PWEDE BANG MAKI-SHARE?
By: SettlerinSTAR
Mga bata pa lang tayo noong una tayong nagkita.
Nakaupo lang ako sa couch sa sala ng bahay namin habang nanonood ng movie. Ikaw naman ay nasa pintuan, nakatayo at nanonood din.
Tandang-tanda ko pa na "Romeo & Juliet" ang title ng movie. Alam ko na ang bata ko pa para manood sa mga love story movies, pero sadyang curios lang ako kung bakit naging "greatest playwright" si Shakespeare. Kahit di ko gaanong naiintindihan ang pinagsasabi ng mga tauhan, nababasa ko pa rin kung ano ang nais nilang ipahatid dahil sa subtitle. Talagang hango pa sa orihinal na play ni Shakespeare yung script ng mga tauhan.
Tinanong mo ako kung "pwede ba maki-share ng upuan?" ---- tumango lang ako.
Walang imikan, walang pansinan, di ko malaman kung bakit. Siguro napako ang kapwa atensyon natin sa palabas o kaya'y nahihiya tayo sa isa't-isa.
Di ko namalayang, may tumutulong luha na pala sa aking mga mata. Di ko kasi napigilan ang sarili ko na maiyak lalo na nung uminom na ng lason si Romeo dahil sa pag-aakalang patay na si Juliet.
May dinukot ka sa bulsa mo. Ito pala ay kulay puting panyo. Inabot mo sa akin at agad ko naman itong tinanggap.
Patapos na yung palabas nang may narinig tayong dalawang mama na paparating, nag-uusap at nagtatawanan papalapit sa may pintuan. Kapwa napatigil silang dalawa at tiningnan tayo.
Biglang nagsalita ang isang mama, "JARED, anak nandito ka lang pala!"
Ay, si papa lang pala at ang papa mo pala ang kasama niya.
Ilang sandali ay umalis din kayo.
Doon ko lang nalaman na matalik na magkaibigan pala ang mga papa natin. Doon ko lang nalaman na kuya mo pala yung boyfriend ng ate ko. Natawa nga ako dahil ang layo ng itsura nyo. Pogi at madaldal ang kuya mo samantalang ikaw ay patpat, uhugin at ang tahimik mo.
Kinabukasan, bumalik ka sa bahay namin kasama ang kuya mo para bisitahin ang ate ko. Nandun lang ako sa sala, doon pa din sa couch na pinag-upuan ko nung una tayong nagkita. Tinanong mo ako, "pwede bang maki-share ng upuan?" --- gaya nung una, tumango lang ako.
Comedy pala yung palabas, si Jackie Chan yung bida. Gaya nung isang araw, tahimik tayong dalawa, walang imikan, walang pansinan hanggang sa --- NADULAS SI JACKIE CHAN! Kapwa humalakhak tayo sa tawa.
Nang napansin natin na nakatawa tayong dalawa, tumigil tayo bigla.
Nagkatinginan tayong dalawa.
Tumigil tayo bigla.
Nakatinginan tayo sa mga mata hanggang sa
.
BINABASA MO ANG
Pwede Bang Maki-Share?
Teen FictionHELLO :) ahmm this is my first story.. sana po magustuhan nyo, vote lang if naguStuhan niyo.. i accept critiques.. e aapreciate ko po yun.. MARAMING SALMAT:)