Mahal Kita, Until I Die ...

662 4 4
                                    

BY: DIEHEARTS

Dapi’t Hapon at Unti unti nang sinasakop ng dilim ang paligid, kasabay nito ang unti unting pag patak ng ulan sa kanilang mga katawan habang nag uusap sina Xavier at Resca. Nang mga oras na yun ay nakikipag hiwalay na si Resca kay Xavier dahil sa palaging pagseselos ni Xavier sa kanyang mga kaibigan.. “pano ako di magseselos, simula ng nagkameron ka ng kaibigan at barkada, nawalan ka ng time sa akin” sambit ni Xavier, “kung nahihirapan ka na, mag break na tau” tugon naman ni Eca. “just let me hug you for the last time Eca” sabay yakap ni Xavier kay Eca ng mahigpit at pabulong na sinabi nito sa tenga ni Eca na “I Love You So Much Eca, Take Care Always”.”I know, Cge Paalam” tugon naman ni Eca sabay alis sa mahigpit na pagkakayakap ni Xavier at lumakad papalayo kay Xavier. Walang nagawa si Xavier kundi ang lumuha na lang kasabay ng pagpatak ng mga ulan at kundi titigan na lang si Eca habang naglalakad papalayo sa kanya.

Kahit wala na sila ni Eca, ay patuloy pa rin nyang palihim na minamahal ito, kahit wala ng pag asa na magkabalikan pa sila. Araw araw pa rin niyang sinisilip ang Facebook ni Eca upang tingnan ito at upang kahit papaano ay malaman nya ang kalagayan ni Eca Yun nga lang mas lalo siyang nasasaktan sa bawat pag silip nya sa profile nito sapagkat nakikita nya wala na talaga syang halaga para kay Eca, at higit sa lahat masaya si Eca sa mga kaibigan nya. Lumipas ang ilang buwan ………….

Nagbukas ulit ng Facebook si Xavier at agad agad nyang sinilip ang Facebook ni Eca. Nagulat siya sa kanyang mga nabasa sa wall ni Eca. “Resca, Get Well Soon” , “ Resca, I will pray for you” , “Resca , open your eyes …. We miss you so much” ilan sa mga nabasang comment sa wall ni Resca ni Xavier. Agad kinuha ni Xavier ang kanyang Cellphone at tinawagan ang number ni Resca. Ngunit di nya to macontact, kaya yung mama na lang ni Resca ang tinawagan ni Xavier. “Hello Tita, Xavier po to” “kaw pala yan iho” “kamusta po si Eca,” “andito kami sa ospital, comatose si ineng” sambit ng mama ni Eca habang umiiyak ito. Nang marinig ni Xavier yon ay biglang nagtaasan ang mga balahibo nya sa katawan at biglang patak ng mga luha nya.

Agad syang nagbihis at dali daling nagpunta ng Ospital, dun ay muli nyang nasilayan ang mukha ni Eca. Umupo si Xavier sa tabi ng higaan ni Eca at hinawakan ang kamay nito. Tinitigan ni Xavier ang mukha ni Eca, “maganda ka pa rin tulad ng dati, para ka lang natutulog na prinsesa … alam mo bang miss na miss na kita, natutuwa ako kasi nakita ulit kita kaya nga lang sa ganto pang pagkakataon, mag pagaling ka” sambit nya sa sarili nya. Tumayo si Xavier at umupo sya sa tabi ng mama ni Eca upang makipag kwentuhan. Dun nya nalaman na nabungo si Eca ng isang kotse habang papauwi na ito galing sa isang occasion ng kaibigan nya. Gumagabi na, kaya’t nagpasyang umuwi na si Xavier. Muli itong lumapit kay Eca at kumiss sa forehead ni Eca at bumolong sa tenga nito “WakeUp Eca, Miss ka na nila lalo na ni mama mo, I LOVE U SO MUCH ECA”

Umuwi na si Xavier, habang naglalakad sya, gulong gulo ang isip nya. Di nya namalayan na nasa tapat na sya ng isang simbahan. Nagpasya syang pumasok at nanalangin “Panginoon, tulungan mo po ang aking pinakamamahal na si Eca, pagalingin mo po sya, handa po akong ibigay ang buhay ko sau para sa kanya”. Pagkatapos niyang magdasal ay nag decide na siyang umuwi. Habang papauwi sya ay nagpromise sya sa sarili nya na magsisimba sya tuwing lingo upang ipagdasal ang pag galing ni Ecka.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon, walang palya si Xavier sa pagsisimba tuwing linggo. Pero simula nung dumalaw sya kay Eca ay di na sya muling dumalaw pa. Kaya wala na syang balita kay Eca. Tanging naniwala na lang sya sa kanyang mga dalangin.

