Her Feelings

9 0 0
                                    

Naka move on na ko sa 1 and a half year crush ko that time nang biglang...

*DUG*DUG*DUG*DUG*

"Uh, oh! What's that sound again!?"
Tanong ko sa sarili ko.
Napalingon naman ako sa likod ko ng may tumawag sakin.

"Shakirah!"
Oh, si Andrea. One of my friends. LESBIAN FRIENDS.
"Bakit? Kailangan mo?"
Masungit na tanong ko.
Kilala ako sa school namin as 'SUNGIT GIRL'.
Don't worry sanay na sila pwera na lang sa mga bagong salta sa school namin.
"Sungit mo talaga! Tara hatid na kita?"
Wow! Gentleman, hindi nga lang talaga man. Haha!
"Okey."
Tipid kong sagot.
Habang naglalakad kami. Pinisil niya naman yung cheeks ko.
"Ouch! Ouch! Anjrea! Mashakit!"
Pagrereklamo ko.
"Haha! Sorry, ang cute mo kasi eh."
Nakangiti niyang sabi.
"Psh! Diyan ka na nga!"
Sigaw ko at nagpati-una sa paglalakad.
"O-oy! Sorry na nga eh!"
Hinabol niya naman ako at inakbayan.
"Tsk! Sinong may sabi sayong pwede kang umakbay sakin? Saka baka nakakalimutan mong may girlfriend ka!?"
Talak ko.
"Hmm. Hayaan mo siya. Nahatid ko naman na kanina yon. Remember pareho kaming pang-umaga?"
Pagdadahilan niya.
"Tss! Fine! Fine! Pasalamat ka friend kita kundi..."
Pagsuko ko.
"Kundi ano?"
Tanong niya at biglang nilapit ang muka ko sa muka niya.

*DUG*DUG*DUG*DUG*

Shucks!? What's that sound??
Don't tell me...
No!!! Erase! Erase! She's still a girl!
Shakirah! That's not good!

"Uy! Dak? Uy?"
Kaway niya sa mukha ko.
"H-huh? A-ahh... "
AWKWARD!
"Tulala ka sa kagwapuhan ko no?"
Mayabang niyang sabi.
"Huh! Hangin ah? Taas din ng self-confidence mo no? As if you're a real boy!"
Prangka kong sabi.
"Haha! Just wait, magiging tunay na lalaki din ako."
Nakangiti niyang sabi.
"Oh, sige na! Ayan na bahay ko. Ba-bye na. Ingat sa pag-uwi."
Pagpapaalam ko.
"Okey. Ba-bye, see you."

So, yon nga. Naging habit niya na ang ihatid ako pauwi.
Pero okey lang, kinikilig nga ko eh.
Teka!? Ano ulit yung sinabi ko?
Wala naman akong sinabing kinikilig ako diba?
Anyway, nandito ako ngayon sa Annex ng school namin with them.
Pag sinabing with them, aba! Alam na! Sangkatutak ba friends ang kasama. Haha!
Also with my best friend na minsan na lang sumabay samin sa paglalakad pauwi kasi sumasakay siya.
Bawal siya maglakad eh.
May heart problem kasi.
Tinawag niya naman ako.

"Bhe may sasabihin ako."
Sabi niya sabay hila sakin palayo sa mga friends namin.
"What's that?"
Tanong ko naman.
"Tinanong ko si Andrea, kasi nga napansin kong sobrang close na kayo di katulad dati."
Bulong niya.
"Oh,  ano namang tinanong mo?"
Patay malisyang tanong ko. I surrender na. Tinamaan ako kay Andrea. Crush ko siya okey na? At alam yon ng best friend ko.
"Ano ba talaga puntirya mo kay Shakirah?"
Bulong niya ulit. Pabitin naman to si bespren!
"CRUSH KO SIYA, BAKA NGA MAHAL KO NA EH."
Sagot niya.
"Tss! May girlfriend siya!"
Sabi ko kunwari.
"Yon na nga din sinabi ko eh. Ngiti lang ang sinagot."

CRUSH KO SIYA, BAKA NGA MAHAL KO NA EH

CRUSH KO SIYA, BAKA NGA MAHAL KO NA EH

CRUSH KO SIYA BAKA NGA MAHAL KO NA EH

Paulit-ulit yang nagrereplay sa utak ko.
Pero sabi nga ng best friend ko,
Wag ng umasa kasi nga may girlfriend na siya.
Kaya naman eto ako.
Palihim na tinitingnan siya from a far With her girlfriend.

>>>END<<<

MY LESBIE CRUSH(One Shot Story)@gelai_sachikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon