I thought loving you was a big mistake
So I stay away from you…
But now I realized I was wrong
And regret every seconds I wasted
I have a chance to be with you….
Now there’s no more second chance
and the only thing I can do
is to wept and cry.
- Art De’ los Reyes
Introduction :
Dear Someone Special,
Hello! Ahmm siguro nagtataka ka kung bakit ako nagsulat ng ganito, sa totoo lang hindi ko din alam. Pasensya na talaga kung nauubos ko ang oras mo sa pagbabasa,I mean okay lang kahit hindi mo tapusin pero sana basahin mo din pasensya na talaga! Pero okay lang kahit hindi mo tapusin, ang gulo ko pasensya na talaga!
Sa totoo lang ngayon lang ako nakapagsulat nang ganito kaya pasensya na talaga. Alam mo ba sa totoo lang hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero alam ko na gusto kita! Simula pa nong 2nd year tayo.Pero mas malalim pa sa simpleng paghanga kaso hindi ko talaga alam kung “mahal kita” hindi ko pa kasi nararanasan yun eh. Isa lang talaga sigurado ko alam ko na special ka para sa akin, gustong-gusto ko yung ngiti mo. Sigurado hindi mo ako kilala pero ako kilala kita, I mean sikat ka kasi sa school pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kita nagustuhan huli ko nga napansin ang itsura mo eh. Gusto ko kasi pag tumatawa ka parang ang gaan ng mundo.
Ahmm. Pasensya ka na alam kong may mahal ka, si Shiela, pero huwag kang mag-alala hindi ako umaasa. Sana maging masaya ka, okay na sa akin kapag masaya ka.
Thank you! Kasi ikaw ang isa sa mga inspirasyon ko para patuloy na lumaban! Sana bigyan niya ako ng pagkakataon na mabigay sa iyo ito^_^
Sincerely yours,
Your admirer (^_^)/
March 1, 2013
******
“Para sa akin po ba talaga ito?” nanginginig na tanong ko dito habang pinipigilan ko ang sarili na umiyak sa harapan nito.
“ Oo iho, alam mo ba lagi kang kinukwento ng anak namin? Nakita iyan ng misis ko sa may kuwarto niya, hindi namin binasa ang laman niyan pero sana kung ano mang nakasulat diyan makatulong sa iyo” tinapik nito ang balikat niya at umalis na ito.
Andito ako ngayon sa hospital kung san siya naka-confined, ang mini-graden na ito ay tapat lang ng room niya na kung sakaling sumilip ang sinoman sa bintana ito ang makikita. Dito ako laging nakatambay nagbabakasali na isang araw, siya mismo ang bubukas ng bintana at makikita niya akong naghihintay sa kanya.
March 1, naalala ko ito ang huling araw na nakita ko siya. Akala ko pagdating ng Monday katulad ng ibang araw masisilayan ko parin ang ngiti niya, maririnig ko parin yung tawa niya at higit sa lahat kahit hindi ko man siya malapitan o makasama atleast alam ko na makikita at makikita ko pa rin siya.
Ang laking kong TANGA! Kung hindi lang sana ako naduwag na lapitan ka edi sana nasabi ko sa kanya na MINAMAHAL KO SIYA! Na bago niya pa ako nakita mas nauna ko siyang napansin. Kung bakit kasi ang duwag ko? Ilan pa bang maling desisyon ang gagawin ko?
Hindi ko na napigilan ang umiyak. Ang lumuha dahil sa posibilidad na kahit kaylan hindi ko na siya makakasama at makikita!
“Art magpahinga ka muna ”

BINABASA MO ANG
Dear Someone Special - a letter of true love
TeenfikceSi Art De'Los Reyes ang sikat na student sa last section na kilala bilang Playboy ay may gusto sa school valedictorian na si Arra Jane Gonzales na may lihim din palng gusto dito pero ang kanyang kaibigan na "campus crush" beauty and brain na si Shie...