Wag mong pangunahan ang nararamdaman ko para sayo.
"Mahal kita." He said and kissed my hands. "Mahal na mahal. Kaya please, wag mo akong layuan."
Lumakas lalo ang pag-iyak ko. Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko at ang pagbiyak ng puso ko dahil hindi ko matutupad ang hinihiling nya.
"Simon..."
"Gale, please. Stay with me."
"Aalis ako, Simon. Pupunta ako sa New Jersey, sa company ni Mama. Di ko alam kung kailan ako makakabalik. Hindi ko kayang ibigay ang gusto mo."
Natigilan sya at tumitig sa akin. Patuloy ang pag-agos ng luha ko sa pisngi. Iniisip ko pa lang na lalayo ako ng tuluyan sa kanya ay nangungulila na ako.
Tumayo siya at hinila nya ako sa kanyang bisig. Inakap.
"Hush." Untag niya at inalo ako sa kanyang yakap.
"Huwag natin pangunahan ang mga pangyayari. Huwag mo akong iwan. Please, Gale." He said and kissed me gently.

BINABASA MO ANG
The Boyfriend Project (COMPLETED) #Wattys2016
Romance"I just wanna experience it. So, I'm doing this my own way." Gale Marquez