Ang confession daw, Parang Surprise Quiz. Di mo alam kung kailan dadating at kung kailan sasabihin. Pero sa totoo lang, di mo talaga agad agad sasagutin.
Marami na ding months simula nung nag break kami.
Marami nang nangyare simula nung wala na kami.
At heto paren ako. Nagbabakasakaling bumalik siya, Nagbabakasakaling mapa sa akin ulet siya. Pero...... Palagi nalang.
Patapos na ang klase at nandito padin ako sa classroom, Nakatingin sa malaking bintana. Iniisip kung ano ang naging mali, Iniisip kung paano nagkamali.
"Yannie!", malakas na sabi ng bestfriend kong si Erickha. Napatingin ako mula sa kinauupuan ko.
"Musta na teh? Tagal mo nang nakatingin sa mga ulap ah! Naghihintay ka ba ng pag fall ng ulan?." Pakunot niyang tanong saken.
"Buti pa ang ulan, di mo malalaman kung kailan ma fa-fall. Di tulad ko na predicted ang pag fall ko sakanya." Medyo ngiting sabe ko sakanya habang nakatingin paren sa malaking bintana."
"Sus! Ganyan naman kayong mga nasaktan eh. Halos lahat nalang may pinanghuhugutan." Ani niya sa aken habang papalapit siya sa kinauupuan ko.
Malapit nang gumabi, Pero di ko padin ma gets kung ano ang naging mali.
"Makauwi na nga.... Di ko sasayangin ang oras ko para magpaka tanga pa ulet sakanya", sabi ko kay Erickha habang liniligpit ko ang aking mga gamit.
"Mas mabuti pa nga" sabi niya naman saken habang tinutulungan niya akong magligpit.
Pumatak na nga ang gabi, At sa labas ng eskwelahan ay nag paalam na kami sa isa't isa. Sumakay nako ng jeep at umupo sa pinaka dulo upang matanaw ang napaka dilim na paligid at mga nakakasilaw na mga ilaw ng mga sasakyan.
Medyo nakakasilaw, parang nung naging kami. Pero sa bandang huli didilim paden.
Nag abot nako ng pamasahe ko at nakababa nadin ako sa jeep. Nagmadali na akong umuwi dahil baka maabutan pa ako ng curfew.
Pagdating ko ng bahay.... Napatigil ako malapit sa gate. Nakita ko siya sa labas.....kausap si mama. Ang kapal naman ng mukha niya, iniwan niya ako at wala manlang closure, tas eto siya ngayon kausap ung nanay ko.Habang naguusap sila eh napatingin si mama sa direksyon ko na para bang tinuturo niya ako. Napatingin naman siya saken pagkatapos akong ituro ni mama.
Tumitigas ang mga paa ko! Di ako maka lakad! Di ako makapag salita habang papalapit siya saken.
Naririnig ko na ang paghinga niya, malamang marami siyang sasabihin sa akin.
"Yannie, I'm sorry for hurting you. Di ko sinasadyang saktan ka, di ko alam na meron ka pa palang nararamdaman sa akin, Since may nararamdaman pa ako sayo.... Sana meron pang chance na maging tayo", Pakiusap niyang sabi saken.Dinedma ko siya, Di ko alam gagawin ko. Ngayong bumalik na siya, Ano ang sasabihin ko?
"Palagi nalang iniiwan,
Palagi nalang nasasaktan,
Palagi nalang binabalewala,
At palagi nalang pina-wawalang bahala.May iba pa bang paraan para mag mahal?"
Di siya nakapag salita sa sinabi ko.... Di siya umimik at na tameme siya sa mga sinabi ko.
"Oo nasa isip padin kita, oo nagagawa ko paring isipin ka, oo napapa hugot nalang ako ng wala sa oras simula nung iniwan mo ako." Ani ko sakanya.
Tumigil ang kapaligiran, Hininga nalang namen ang naririnig.
Buti naman at nagsalita na ulet siya, "Pero mahal padin naman naten ang isa't isa diba?", tanong nya sa akin
Napatawa ako sa tanong niya at napangiti na lamang.
"Oo mahal paren kita at mahal mo padin ako. Pero alam mo kung ano ang nakakasawang sabihin habang naalala kita?................. Palagi Nalang."
YOU ARE READING
Palagi Nalang (One Shot Story)
Short StoryPalagi nalang iniiwan, Palagi nalang nasasaktan, Palagi nalang binabalewala, At palagi nalang pina-wawalang bahala. May iba pa bang paraan para mag mahal?