Isang araw habang naglalakad si Xavier sa aisle papalabas na ng simbahan. Nagulat sya sa kanyang nakita, nakita nya si Eca at magkakasalubong sila nito. Hindi alam ni Xavier kung anong gagawin nya, iiwas ba sya? or uupo na lang lit. Pero nag pasya siyang yumuko na lang habang naglalakad upang di sya mapansin ni Eca. Pero ng lalampas na si Eca kay Xavier, at magkatapat na ang mga balikat nila biglang tinapik ni Eca ang balikat ni Xavier, “Kamusta Ka Na? Bakit Nakayuko ka, Mamaya nyan madapa ka” pabirong sabi ni Eca. Tumunghay si Xavier na pulang pula ang mukha at humarap, sabay tingin sa mukha ni Eca na nakangiti. “Ok Lang” at sabay ngiti rin ni Xavier, “Ikaw kamusta ka na Eca?” “Okie lang din, Maganda pa rin tulad ng dati” “Oo na maganda ka na, ikaw na ang pinakamaganda” at sabay sabi nya sa sarili nya na “kaya nga mahal na mahal kita eh” “cge bye na muna Xavier, take care” “bye, take care din” sagot naman ni Xavier. Matapos ang maikli nilang kamustahan at biruan. Nagpasya ng umuwi si Xavier ng masayang masaya kasi alam niyang tinupad ng Diyos ang panalangin nya at syempre nakita nya ulit ang babaeng pinakamamahal niya.

Lumipas ang 1 linggo, nagpasyang magsimba ulit si Eca, habang siya ay nag aayus ng kanyang sarili. Kinuwento nya sa kanyang mama na nakita niya si Xavier nung isang liggo sa simbahan. “Mama, diba kilala mo ung ex ko dati si Xavier” “syempre naman, pano ko sya makakalimutan, eh dinalaw ka nya nung nasa Ospital ka” “talaga mama?” pabiglang sagot ni Eca sa mama niya. “Oo nga, Kiniss ka pa nga nya sa forehead mo eh, and nag I LOVE U pa sya bago sya umalis” pagkatapos masabi un ng kanyang mama sa kanya, ramdam niyang parang may kumurot sa puso nya. Yumakap sya sa kanyang mama at umiyak. “Mama, Mahal ko pa po sya, kaya po ako di nag boyfriend, simula nung nagkahiwalay kami” “Sabihin mo sa kanya wag sa akin anak, Alam ko mahal na mahal ka rin nya”. Agad agad na nagbihis si Eca, at nagsimba .. ngunit di nya dun nakita si Xavier. Kaya umuwi na lang to sa bahay nila.

Gabi na, ngunit di pa rin sya dinadalaw ng antok, tanging pumapasok sa isip nya ay si Xavier. At meron syang nararamdamang di nya maipaliwanag, hindi sya mapakali sa isang pwesto sa kanyang pag kakahiga. Nag desisyon sya na kinabukasan ay pupuntahan nya si Xavier sa bahay nila at ipagtatapat nya na mahal nya pa rin to. Dun lang sya kumalma at tuluyang nakatulog.

Kina umagahan, niyaya ni Eca ang kanyang mama para pumunta kina Xavier. Nagbihis at nag ayos na sila ng mga sarili nila. Habang nasa byahe sila ng mama nila sinabi nitong “Mama bakit ganto ang nararamdaman ko, kinakabahan ako” “Wag kang kabahan anak, Okie lang yan” Binalewala nya ang nararamdaman nya, pero habang papalapit sila ng papalapit sa bahay nila Xavier mas lalong lumalakas ang kaba niya. Hindi nya alam kung bakit. Pagka baba nila sa sasakyan, una ka gad niya nakita ang isang pusang itim, na tila may ipinahihiwatig. Naglakad sila ng konti para makarating sa bahay ni Xavier. Nagulat sila dahil madaming tao sa bahay. Agad agad pumasok si Eca sa bahay ni Xavier. Dun tumambad ka agad sa bungad ng bahay ay ang kabaong ni Xavier. Di na nagawa pang silipin ni Eca ang kabaong ni Xavier. Agad agad itong nawalan ng malay at tumumba. Nang mahimas-masan si Eca, sumilip ka gad ito sa kabaong ni Xavier, ng masilayan nito ang mukha ni Xavier, tumulo ang luha nito sa salamin ng kabaong, kasabay nito ang pakiramdam ng sobrang panghihinayang, at pagsisisi. Lumapit sa kanya ang Ina ni Xavier at niyakap ito. “Ikaw pala si Eca,” at sabay abot sa maliit na papel kay Eca. “Basahin mo yan anak, nakuha namin yan sa wallet ni Xavier nung mabangga sya ng kotse” Agad binuksan ni Resca ang papel at binasa ito: “Thanks God, Kasi Tinupad Mo Ang Aking Panalangin Na Buhayin Mo Ang Aking Pinakamamahal Na Si Eca, Sobrang Saya Ko Po Talaga Ng Muli Ko Syang Nakitang Nakangiti. Tulad Nga Po Ng Pangako Ko Sa Inyo Panginoon. Buhayin Mo Lang Siya Kahit Buhay Ko Ang Kapalit, Kayo Na Po Ang Bahala Sa Akin”. Muling napayakap ng mahigpit si Eca sa Ina ni Xavier at mas lumakas pa ang pag iyak nito. “Tahan na Anak, tingnan mo si Xavier” tumingin si Eca kay Xavier, “Tingnan mo maigi ang mukha nya, pati mga labi nya” “Opo Tita” “Diba nakangiti siya, ibig sabihin masayang masaya siya para sau”.

THIS IS MY FIRST STORY NA GINAWA KO ... HOPE YOU LIKE IT GUYS ... PLEASE SHARE IT IF NAGANDA PO KAU .. :))

Mahal Kita, Until I Die ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon