Prolouge
Sa jeep na to may apat na studyanteng sumakay at mukhang may pinaghuhugutan at meron ring isang nanay at tatay na huhugot.. Hmmm? Ano kaya ang mangyayare?
Driver: Sakay na!! Sakay na!!
May apat na estudyanteng sumakay at nanay at tatay
Student 1 (Girl): Bayad nga po!!
Driver: Ano to?Student 1 (Girl): Estudyanteng nag-aral ng mabuti
Sabi ng unang estudyante
Student 2 (Boy): Kuya bayad po!!
Driver: Ano to?
Student 2 (Boy): Estudyanteng nagmamahal sa babaeng ngayon pa lang naibigan...
Nagtaka yung driver sa sagot nung dalawang estudyante..
Student 3 (Girl): Kuya bayad
Driver: Ano to?
Student 3 (Girl): Babaeng iniwan ng kanyang minamahal..
Nagulat yung pasahero sa sinabi ng estudyante at mukhang naengganyo silang pakinggan ang mga nagbabayad..
Student 4 (Boy): Bayad po!!
Driver: Ano to?
Student 4 (Boy): Estudyanteng nandito lang sa babaeng iniwan ng kanyang mahal..
May isang nanay na nagbayad
Nanay: Bayad po!!
Driver: Ano to?
Nanay: Isang nanay na nagpapaaral upang makapagtapos ang anak ngunit akin lang malalaman na siya'y may kasintahan...
May isang tatay na mukhang binata ang itsura
Tatay: Bayad nga!!
Driver: Ano to?
Tatay: Isang tatay na nagpapakahirap magtrabaho para sa kinabukasan ng kanyang anak.. Ngunit ang kanyang anak pag-ibig lang ang inaatupag..Mga pasahero: WHOAH!! HUGOT
May isang lalakeng sumakay
Boy: Bayad!!
Driver:Sige hugot na!!!
Boy: Isang pasahero na di alam ang nangyayari kung anong ibig sabihin ni manong driver... Kung bakit niya ako pinapahugot ng pera man o gadget para ito'y kanyang kunin?
Driver: Aba siraulo ka ha!!! Ni kailanman di ako ganyan!! Kaya kita pinapahugot dahil yun ang nagdaan kanina lamang!! Kung yan ang iniisip mo bakit ka pa sumakay?
End