<LEAN’S POV>
o.e
Ugh. My head hurts.
Ganito pala ang feeling pag gumising ka after mong makainom ng alak. That Shin, mag babayad siya! Nakahawak lang ako sa noo ko at minamasahe to. Miski mata ko hindi ko mamulat.
♪ I love you
You love me
We’re a happy family ♫
Ano ba yang pangbungad ng umaga na kanta?! Hindi naman yan tunog ng alarm ko pero bat yan ang naririnig ko.
=_=
O_O
NASAN AKO?!
Bat ako nandito? Ang ganda ng kwarto infareness. Simple lang at ang ganda ng colors. Nakaka-relax. Hindi mo akalaing kwarto pala ‘to. Kala mo nasa resort ka. Joke. At saka ang laki ng kama ang lambot pa. Sinong nangkidnap saken?! Sosyal naman nung kidnapper ang yaman pa. Ang daming mga vases at mga gamit na naka display.
O baka naman yumaman siya dahil sa pangingidnap.
At saka wala akong maalala sa nangyari kagabi. Ang naalala ko lang ay kasayaw ko si Shin. Ipinasa niya ko sa iba at…
Nakasayaw ko si mystery guy.
Kung natanggal ko lang yung maskara niya, malalaman ko na sana kung sino siya. Pero inikot niya ko at pinasa kung kanino. Then nag lights off.
Tapos…
…
Hindi ko na alam!
Pero maiba lang ako ha. Iba na ang suot ko. Don’t tell me…
Napahawak ako sa buong katawan ko at. “NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!”
“LEAN?!”, biglang may sumigaw.
“Kevin?”
Nagp-panic na binuksan ni Kevin ang pinto at hingal na hingal. At naka. Tapis. Siya. Wetlook. Oohlala~
Agh, ano bang pinagsasabi netong utak ko.
“ANO BA YAN! BAT NAKA TAPIS KA?! BAT IBA NA DAMIT KO?! WAG MONG SABIHIN… INAY KOOOOOOOOOOOO!”
“Ano ka ba Lean! Wag ka ngang maingay. Buti nga dinala pa kita dito pagkatapos mong malasing kahapon.”
“E ANO YAN. BAT KA NAKA-TAPIS TAPOS AKO… YUNG… GOWN…”
Tinitigna lang ako ni Kevin na nakanganga at biglang tumawa. “Ano ba yang pinagiisip mo. Ang dumi!”
“S-so… walang nangyari satin?”
Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako baka mamaya may nangyari nga samin. At wala pa kong maalala sa nangyari kagabi. Lesheng Shin yan oh. Kung hindi lang ako nalasing e nakita ko kung sino last dance ko.
Ang ikinagulat ko ay, nag smirk si Kevin at lumapit sakin.
“H-hoy batchoy, kung maka-tapis ka! Tinatanong kita. Sagutin mo ko!”, kabakaba kong sabi. Pagkarating niya sa kama na hinihigaan ko, gumapang siya papalapit sakin. “W-WAG MO KONG GAPANGAN MANYAK KA!”
“May sinabi ba kong…” Hindi ko na napansin na, nasa ibabaw ko na pala siya. “…walang nangyari saten?”, then he gave me a killer smile na parang nag sasabing may evil plan siya. Literal na killer smile. Kasi mamamatay ka sa sobrang gwapo niya.
“TIGIL TIGILAN MO KO KEVIN BYRON GARCIA FROM 4TH YEAR CLASS A!”, nagwala ako sa kama pero hinawakan niya ng mahigpit ang magkabilang wrist ko at inilagay niya ang pointing finger niya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)
Ficção AdolescentePano kung minsan ka na nga lang umibig, dun ka pa sa taken na? Ano ba mas pipiliin mo, pilitin na magmahal o mahalin ka? Ako nga pala si Lean at kahit anong gawin ko, mali pa rin. Kahit nag papaktanga ako, hindi ko alam na marami palang nasasaktan s...